UE pep group staff send a notice na may lagnat pa rin si Jackie kaya di na pinayagan ng mga magulang nito na sumama pa na mag-ensayo ng Saturday.
Maraming messages ang agad na pumasok sa facebook ni Jackie, including Izzy and Liza.
Napapailing pa si Jackie sa naging epekto at resulta ng naramdaman niya kay Jeff kahapon, nagkaroon siya ng instant lagnat. Hindi naman talagang lagnat iyon, sirit na init dahil sa sumusubong pagmamahal-pagmamahal na di maibuga-dahil si Jeff mismo ang napagtuonan, hindi iba.
Ang lakas makagago!
Biro mo pipitik din pala'y bakit nga ba sa halos kapatid na ang turing niya? Noon ay kaya pa niyang mangontrol, but lately as she entered adulthood ay nagbago ang lahat. His touches ay nagbibigay sa kanya ng kiliti--kiliti na kinasasabikan niya palagi .Every time na bibigyan siya nito ng smack sa pisngi niya ay wish niyang sana ay sa lips na niya iyon idinampi ni Jeff. Not a sisterly treat but as a lover.
Nakakaloka talaga!
At kung bakit naman kasi itong si Jeff ay hinakot na yata ang lahat ng mga hanap niyang katangian na gusto niya na taglayin ng isang lalake na mamahalin habang-buhay. Ang malas ng ibang lalake dahil inubos na lahat ni Jeff iyon, sa kanya natumpok! Hindi na siya makakita ng pinagsama-samang mga katangian dahil hiwahiwalay na ang mga iyon sa mga ito. Kumpara si Jeff kay ganon o kay ganito, kapogian? wala, iba ang klase ng pigura niya, di niya ito maitatapat sa iba. Sa mata niya. Anong pakialam niya sa tingin ng iba? Sa ugali man ay makinis at halatang nasubaybayan ng mga magulang. Di makadikit ang iba kahit sa daliri man lang. Maging sa mga abilidad ay top din. Kung di siya hihinto sa paghahanap ng mga katapat ni Jeff ay tiyak magiging crone siya, isang tumandang dalaga na sobrang selan sa lalake,di na siya makatikim ng luto ng diyos.
Humiga sa kama si Jackie, inis na inis sa sarili, inis na inis kay Jeff. Nagkalukot-lukot ang kobre kama dahil sa kabibiling niya. Hanggang sa oras na ito ay nasa isip pa niya ang ligaya niya sa pagyakap kay Jeff. Masaya siya sa oras na iyon, lutang siya sa ulap. Lalo na noong ramdam niya ang buong katawan nito na yakap niya, Ayaw na nga niyang paalisin ito pagdating sa bahay nila, ipasok na ito sa kwarto niya, kanya na! Magsiping na silang dalawa! So what kung mabuntis siya, sa kanila naman iyo. Ang mga iisipin ng mga tao ang iiwasan nila at ng parents nila.
And she saw her parents accusing her. Balikwas ng upo si Jackie sa ibabaw ng kama. Kinakapatid niya ito, iyon ang problema.
"Bakit siya pa!" Inis na dakot na nito sa mga unan at ibinato iyon sa paypay ng pinto. Napokus ang isip sa pag- kukumpare ng mga magulang nila. At sana hindi na lang! Sana libre sila ngayon na gawin anN ng mangyari sa kanila ni Jeff.
Naupo uli ito na sa isip ay hinalukay ang mga suitors niya na hanggang ngayon ay di tumitigil sa pangliligaw sa kanya.
Si Encio Granitu, na isang accounting student at isang atleta ng weighlifting. May pigura din na pwedeng itabi sa mga matinee idol pero hindi finese sa kilos. May mga oras na parang asal bata ito, madalas mawala ito sa linya ng usapan, kapag nagbiro ay walang sense.
Si Steven kaya? Ah,patas, medyo lamang siya kay Encio ng one point. Siya ay yung tila maraming naisip na mga solusyon sa mga problema ng bansa. Ngingiti na labas pa halos ang mga ngipin kapag nabisto kung saang libro na nabasa nya iyon.
Si Felix, ang asal niya'y mangligaw nang mangligaw ng mga babae, kapag pinatos at nagkaroon sila ng sexual contact ay ikinukuwento sa iba ang paghalinghing mo. Tiyak na may stolen shot pa na kita ang mga piyesa mo na kakunekta ang kanya.
Si Caloy. Nakakatawa siya nang minsan ay lumapit para mangligaw. Kuntodo na bihis pa na parang isang ibinurol na bangkay. Long sleeve na puti, slack na black pants, may bitbit pang isang kahon ng pizza pie at tatlong red roses na parang pinitas pa sa garden nila. Nakatayo sa isang kanto ng canteen para maghintay ng chance niya.
Kinawayan niya ito.
Lapit naman agad, natuwa na binigyan agad ng pansin, di nabagot.
"May gusto kang sabihin?" tanong pa niya.
"A...e," kamot ito sa ulo na mabagal sa pagsasalita.
Arko na'ng mga kilay niya "O?"
"E, kasi..."
"Love mo ako?" inako niya ang mabagal na pagsasalita nito. Hagikgikan agad tuloy ang lahat ang mga dancer na kasama niya.
Tango itong inabot lahat ang mga dala niya "I... lo...love.. love you... kasi e..."
Lahat ng nasa canteen na ang natawa, hindi pansin ni Caloy iyon.
"O..." sagot naman niya, "Half muna ang sagot ko... dapat lang sa kabagalan mo."
"Thank you!" masaya pang pumihit na at iniwan sila.
At saka lang niya dinugtungan iyon nang wala sa paningin nila si Caloy, "O, hindi na oy!"
