Kinabahan ako nung nagtinginan si sila.
Pero bigla na silang ngumiti.
"Alam na namin ineng." sabi ni mama
"Po? Pero paano?" gulat kong tanong
"Pumunta dito si Kiefer dito kahapon nung lumabas kayo ng kuya mo." - Papa
"Pumayag naman kami.Basta alam niyo kung ano muna yung priority niyo." -Mama
"Tsaka alam naming mabait ang batang yun."
"Salamat Ma..Pa." sabay yakap sa kanila
Sakto naman ang pagdating ni kuya.
"Eh ako walang hug?Porket may manliligaw ka na kakalimutan mo na si kuya?"
"Teka..Pati ikaw kuya alam mo na din?
"Oo.Tinext ako ni Kiefer kahapon.Kaya nga kita niyayang mamasyal kahapon para di mo siya makita dito sa bahay." sagot ni kuya
"Kasabwat ka din pala." kunwari nagtatampo ako
"Sus.Tampo ka pa eh sigurado naman kilig na kilig ka kanina." pang-aasar ni kuya
"Dali na san na yung hug ko?" dagdag pa niya
"Dami mong alam kuya."
Hinug ko na lang din siya.
"Group hug." sabi naman ni papa
Thankful ako kasi binigyan ako ng family na sobrang mapagmahal.
KIEFER POV
Sobrang saya kong umuwi kasi finally liligawan ko na si Ly.
Pagdating ko sa bahay.
"Ganda ng ngiti natin manong ah." salubong ni mama
"Success ba yung plano mo? tanong naman ni papa
"Syempre naman pa.RAVENA yata to." sabay apir kay papa
"Hahaha.Naman.Anak kita eh"
"Ayan.Pag talaga ganyan.Sobrang magkasundo kayo no?" sabi ni mama
Tumawa na lang kami ni papa.
"Basta huwag niyong pababayaan pag-aaral niyo ha." paalala ni mama. "At wag mong sasaktang si Ly.Sobrang bait ng batang yun."
"Kuya totoo ba yun.Nililigawan mo na si Ate Ly?" tanong ni Dani. Nakikinig pala siya sa usapan namin.
"Oo."
"Yay.Magiging sisters na kami." sigaw ni Dani. Grade 5 na siya ngayon.
Si Thirdy naman first year high school na siya.
Kasama ko din siyang magprepare nung plano kanina.
"Congrats manong.Galing mo kanina." -Thirdy
"Salamat Thirds.Thanks din sa tulong mo.Hayaan mo pag may niligawan ka na tutulungan din kita."
"Nako manong matagal pa yun.Wala pa akong napupusuan."
"Aba dapat lang Ferdinand 1st year ka pa lang." sabi naman ni mama.
Nung nasa kwarto ko na ako.Tinawagan ko naman si Ly.
"Hello." sabi niya sa kabilqng linya
"Hi Sungit.Anong ginagawa mo?" tanong ko
"Wala naman.Nagbabasa lang ako ng mga notes."
"Ahhh.Kumain ka na?"
"Oo.Napatawa ka? May kailangan ka ba?"
"Meron sana."
"Ano?"
"Yung I LOVE YOU mo."
"Ewan ko sayo Kiefer."
"Uy kinikilig siya."
"Hindi."
"Weh? pangungulit ko
"Hindi nga ang kulit mo talaga.Sige na matutulog na ako."
"Aga mo naman matulog."
"Excited kasi akong mapanaginipan ka." sagot niya
Hindi naman ako nakasagot agad.Tinakpang ko ng unan yung mukha ko para pigilin ang kilig.
Ang bading naman.
"Kief are you still there?" tanong ni Ly
"Ah.Uhm. Oo"
"Bye.GoodNight Kulit."
"GoodNight Sungit." sabi ko.
Pagkababa ko ng phone.Napangiti na lang ako.
YOU ARE READING
My First Love
FanficFirst Love .. Diyan ko naranasan ang sumaya. Naranasan kong umiyak at masaktan ng paulit ulit. Maghiwalay ng ilang beses. Pero pano kung dumating yung araw na tuluyan na kayong maghiwalay? Kakayanin mo ba? .. Sabi nga nila kung KAYO TALAGA ANG PARA...