Ipinabaranggay pa ng mga magulang ni Cleo si Jeff.
Viral na agad ito sa lugar nila kaya dagsa ang mga kakilala ni Jeff para umalalay at magbantay sa mga Zulueta. Isang magulong pamilya ang mga Aqiunas na dati ring kalugar nila pero nalipat nang tirahan sa Malabon, di nila papayagang masaktan sina Jeff.
Pumayag naman ang mga ito sa kasuduan na kapag tapos na sa pag-aaral si Jeff bago sila magsama at pakakasal. Di ito dapat matigil dahil lang sa ipinagbubuntis na bata, sayang ang scholar grant ng SSC sa kanya. Pati ang mga opisyal ng baranggay ay namagitan at sila'y pabor na huwag masayang ang libreng pag-aaral ni Jeff. Pinakiusapan nila ang mga magulang ni Cleo.
Pumayag lang ang mga ito nang sabihin ni Jeff na si Cleo ay bibigyan niya ng sustento kada end of month. Ten thousand pesos per month.
Gigil ang mga kabarangay ni Jeff. Pera lang pala ang habol ng mga Aquinas. Bakit di pa nila nirektang pera lang ang gusto nila, sana ay wala nang maging malaking abala na nangyari.Nguyngoy si Jackie sa inabot ni Jeff. Hindi iyon mangyayari kung agad niyang natanaw ang posibleng gawin ng mga babae na gumigiri noon kay Jeff. Kung hindi siya bumitaw ay hindi makakasingit si Cleo.
E kung may mangyari nga sa kanilang dalawa?
Iyon nga ang naging problema na naging dahilan kaya nagpasya siyang umagwat kay Jeff. For delikadesa! Kinakapatid niya si Jeff. E iba na nga ang ibinubuga ng katawan niya sa bawat hipo ni Jeff sa kanya. Kay Jeff ay sisterly touches. Kinalakihan nila iyon, ganoon na sila buhat noong simula pa. Siya ang nagbago, she cherish every touch of Jeff. She wanted it, she loved it! There was a time na halos she wanted to tell him caress her, kiss her allover... and sex her.
Pero nagpigil siya. Lumayo siya dahil ayaw niyang magkaro- on ng sigalot sa mga pamilya nila kaya siya nagpasya ng ganoon.
Kung alam lang niyang ito naman ang sasapitin ni Jeff ay di na sana siya lumayo, hinayaan na lang niya na mangyari ang di dapat mangyari sa kanila. E ano? E sa iba nasuot ang turingan nila na magkapatid. Wala namang problema dahil di naman sila magkadugo, kuneksyong religion lang iyon.
Gigil si Jackie sa maling pasya niya. Kung noon pa niya naisip agad ito ay hindi napasuot si Jeff sa problema kay Cleo. Sana ay kapiling niya si Jeff ngayon, di napunta sa iba.
Nagset ng contest ang Auto World, isang asosasyon ng mga dealer ng mga sasakyan sa NCR, sa MOA ginanap iyon.
May kasabayang contest iyon na sa Baguio naman ginanap.
Nagpakasunduan nina Jeff at ng iba pang grupo na sa Baguio ang iba, sina Jeff at Monchie sa MOA. Sa Baguio pupunta ang iba pang kasundo nila na mga dance crews, hati sa paghakot- biyaya.
Dagsa pa rin ang mga sumali sa MOA. Twenty groups din iyon na ang iba nga ay galing pa sa Laguna at Batangas. Ipinakilala sila ni Monching kay Jeff. Mga grupong sumali sa itinayong choreograghper association.
Isang grupo ang nagpalista kay Monchie, mga taga- Pampanga.
Gulat ang lahat sa resulta.
Rank 6 lang ang Niveous, 8th ang Black Hole at 9th ang Step 1 ng Laguna.
Dismayado ang lahat. Okay lang sana kung ang dayo na Step 1 ang nakasilat sa Niveous at sa Black Hole, magaling din naman
sila talaga, panggiba rin ang mga movements nila. Ang nanalo ay mga grupo na 'pag natalikod sa mga judges ay paiikutin ang mga puwetan nila na parang si Miley Cyrus. Ikot paharap at twerking uli. Sa kalahatian ng time limit ay balik sila sa unang step nila para umeksakto nga sa haba ng hinihinging tagal sa performance Dismayado rin ang emcee. Pangit ang kinalabasan ng contest. Nakakahiya!
Gigil itong pumunta sa water dispenser at uminom ng tubig para lumuwag ang dibdib niya. First time niyang makahawak ng isang contest na puro bobo ang mga judges. Nakakahiya pa na ikuwento sa iba. Sayang at big event pa naman, may kalakihan ang premyo.
