Chapter 2

772 22 0
                                    

Pagpasok ko sa school nanibago ako kasi wala pa akong kakilala bukod kay kuya.Ayaw ko pa sanang iwan ako ni kuya pero kailangan kasi medyo malayo yung room niya sa room ko.Pero hinatid niya naman ako sa room ko.Sweet ng kuya ko no.?

Pagpasok ko umupo ako sa gilid kasi nahihiya pa ako sa mga nadatnan kong mga magiging kaklase ko sa room.Pero pagkaupo ko may lumapit sakin na dalawang babae.

"Hi,pwede ba kaming umupo sa tabi mo kung okay lang? at kung wala ka pang katabi." sabi nung medyo mataba.

"Ah,okay lang naman."

"Oo nga pala,ako si Ella.Siya naman si Amy.Ikaw?"

"Alyssa." sabay shake hands.

"Alyssa? Alyssa Valdez ba? Yung magiging player din ng volleyball?

"Ahm, oo, ako nga yun." sabi ko ng mejo nahihiya pa.

"Wow! that's nice. Volleyball player din kami.So, we're teammates pa pala hindi lang classmates.So friends?. sabi ni Amy.

"Oo naman,friends". sagot ko

Andami pa nilang kwento.Naging komportable naman ako kasi mabait silang dalawa.

Dumating yung magiging adviser namin na si Miss Evelyn Reyes.Ayun pakilala as usual.Inuna kaming mga girls.Pinakahuli ako.Pagkatapos ko sumunod na yung mga boys.Hindi n ako nakikinig kasi daldal ng daldal tong dalawa kong katabi.

Hanggang sa isang lalaki na lang yung magpapakilala.

"Hi classmates,ako nga pala si Kiefer Isaac Ravena.Basketball player,dancer at minsan joker."sabay sayaw pa sa harap.Natawa na lang yung mga kaklase namin.

My First LoveWhere stories live. Discover now