CHAPTER 15

4 0 0
                                    

Sugod sa hospital ang mga kamag-anak ni Cleo.
Nang makita ng mga ito si Jeff ay gustong gulpihin. Humarang ang mga estudyanteng tumulong kay Jeff sa pag-aasikaso kay Cleo. Pero ayaw paawat ng mga ito, nagbanta pa idadamay ang mga ito kung hindi ibibigay si Jeff. Gustong saktan kaya para maprotektahan ay humarang ang mga estudyante, handang lumaban. Hinahamon na rin ng ama pati ang mga ito.
Sumaway na ang dalawang pulis na kasalukuyang nasa hospital din sa oras na iyon.
"Sinadya niyang itinulak si Cleo para masagasaan!" usig ng ama.
"May reklamo kayo?" tanong ni Lt. Lovato.
"Oo!" diin ng ama.
"Sa presinto. " diin nito na nagbabala na kapag may kumanti kay Jeff na kahit kurot ay huhulihin silang lahat, physical injury sa persona na nasa custody ng mga pulis. Patong patong na mga kaso na mas una pa silang makukulong kaysa sa inirereklamo nila.
Tigil ang mga ito. Ang ama ang nagsumiti sa video na nakuha sa baranggay na may sakop sa pinangyarihan ng aksidente.
Pinanood iyon ng mga pulis.
Itinulak ni Jeff ang nobya sa paparating na taxi.
Titig si Lt. Lovato kay Jeff seeking a sign he's a drug user. None, malusog siya na tulad sa isang atleta. Ang kilos nito ang pinag-aralan. Compose kahit na may reklamo sa kanya. Play uli ito sa video. Napuna nito na pagkatulak ay nauna pang humagis ang lalake kaysa babae. Senyas si Lt. sa mga kasama. Hold si Jeff Zulueta ilalagay sa custody nila para di masaktan ng mga kamag- anak ng babae, ang driver ay pinayagan na magpiyansya.
Ring ang cell phone ni Lt. Sa SSC Deans Office iyon galing. Napangiti si Lt. Lovato, naalaala din siya ni Anita Lovato Deong, ang pinsan niya sa isa na dean sa SSC. "O 'insan nakaalaala ka?"
"Ano ka, pinadala ko ng cake si JR last week, noong birthday mo."
"Latak ang inabutan ko!"
Tawa ito. Ipinasok ang pakay. "Yang si Jeff Zulueta ay estudyante at empleyado ng SSC. Pakiasikaso. Kasi maraming estudyante ang nakakita sa pangyayari. Pinilit daw na iligtas ni Coach Jeff ang nobya pero di inabutan."
"Ganoon ba 'insan?"
"Oo. Katatanggap ko lang ng isang text message na iba raw ang reklamo dyan, attempted murder daw ang ipinasok na reklamo ng mga kamag-anak laban sa kanya. Please check it out. Si Jeff ay POC training coach din. Expect a call from them Nerio. O heto tumatawag na si Nieves, yung pamangkin nating dancer. Kasama niya si Jeff sa Niveous."
"Sige Anita, sabihin mo kay Nieves na di ko pababayaan si Zulueta." anitong naiiling. Hindi ordinaryong tao itong hawak niya ngayon, isa sa perdonalidad ng olimpiyada. Okay, medyo may karga ang hawak niya ngayon, sana ay maging score sa promotion niya.

