ALYSSA POV
Pagkatapos ng RIGODON namin.Pinabalik na kami sa mga upuan namin kasi iaannounce na daw kung sino ang Mr&Ms HeadTurner at Prom King&Queen.
Sabi ng host mahirap daw pumili.Kaya naman sa Headturners dalawang pairs ang kukunin. Isang pair sa Juniors at isa pair din sa Seniors.
"The Mr. Headturner from the Juniors is...........MR.KIEFER ISAAC C. RAVENA."
"Congrats bro." bati nila Von
"Congrats Kief.You deserve it." bati ko din sa kanya.
"Thanks Ly.Sana ikaw naman yung Miss Headturner para masaya."
"Asa pa ako.Ang daming magaganda jan." sagot ko
"Hayaan mo kahit di ikaw yung mapili sayo lang naman napapaikot tong ulo ko." sabi naman niya
"Sus bolero.Punta ka na nga dun." tulak ko sa kanya
Inasar asar naman ako ng barkada.
Sinabi na din muna kung sino ang Mr.Headturner sa Seniors.
"And the Miss Headturner from the Juniors is....Ms ALYSSA C. VALDEZ."
Nagulat ako nung ako yung tinawag.Hindi ko kasi talaga inexpect.
"Go na besh." tulak ni Den sakin nung di pa rin ako tumatayo sa kinauupuan ko.
"Huwag ka namang manulak Den madapa naman ako." suway ko sa kanya kahit di naman masyadong malakas yung pagkakatulak sakin.
"Punta ka na kasi." dagdag naman ni Ella
Kaya naglakad na ako papunta sa tabi ni Kief.
"Di ba sabi sayo eh." sabi naman ni Kief
Nginitian ko na lang kasi iaannounce na din yung Prom King&Queen.
"And the Prom King and Prom Queen 2017 are Mr. Kiefer Ravena and Ms. Alyssa Valdez." announce ng teacher.
Nakita ko naman na napatayo pa yung barkada namin habang pumapalakpak at sumisigaw.
"Congrats satin." sabi ni Kief
"Congrats satin." ulit ko naman
Krinongratulate naman kami ng mga teachers.
"At ngayon pwede bang pumunta kayo sa gitna ng floor at magsayaw?" Sabi ng Host.
Pero bigla na lang umalis si Kiefer at lumabas sa quadrangle hindi naman nagsabi kung saan siya pupunta.Nagbulungan naman yung mga tao.
Natulala naman ako habang nakatayo pa rin sa kinatatayuan ako.
Bigla naman namatay lahat ng ilaw.Black out ata.May narinig naman akong sumigaw na teacher na ang sabi huwag daw magpanic nagkaproblema lang daw.
Nagpasalamat naman ako dahil umayon sa nararamdam ko ung pagkakamatay ng mga ilaw.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman koHindi ko namalayan unti unti na palang tumutulo ang luha ko.
Bakit ganun,kung kailan handa ka ng papasukin siya sa buhay mo bigla na lang siya mawawala? Iiwan ka na lang sa ere ng walang paalam. tanong ko sa sarili ko.
Nakapagdesisyon na kasi ako kanina na sasagutin ko na si Kief.Nagtuloy tuloy naman ng tumulo yung luha ko.
Nang biglang lumapit sakin si Ella.Ginamit nila yung flashlight ng phone nila para makita nila ako.
"Oh besh bat ka umiiyak? tanong ni Ella
Niyakap ko naman siya.At mas lalo akong naiyak.
"Besh iniwan niya ako.Hindi man lang siya nagsabi kung saan siya pupunta.Okay pa naman kami kanina eh." sabi ko
"Wag ka nang umiyak masasayang lang yang make-up mo." pagpapatahan naman sakin ni Den
"Tahan na." si Ella
Hinila naman nila ako di ko alam kung saan kami pupunta.Pero nakailang hakbang lang naman kami nung tumigil din agad sila.
Yayakapin ko na sana ulit si Ella pero wala na sila sa tabi ko.
YOU ARE READING
My First Love
FanfictionFirst Love .. Diyan ko naranasan ang sumaya. Naranasan kong umiyak at masaktan ng paulit ulit. Maghiwalay ng ilang beses. Pero pano kung dumating yung araw na tuluyan na kayong maghiwalay? Kakayanin mo ba? .. Sabi nga nila kung KAYO TALAGA ANG PARA...