ALYSSA POV
This it! Prom Night na namin ngayon.
Kahit ayaw na ayaw ko ang mag-ayos wala akong magagawa ngayon kasi kailangan.Kumuha pa si mama ng mag-aayos sa akin."Ma pwede naman po sigurong kayo na lang mag-ayos sakin.Kahit naman yung simpleng ayos lang pwede na." sabi ko kay mama
"Anak naman,ngayon lang naman to.Sige na.." pakiusap ni mama
"Sige nga ma.Pero ayaw ko po ng sobrang kapal na make-up ah." baling ko sa mag-aayos sakin
"Oo bhe.Akong bahala.Kahit light make-up lang m sisiguraduhin kong maiinlove sayo yung date mo.Trust me girl." Sabi niya. Bakla po siya.
Inumpisahan naman na ni ate yung pag-aayos sakin.Bilib nga ako kasi sobrang bilis ng kamay niyang mag-ayos.Halatang sanay na sanay siya.
Mabilis din siyang natapos sa pag-aayos sakin.Kaya haharap na sana ako sa salamin kaso pinigilan niya ako.Bago kasi niya ako ayusan kanina ay pinatalikod niya ako sa salamin.Para daw suspense.
"Wag ka munang magsasalamin girl,isuot mo muna yung damit mo." utos niya sakin
"Sige po."
Kaya sinuot ko na yung damit ko.
Cocktail dress siya na kulay pink.
Sinuot ko din yung regalo sakin ni papa nung birthday ko na set ng jewelries.Binigyan din ako ni mama ng sandals na ang kulay ay silver.Pagkatapos kong magbihis.
"Ayan okay na bhe.Pwede ka nang magsalamin."
Pagharap ko naman sa salamin napa WOW na lang ako. Kasi sobrang ganda ng pagkakaayos sakin.Yung buhok ko kalahati lang yung tinirintas tsaka pinaikot sa tuktok.Tapos yung nakalugay naman kinulot sa dulo.
Pagpasok naman ni mama dito sa kwarto.Nilapitan niya ako tsaka hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Ang ganda mo anak.Bagay na bagay sayo yang ayos mo.Dalagang dalaga ka na talaga." naiiyak na sabi ni mama
"Wag ka ngang umiyak ma.Prom ko lang to hindi kasal." sabi ko.Ngumiti naman siya.
"Ikaw talaga,nagmomoment ako eh." natawa na din siya
"Oh halika na sa baba at naghihintay na yung prince charming mo."
Lumabas na kami sa kwarto ko.Inalalayan naman ako ni mama sa pagbaba.
Nakita ko naman sila papa,kuya at kiefer sa sala na nag-uusap.Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
Nung makita kami ni papa agad siyang lumapit samin ni mama.
"Ang ganda mo nak.Bilis talaga ng panahon.Dati kinakarga lang kita ngayon naman napakaganda mo ng dalaga.At may manliligaw na." naiiyak ding sabi ni papa
Nagiging emosyonal yata ng parents ko.Ang drama nila eh.
"Nambola ka pa papa.Tsaka wag ka na magdrama.Nagdrama na nga si mama kanina eh."pang-aasar ko sa kanya
Nakita ko naman si kuya.
"Oh ikaw kuya hindi ka din ba magdadrama?Lika na dito para minsanan na." natatawa kong sabi
"Ikaw talaga Ly puro ka kalokohan.Mahiya ka naman sa manliligaw mo oh." sabi ni kuya sabay akbay kay Kief na kanina pa atang tulala.
KIEFER POV
Namangha ako pagkakita ko kay Ly dahil kahit na simple lang pagkakayos sa kanya sobrang bagay sa kanya.At ang ganda niya.
Kung di pa ako inakbayan ni kuya Nicko di pa ako matatauhan.
"Ganda ng kapatid ko no Kief." sabi ni kuya
"Sobra." sagot ko naman sa kanya habang nakatingin kay Ly.Namula naman siya.Kahit nakamake-up siya halata pa din na nagbablush siya.
"O sge na punta na kayo.Baka mag-umpisa na yung event.Malate pa kayo." sabi ni tita
"Sige po tita tito kuya.Punta na po kami.Hatid ko na lang din po si Ly dito pagkatapos po ng event namin." paalam ko.
"Sige.Mag-iingat kayo ha.Kiefer yang dalaga ko ha.Yung bilin ko sayo." paalala naman ni tito
"Wag mong pababayaan yang kapatid ko Kief baka matalisod yan sa taas ng hills niya." pang-aasar namn ni kuya nicko kay Ly
"Akala mo lang yun kuya.Kering keri ko to." sagot naman ni Ly.Kaya naman nagtawanan na lang kami.
Lumabas na kami ni Ly sa bahay nila.At sumakay sa sasakyan namin.Inalalayan ko naman siya sa pagpasok sa kotse.
Nung makaupo na kami sa sasakyan.
"Sobrang ganda naman ng date ko.Nahiya naman ako bigla." sabi ko sa kanya
"Bolero mo po.Ikaw din naman sobrang pogi mo." banat naman niya
"Bolero mo din po." sagot ko sa kanya tsaka kami nagtawanan.
Tinatawa ko lang yung kaba ko.
Bago kasi ako pumunta kila Ly kanina.Hinanda pa namin yung surprise ko sa kanya kasama ang barkada.
Nagpaalam din ulit ako kila tito at tita.

YOU ARE READING
My First Love
Fiksi PenggemarFirst Love .. Diyan ko naranasan ang sumaya. Naranasan kong umiyak at masaktan ng paulit ulit. Maghiwalay ng ilang beses. Pero pano kung dumating yung araw na tuluyan na kayong maghiwalay? Kakayanin mo ba? .. Sabi nga nila kung KAYO TALAGA ANG PARA...