Chapter 10

507 16 0
                                    

ALYSSA POV

Sunday ngayon at magsisimba kami ni Kiefer.

Hirap na hirap akong magdecide kung anong susuotin ko.

Magddress ba ako,magpapants o magshoshort.?

Buti na lang pumasok si mama dito sa kawarto ko.

"Ly nasa baba na si Kief."

Napatingin siya sakin.

"Oh bat di ka pa nakabihis?Baka naman mainip si Kief."

"Ano kasi ma...Di po ako makapagdecide ng isusuot ko."

"Anak kahit naman anong suotin mo okay lang.Mas maganda yung maging simple ka lang." sabi ni mama

Nakapagdecide ako na mag jeans na lang ako tapos white t-shirt.

Pagbaba ko mukhang hindi naman nainip si Kief kasi kausap niya si papa.

"Tara na." aya ko kay Kief

"Tito Tita punta na po kami ni Ly." paalam niya sa parents ko

Sa sasakyan nila kami sumakay.

Nung makarating na kami dito sa simbahan.Sinabi ni Kiefer sa driver nila na itetex na nya na lang siya pag-uuwi na kami.

Pagpasok namin si simbahan hinawakan niya yung kamay ko.

"Dati pinagdadasal ko lang na sana isang araw makapagsimba tayo ng tayong dalaw lang.Yung mahahawak ko ng ganito tong kamay mo bilang manliligaw mo.Ngayon totoo na." sabi niya habang nakatitig sa kin.

Kinikilig naman ako pero pinipigilan ko.

"Uyyy,namumula siya." pang-aasar niya

"Magtigil ka nga iiwan kita dito."

"Oo behave na po ako."

Nakinig na lang ako kay father.

Nung Peace be with you na.

Humarap sakin si Kief tapos hinalikan niya ako sa noo.

Tuwing hinahalikan niya ko sa noo naturuwa ako kasi ramdam ko na nirerespeto nya talaga ako.

Pagkatapos naman naming nagsimba   Pumunta kami sa mall.

Naglalakad lakad lang kami nang may madaanan kaming store na nagbibinta ng mga couple shirt.Hinila ako niya ako sa loob.

"Bili tayo Ly."

"Okay.Ikaw na mamili."

Pinili niya yung kulay blue na may nakasulat sa harap na kulit at sungit.

"Suot na natin Ly."

"Di pa nga nalalabhan eh". Sabi ko. Kasi d ako sanay mag suot ng mga damit kung hindi pa nalalabhan.Parang ang kati kasi.

"Sige na Ly.Arte mo naman eh."  sabi niya

"Sige na nga."

Nang maisuot na namin yung damit,tinawag ni Kief yung isang saleslady.Tsaka siya nakiusap kung pwede nya kaming kunan ng litrato.Pumayag naman si ate.

"Ayan okay na po sir.Bagay po kayo ng girlfriend niyo." sabi ni ate na mukhang kinikilig pa

"Naku ate nanliligaw pa lng po ako." sabi naman ni Kief

"Ay ganun ba sir.Basta bagay po kayo.At alam ko po kayo ang magkakatuluyan." sabay alis ni ate

Manghuhula ba yun? tanong ko sa isip ko

Pinost naman pala agad ni Kief yung pic namin. Tapos tinag pa niya ako.

Bagay daw po kami  :-)*(insert the picture)

Pagkatapos nun pumunta naman kami sa park.

Umupo kami sa magkatabing swing.

Sakto namang may nagtitinda ng ice cream.Kaya bumili kami.

"Oh kain muna tayong ice cream." sabay abot sakin nung isa

"Salamat."

Nananahimik lang kami nang bigla nyang ipahid sa mukha ko yung ice cream. Sabay takbo.

"Kieferrrr."

"Humanda ka sakin pag nahabol kita." sigaw ko sa kanya

"Kung mahahabol mo ako." sabi niya habang tumatawa

Ang bilis niyang tumakbo kaya diko siya mahabol.Kaya nag-isip ako ng paraan para makaganti ako.

"Arayyyy." sigaw ko habang nakaupo sa damuhan at hawak yung tiyan ko.

"Arayyyy." sigaw ko ulit at nakita ko namang palapit na siya sakin na kita mong  nag-aalala siya.Napangiti naman ako sa isip ko kasi effective nga ung naisip ko.

"Ly okay ka lang?Anong masakit sayo? Dalhin na ba kita sa hospital?. tanong niya nang tuluyan na siya nakalapit sa kin.

Hinintay ko muna siya umupo sa harap ko.

At nung nakaupo na siya agad kung pinahid ung ice cream sa mukha niya.

"Naisahan moko dun ha." sabi niya

Natawa naman ako.

Tatayo na sana ako ng bigla niya akong kilitiin.

"Awat na Kief awat na.Di na ko makahinga." pakiusao ko kasi napahiga na ako

Tumigil naman siya at nahiga din sa tabi ko.

Pareho na kaming nakabiga ngayon at nakatingala sa langit.Makulimlim kasi ngayon.

"Sana ganito tayo lagi.Palagi lang masaya." sabi ko

"Lagi tayong magiging masaya lalo na pag sinagot mo na ako." sgot nya

"Soon Kief...Soon."

Nginitian niya ako.Tumayo na siya tsaka niya inabot sakin yung kamay niya para tulungan akong makatayo.

"Tara hatid na kita."


My First LoveWhere stories live. Discover now