Vacant namin ngayon kasi may pinuntahan yung science teacher namin.
Yung mga boys dun sila sa labas naglalaro.Habang kaming ibang girls andto lang sa room.
"Guys,laro tayo?.Spin the bottle." sabi ni Den. Isa din siyang volleyball player. At kaibigan na din namin.
"Sige."
"Go.game kami jan." pag-sang ayon naman nung iba.Hindi sana ako sasali pero hinila na nila ako kaya wala na akong nagawa.
Spin!Spin!Spin!
Nagpapasalamat ako kasi di pa tumatapat sakin ung bote.
Pero nung si Ella na ung nag spin nung bottle biglang nag stop sakin.
"Hay sa wakas ikaw na Ly.Ano truth or dare?." sabi ni Ella.
"Dare." para may thrill
"Tapang Ly ah.Sige ito,punta ka sa labas.Nakikita mo naman siguro yung mga boys dun na naglalaro ng sipa." si Ella sabay turo sa labas.
"oh.Tapos,anong gagawin ko.?"
"Punta ka dun.Tapos mag hi ka kay Kief."
"Iba na lang guys."
"Bakit Ly? Magha hi ka lang naman ah. Crush mo no? kaya nahihiya ka.? uiyyyy." si Den
"Hindi ah.Ayoko lang lumabas no.Issue kayo." sabay tayo at labas.
Pag hindi ko kasi gagawin sigurado ako kawawa na naman ako sa pang-aasar nila.
Pagkalabas ko.Lumapit ako sa mga boys.
Nakita naman ako ni Aldren.Nginitian niya ako kaya nginitian ko din siya.
Tapos saka niya kinalabit si Kiefer.
Kinabahan ako nung lilingon na sya.
Relax Ly. Mag ha hi ka lang. Enhale Exhale. Hooohh.Nong lumingon siya
"Hi Kief." sabi ko sabay takbo pabalik ng room.
Pagpasok ko sa room.Aba tong mga kaklase ko puro nakangiti ng nakakaloko.
"Nagawa mo Ly.Tapang mo ah.Napansin ka na niya." si Ella
"Whatever Ella.Talk to my hands." aba ang loko tinawanan lang ako.
KIEFER POV
Naglalaro kami sa labas ng mga kaklase kong mga lalaki. Yung mga girls naman nasa room.
Ang lalakas ng tawanan nila.Ano kayang trip nung mga yun?
Kinalabit naman ako ni Aldren kaya humarap ako.Nagulat ako kasi nasa harap ko si Ly.Nakangiti.
Aba himala nakangiti siya sakin samantalang pag nakakasalubong ko yan di pa tumitingin sakin.
"Hi Kiefer." sabi niya pero bigla naman syang tumakbo pabalik sa room.
"Anyari dun? tanong ni Von.
"Aba ewan ko kay Kief. Naghi sa kanya tas bigla na lang tumakbo." sagot ni Aldren.
"Nako napagtripan ka ata ng mga girls bro." singit ni Laurence.
"Pero nag hi na sayo yung crush mo mo bro.Hanep." si Von
"Tss.Di ko nga siya crush bro. Kulit kulit naman ng lagi mo."
"Sige lang deny pa. Pag ikaw nainlove jan wag na wag kang hihingi ng tulong samin ha.!"
""Don't worry guys,never mangyayari yun.NEVER!"
Tinawanan lang nila ako.
Pagkauwi ko sa bahay.Diretso agad ako sa kwarto.
Chineck ko kung online pa yung mga kaibigan ni Ly.At tamang tama online si Ella.
"Hi Ella."
"Oh.Hi Kief. Anong nakain mo at bigla ka na labg magchachat sakin? Bat di si ano ang ichat mo?.
"Sinong ano?"
"Asus kunwari di alam.Anong kailangan mo sakin?."
"Meron ka bang no. ni Alyssa?"
"Natural meron kaibigan ko yun.Bakit? Kukunin mo no?. Crush mo siya no?"
"Porke't ba kinukuha no. crush agad? diba pwedeng makikipagkaibigan lang?"
"Style mo bulok Kiefer."
Ang daming alam ng Ellang to.
"Ano,bibigay mo hindi.?"
"To na nga oh 09*********."
Bibigay din naman pala.Dami pang satsat.
"Salamat Ells."
"Anong salamat? may bayad yan.Libre mo ko. Total feeling close naman na."
"Oo na taba." sagot ko.
Nag logged out na ako.
Tinext ko agad si Ly.
"Hi po :-)."
"Sino po sila.?"
Aba nagreply. Mapagtripan nga.
"Ah ako nga pala si c______." hahaha
"Sino ka ba ha.?
Mukhang galit na siya.
"Hulaan mo."
"Kung sino ka mang anak ng tokwa ka.Wag mo nakong itetext kung mantitrip ka lang.Hindi rin ako maghuhula.Kaya pls lang.STOP TEXTING ME!".
Hahaha! yun galit na nga talaga siya.
"Si Kiefer to."
Naghintay ako ng reply niya pero wala.Isang oras na wala pa din.
Matutulog na sana ako pero tumunog yung phone ko.
Nagreply siya.
YOU ARE READING
My First Love
Fiksi PenggemarFirst Love .. Diyan ko naranasan ang sumaya. Naranasan kong umiyak at masaktan ng paulit ulit. Maghiwalay ng ilang beses. Pero pano kung dumating yung araw na tuluyan na kayong maghiwalay? Kakayanin mo ba? .. Sabi nga nila kung KAYO TALAGA ANG PARA...