Lapit dito ang mga dancer.
"Anong nangyari Mely?" sita na patanong ng choreo ng Aug- mented.
"Baka niluto?"
" O nagkalagayan?"
"Hindi!" saway nito sa mga nagdududa, " Sana ay makinig muna kayo," pakiusap nito.
Nagtaas ng mga kamay si Jeff. Iginagalang nila kaya sumunod.
"Sige na Mely, ikuwento mo." malamig ang tinig na hiling nito.
Higop ng hangin si Mely bago nagsalita. " Walang dayaan o ang hinalang lutuan... alam ninyo na papalag ako pag mayron noon sa contest na hawak ko." higop ito ng hangin, pinuno ang baga nya. "Lima ang judges na imbitado pero isa lang ang dumating, kaya naghatak ang organizer ng mga manager ng mga auto dealers para sila nga ang humatol sa mga magkokontes. Ayan, puro gstyle na mga seksi dancers at mga comedian dance crews ang mga pinili nila!"
Hindi nasunod ang standard basis sa judgement ng execution ng mga janra. Pili lang ng mga ito sa gusto nila- e may isa lang na nagandahan sa mukha at medyo marunong iikot ang baywang ay high score na, isa ang gumawa ng comedy ay high score din.
Misjudged ang contest!
Walang nagawa ang mga ito kundi tanggapin ang pasya ng mga hurado.
Taas uli ng mga kamay si Jeff
All ears ang mga ito sa top choreo na kasama nila.
"Dapat Miley Cyrus Dance type Showdown na competition ito!"
Tawanan at palakpakan.
" Guys...sorry tayong lahat sa ngayon! Bawi na lang sa ibang contest. See you all at Bomber!"
Nagkakaingay na naghiway na ang lahat.
Lapit na si Monchie kay Jeff. "Twelve member na kami," turo nito ang grupo na mula pa sa Laguna. " Finance na lang ang magiging problems."
Nakaplano na iyon, "Product endorsements ka sumubok. Tag mo sa fb mo."
"Website!'
"Good, Monchie. Pati ako ay magi-invite sa browser ko. Mga three more years pa ay putok na tayo noon. We will do our own dc."
Nakaupo sa punong hagdan ng Bahay nila si Jeff nang sina Jonas, Arthur, Bimbo at Marlon ay sumulpot.
Walang ngiti sa mga ito, halata na nabalitaan na ang nagyari sa dc. Dagdag sama ng loob ang bitbit nila. Iyon din ang sinapit ng mga nagpunta sa Baguio, mga homeboys ang binigyan ng boto, di ang mga dayo.
"Sayaw kami ng sayaw pero wala kaming score!" pnggigigil ni Marlon, "Kaya pala walang quota dahil pinalabas na mga guest kaming lahat, di na mga contestant. Animal!"
Nakakasusot ang ngiti ni Jeff sa narinig, "Talo sa pamasahe at pagod!"
"Buti may bisitang mayaman na natuwa sa anim na grupong mula sa Manila. Kinausap kami na guest na padala niya. Natural na gusto na magpasikat yung tao sa mga nandoon hindi na niya pinanghinayangan kahit umubos pa ng quarter of a million. Payag na lang kami 'no." pagtutuloy ni Bimbo, "Pinakain kami at iginala sa bawat sitio na may program, pinasayaw. Inabutan na kaming lahat ng 1k kada ulo. Bale halos 200k ang pinakawalan sa amin, isinabay pa kami sa pag-uwi ng mga shuttle nila."
Around three hundred pesos pa ang tira kapag ibinawas ang pamasahe papunta doon. Tayo si Jeff na sinipa ang isang bato. Ang buwisit na lutuang iyan ang ibig niyang mabura! Hirap, pagod at puyat ang inaabot ng mga dancer para maging mahusay at hindi kahiya-hiyang magsayaw, tapos lulutuin lang o bababuyin sa mga contest na pupuntahan nila! E marami pa naman sa kanila ay scapegoat lang ang pagsasayaw, para libangin ang sarili, limutin ang maraming problema sa mga tahanan nila, tapos e gagaguhin lang pala!
Pinigil ng paa ni Oscar ang gumugulong na bato sa kalye.
" O, di ba kasabay n'yo sina Sammy at ang grupo ni Dieter sa bus?"
Lapit sa bakod si Oscar. "Sa Camachili na kami naghiwalay," sagot nitong nginitian si Jeff " O, Twerking contest pala sa MOA ha?" Tawa nitong umiiling, "Mas okey pala kami sa Baguio, balik taya! Ha...ha...ha...ha!" Bunot na nito sa pitaka niya binunot ang tira sa naiuwi nila, pasok ito sa bakod at iniabot iyon kay Jonas. "O patak-patak!"
