ALYSSA POV
Nag-umpisa doon ang pagkakaibigan namin ni Kief.
Lagi na kaming magkakasama ng mga kaibigan ko at kaibigan niya.
Nakilala na din siya nila mama.At kilala na din ako ng parents at ng dalawa niyang kapatid.
Mabilis lumipas ang panahon.
Di ko namalayan,3rd year high school na pala kami.
Madami na din dumating na pagsubok sa aming magkakaibigan pero nalampasan namin lahat yon.
Lalo pang naging matatag ang aming samahan.
September 04,2011
Foundation day namin ngayon.
Kaya busy ang lahat sa paghahanda ng mga ipapalabas.
Nitong mga nakaraang araw parang ang weird ng mga kaibigan ko.
Di ko sila masyadong nakakausap.Di ko rin sila mayaya pag may gusto akong puntahan.Lagi na lang nila sinasabi na may gagawin sila .
Kaya hinayaan ko na lang.
Nagkakasiyahan na sa gym. May mga nagpeperform.May sumasayaw at meron ding kumakanta.
Siguro kung di lang ako mahiyain kakanta din ako.
"At ang huling magpapakitang gilas sa pagsayaw ay ang HYPER MOVERS." sabi ng isa sa mga faculty members
Nagulat ako kasi grupo nila Kief yun.
Hindi ko alam na sasayaw pala sila ngayon.Ang mas ikinagulat ko ay pati ang mga beshies ko nasa stage din.
Di ko din alam na sumali pala sila sa dance group na yun.Di sila nagsasabi sakin.
Aalis na sana ako kasi parang nagtampo ako sa kanila pero nagsalita si Ella sa harap ng naka microphone.
"Besh,wag ka munang umalis please." sabi ni Ella .
"Patapusin mo muna kami.Antagal kaya naming prinactice to para sayo tapos di mo papanuorin?" dagdag pa niya
Para sa akin?
Kahit diko maintindihan kung bakit sinabi ni Ella na para sa kin yung sayaw nila sinunod ko pa rin siya.Yung title ng sayaw nila ay Dahil sayo ni Inigo Pascual.
Aba! Magaling pala sumayaw tong mga beshies ko.
Halata ngang pinaghandaan nila.
Nung malapit ng matapos yunng sayaw nila.Isa-isa silang lumapit sakin.At may tig iisa din silang dala na rosas.
"Besh sorry ha kung di ka namin pinapansin nitong mga nakaraang araw." si Den sabay yakap at bigay ng rose
"Hi besh. Sorry also sa pandededma ko sayo sometimes ha." si Amy
"Besssshh.Ang haba ng hair mo." si Ella yun lang talaga ang sinabi niya
Ganun din ang ginawa ni Von at Kobe.Inabutan din nila ako ng rose.
Naaguguluhan na ako kaya tinanong ko si Ella.
"Besh para san to?"
Ngumiti lang siya sakin tapos bumalik na sila sa stage.
Nagtanggal din sila ng jacket pagkaakyat sa stage.Tapos may nakasulat pala sa shirt nila na.
Can I court
Sobrang naguguluhan na ako ng biglang sumulpot sa harap ko si Kiefer.
May dala siyang boquet ng rosas at ang nakasulat sa damit niya ay
You??
YOU ARE READING
My First Love
ФанфикFirst Love .. Diyan ko naranasan ang sumaya. Naranasan kong umiyak at masaktan ng paulit ulit. Maghiwalay ng ilang beses. Pero pano kung dumating yung araw na tuluyan na kayong maghiwalay? Kakayanin mo ba? .. Sabi nga nila kung KAYO TALAGA ANG PARA...