Pwede si Caloy. Siya ang klase na makokontrol niya, di ito magpupumilit na igiit ang sexual contact, e di break agad!
Kung lagi siyang malapit kay Jeff ay posibleng siya pa ang maging igniter. Ang muling madikit kay Jeff ay malabong makakapagpigil pa, siya na ang magbubukas para
magtalik silang dalawa.
Hindi iyon matatanggap ng mga magulang nila.
Si Jeff, ano ang magiging comment niya? Lulutang pa na di siya iba sa ibang babae.
Siya, saan siya masusuot kapag negative ang resulta?
Magkapit-bahay sa R. Papa ang pamilya nila. Dikit ang mga bahay nila doon. Dumayo lang ang mga Cordova,silang mga Zulueta lang talaga ang tubo sa lugar na iyon. Kung paano nagkasundo ang family nila ay di na niya alam.
Pareho silang zodiac sign na Gemini, Year of the Rats ang sa Chinese calendar. Si Jeff ng May 27, siya'y June 8 naman, halos parehas kaya isang binyagan lang noon sa kanila. Ninong at ninang na agad ang mgaparents nilang dalawa, siya sa parents ni Jeff at ay vice versa naman siya dito.
Sabayang lumaki kaya ang mga ugali at ang nahilig na laro ay parehas. Noon pa ay kita na agad na ayaw niyang makalaro ni Jeff ang lahat ng mga babae, siya lang, Si Jeff ay hindi ganoon, pero nakabantay naman. Palagi na nakasunod kahit na halos sa mga babae na siya mapasama. "Bawal sa kanya magbigay ng ibang pagkain," paalaala pa nito,"Baka mag-lbm siya."
Matalino si Jeff, laging nasa top one. Di maisama sa mga nasa section one dahil dahil ayaw siyang iwan nito sa ibang section. Kaya noon pa lang ay hinala na sila'y magsyota na.
Grade 5 na sila nang ang hilig ni Jeff sa mga sports ay lumutang. Umaarkila ito ng roller blades at ng bike na pinalulundag sa mga bako at mga sidewalks. Nahuli ni Ninong si Jeff na sumisirko pa sa ere gamit ang bike. E di sermon agad ang inabot niya sa parents niya. Kaso di sya mapigilan kaya pinagbigyan na lang sa hilig. Minsan ay nag-uwi ng isang trophy, nanalo ito ng first price sa sinalihan na contest ng roller blade. Nasundan iyon ng pagkopo sa korona ng exibition ng BMX bike, champion din siya. Sa nakitang husay ng anak ang nagtulak kay ninong na ito ay suportahan. Iyon na nga ang pasimula ni Jeff, sali ito sa ice skating na doon pa sa Rustan dinadala para lang makapag-ensayo.
Grade 9 baling naman sa skateboard at parquor na ginagaya sa computer games na PRINCE OF PERSIA at ASSASSIN CREED.
Sa paaralan ay laging tinutulay ni Jeff ang handrail ng balkon. Sa hawakan ng hagdan ng naka-incline ay nagpapadulas na gamit ang mga paa. Laging nasesermunan ng mga teacher nila. Iyon ang naging daan kaya naispatan ito ni Coach Archie ng Samat High School, isinama sa pep dance crew.
Mahilig din naman siyang sumayaw kaya nang yayain na siya'y sumali na agad. Iyon na ang simula and the rest ay history na nga, sumikat sila.
Heto na nga, magkahiwalay sila ng school,both scholar ng atlethic division-dancer ng pep group at dance crew. Pero di hadlang iyon dahil dikit pa rin sila, di nila ginawang maghiwalay
Siya na lang ang lalayo. Masakit iyon para sa kanila na twenty-one years din na magkasama, since birth.
Time change, people change as each day passed them by.. the sad part is the feelings also changed, she wanted Jeff more than a friend. That is where this problem occurred.
***
Nagpapasimulang sindihang lahat ang mga street ligths kahabaan ng Recto Avenue.
Nala-wow si Jeff na dukot ang cp niya, six o'clock na ng gabi. Late si Jackie, sa huli na subject ay five pm sharp ang labas niya, pero
heto one hour late siya.
Hindi nagbigay ng abiso o text message lang para alam niya. Kangina pa ilang ulit na nag-call, out-of-reached iyon simula ng lunch time.
Di niya ugali na lumabas sa Lepanto o Gastambide gates, kasi ay mapapalayo na siya ng sakayan pauwi.
"Oy, Zulueta," tawag nito "sinong hinihintay mo?"
"Si Jackie,"
"War ba kayo?"
"What that suppose to..."
"Si Jackie?"
Something went wrong?
Hindi pa alam ni lalake na kinaliwa siya ni babae, "Nag-break up na ba kayo?"
May ginawa si Jackie, e ano iyon?
"Sinagot niya si Caloy."
"What?" gulat ito.
Nalunok na ng babae ang laway sa bibig niya,"Hatid siya ni Caloy sa pag-uwi."
"Shit!" dabog nitong ang nasa isip ay ang isesermon ng mga magulang ni Jackie. Wala siyang tampo dahil di naman totoo ang naikinalat na mu nila, it is a shield para di maabala si Jackie sa pag-aaral. Siya na ang nagbaba ng panangga na iyon kaya out na siya.
Kamot sa ulo na tumalikod na ang babae, iniwan na ito sa tapat ng gate.*******
BINABASA MO ANG
CAN YOU DANCE WITH ME?
Random"Wala ka na bang oras para sa akin?" reklamo ni Cleo nang makita si Jeff na nagbabayad ng quota nila sa dance contest. Tingin lahat ng mga organizer sa babaeng sinita ang choreo ng Niveous. Kilala nila ito, si Cleo, dati ring dancer. "Cl...