Iinom na lang nila ang sama ng loob.
Bunot din sina Marlon at Jeff.
Sapo pa rin ni Ramon ang noo niya, di pa matanggap ang nangyari sa kanila. "Si Diosa e muntik na maging ipakta sa galit."
" E talaga namang kagalit-galit ang nangyari!" diin pa ni Marlon. "Parang namasyal lang kami sa Baguio e!"
"Mabuti pa nga siguro!"
Nanghihinayang pa si Jonas,
"Sana sa Baguio na lang din tayo sumali. Di man tayo nasalang ay nakarating sana ako doon."
Nagkatawanan na.
Nakatig-iisang bote na sila ng beer nang dumating sina Sam at Casper. Nabuksan uli ang mga nangyari, mas kalmado na sila kaysa sa kangina.
"Madalas mangyari iyan!" ani Casper." Kaya nga kada lapag e wish na agad namin ang patas sa judgement. Matalo man ay good feeling pa rin, di sama ng loob."
"Kaya nga pursigido ako na maitatag ng husto ang samahan ng mga dancers at mga choreo, para di tayo nagagago!"
Tingin ang lahat kay Jeff.
"May twelve choreo na ang mag-sign kina Monchie. Isa pa nga ang taga- Laguna at isa sa pa sa Pampanga. Mga three years lang ay matatag na iyan."
Nagkakamot sa batok si Sam sa pagtaya sa mga narinig kay Jeff. "Sige, magrerehistro rin ako kay Monchie."
" Medyo may katagalan bago maging istablisado iyan. Marami pang babangong mga problema, pero tama lang na pasimulan na agad," pag-ayon ni Casper. "Sama na rin ako."
"POC ako kaya di puwede na malista diyan," paniniyak ni Jeff. "Si Jonas ang tatayong Choreo ng Niveous."
Sayang! Si Jeff pa naman ang kapag nagsalita ay payag na ang lahat, walang aangal.
"Pero pwede akong adviser." dugtong ni Jeff.
Yun naman pala e!
"E sinong nanalo sa MOA?" si Sam.
"GTB kids!" sagot ni Jonas.
"Gagalangin Tondo Bois? E ni hindi makalusot iyan sa Assassin ni Oscar...tapos tinalo ang Black Hole at Niveous?"
"Nilandi na mga ng Step 1, e kaso nga'y gusto ng mga auto car manager ang mga twerking nila e, anong ating magagawa? Bugok sa sayaw ang mga judges, sa mga makina ng auto sila magaling!"
Napatawa na lang si Oscar sa pagmamaktol ni Jonas.
"Ipinabaranggay ka raw ng mga Aquinas?" ungkat ni Casper sa problema kay Cleo.
Tapon ng matalim na tingin si Arthur dito.
Nahalata iyon ni Casper "Viral na iyon dito sa atin Arthur, ang mga nakabalita na'y di pabor kay Cleo dahil pa-wok siya. Sigurado ba na anak ni Jeff nga ang ipinagbubuntis niya, ha?"
Hindi nakasagot si Arthur. May kasong isinampa ang mga Aquinas sa isang manager ng food chain store na naka-viginized kay Cleo. Nakalaya nga ito pero hiningan ng pera . Pera na bahay pa sa Tangos, Malabon.
Tungga si Sam sa tagay niya. "Tulad mo rin kami na kababata si Jeff, natural lang ang asalin natin ngayong masaktan sa mga ginawa ni Cleo sa kanya. Alam nating magulong pamilya iyon, laging inirereklamo at ang mga kapatid ay habol lagi ng mga pulis. Hindi bagay na mapasama si Jeff sa mga gulo at kaeklatan nila."
Awat si Marlon sa mga ito. "O, iinom na lang natin!"
"Cypher kaya tayo?" suggest ni Ramon. "Pasingawin ang lahat ng inis na nakolekta natin sa araw na ito!"
" Good!" turo ni Marlon ito.
"Saan tayo?"
"Sa kabila ng Boyaa."
"Sa tapat ng bahay nina Jackie iyon. " paalaala ni Casper.
Napalabi pa si Jeff na sinaid ang laman ng bote ng beer niya, "Tulog na sila."
Dampot ni Arthur ang gamit nilang bluetooth speaker ni Jeff, tayo na ito at nagyaya"Tara!"
BINABASA MO ANG
CAN YOU DANCE WITH ME?
Acak"Wala ka na bang oras para sa akin?" reklamo ni Cleo nang makita si Jeff na nagbabayad ng quota nila sa dance contest. Tingin lahat ng mga organizer sa babaeng sinita ang choreo ng Niveous. Kilala nila ito, si Cleo, dati ring dancer. "Cl...