Sa presinto syete dinala ni Lt Lovato ang mga video na nakolekta niya sa paligid ng pinangyarihan ng attempted murder. Hindi pa ito pasok sa ganoong kaso dahil wala pang pormal na reklamo na isinampa. Insidente pa lang iyon.
Nakipanood pa ang mga pulis at precint commander.
Sa unang video na iprinisinta ng mga nagrereklamo ay parang talagang sinadya ang pagkakatulak para mabundol ng taxi ang babae.
"Parang totoong itinulak," anang isang pulis.
Tutok sa natakpang kamay ni Jeff ang isang inbestigador. "Hindi inabot," anito."Sukatin ang kamay ng lalake tapos iporma sa layo nila sa isat isa ay hindi didikit sa anumang parte ng babae."
Ayon si Lt. Lovato, "Kulang ng isang dangkal," kuha nito sa kopya na mula sa kabilang kalsada. Isinalang iyon sa computer.
"Ayan o!" turo ng commander, slowmo ang gawin mo Lt!"
Sunod si Lt. Lovato. Inulit iyon sa slow motion. Kitang kita nila ang pag-abot ni Jeff sa kamay ni Cleo. Sa halip iabot ay iniwas pa ang kamay niya at sa paparating na taxi nag-side step.
"Bingo!" Palatak ng isa sa mga inbestigador na nanood, "Ang babaeng ay sadyang nagpabundol. Buti nga ay nakapagpreno na ang taxi. Natural may slide pa iyon ng kaunti,e sinalubong pa nito, ayun hagis din."
"Pilay ang magiging injury niya."
"Dinugo, galing sa ari niya."
"Buntis!"
"Ayun nakunan!"
"Libre yung lalake."
Natatawa si Lt. Lovato. "Not that fast guys. Kaya dimakma ko ang kaso kasi ay celebrity yung lalake. Credit ito sa atin. Na-solve ng mga inbestigador ng MPD ang kaso na kinasasangkutan ng isang kilalang International coach na si ........ O di ba?"
Natatawa ang precint commader, ,"Ipapasok mo iyan sa media ha?"
Halakhak na si Lt. Lovato, ."Syempre Chief, nakasolb tayo ng kaso na involve ang isang papasikat na coach ng ice skating ng bansa. Note this mga Chicos, international figures!" click nito sa mga forward ni Nieves sa facebook niya. "Ayan o, puri siya ni Coach Cullen ng USA," napa-wow ito sa napapanood na aerial spin ni Jeff. "Ang galing naman pala talaga!"
"Wow, Olympic coach siya!"
"Aba, dapat may body guard siya."
"Chief, tawagan mo si Major Retortado ng station 1, nandoon si Zulueta. Nasa isang room, di inihalo sa mga gago doon."
Payag ito.
"Tatawagan ko naman yung kumare ko sa news network. Papainterview tayo."
"O nga bro, make-up na!" tukso ng isang pulis, " tv tayo!'"

Snack si Rebecca nang mag-ring ang phone niya. Tingin ito sa caller's id, si Lt. Lovato.
Baka may masungkit na scoop ito! " Hi, pare matawag ka?"
"Becca, punta ka agad dito sa syete, may nasolb akong kaso. Iyong kay Zulueta. Proven innocent siya. Bilis, sa iyo ko ibibigay ang report. Live mo ibalita."
Napatayo si Rebecca. Yung star dancer ng SSC! "Oo sige pare, thirty minutes nandyan na kami agad."
Nakabihis na ito nang lumabas ng silid si Edwin,
papaalis din. "Ma, may scoop ba?"
Dampot nito sa handbag niya. "Oo, punta ako sa presito 7, may nakuha silang ebidensya na inosente si Jeff Zulueta "
"Yes!" suntok pa sa hangin si Edwin, "Sabi ko na nga ba e, yang si Cleo e sira ang ulo... kadaming sinabitan!" Winarningan na nga si Jeff tungkol sa kanya pero late na pala kami, ayan, gumawa na ng eksena ang bruha!'
Naalaala tuloy nito na kasamahan ni Edwin ito sa mga dance competitions. "Hoy Edwin, scoop ko ito, Give one hour lang before you click your phone. One hour, nasa UN Ave na kami para magbalita ng live. Hwag kang mauuna, please!"
"Opo Ma!"

Kumakapal na ang estudyante at iba pang mga grupo ng mga kabataan sa UN Avenue. Iilan lang ang mga pulis na nasa bungad ng pinto ng presinto pero kampante sila na di magkakagulo dahil ang mga estudyante ay suot ang mga ID nila.
"Mga kids, bantay ha? Baka may humalo sa inyo na mga gago, manggulo!"
"Yes chief!" sagot ni Bobit.
Dumating ang grupo ni Lt. Lovato. Pumasok sa presinto ang mga kasama nito. Dampot ni Lovato sa megaphone.
"Kids, be at peace! We are working to prove Zulueta is innocent with this problem. So we plead you all be calm. Any moment from now, once the third video being viewed, we will decide," taas nito ng isang thumb niya. "Palalabasin ko ang idol natin!"
Palakpakan. Kakampi nila ang pulis na nagsalita.
Lalong nagkaingay nang dumating na ang van ni Rebecca.
Live na nag-report ito.
"Two days ago ay napabalita na si Jefferson Zulueta, estudyante at dancer ng SSC sa pep group at dance crews nila ay nakasuhan ng attempted murder sa nobya niyang si Cleo Aquinas na kasalukuyang two months pregnant by pushing her sa isang paparating na taxi. She was lucky enough dahil nakapagpreno pa ang driver, but the effort ay hindi husto kaya tinamaan pa rin si Cleo. Gasgas lang ang tinamo ni Cleo pero namatay ang dinadala niyang sanggol. Led by Precint 7 commander Augusto Cabigting and his top inspector Lt. Nerio Lovato ay nakakolekta ng mga ebidensya na hindi itinulak ni Jeff ang nobya. Kusang nagpabundol si Cleo sa taxi. At this moment ay kasalukuyang inaayos na ang release papers ni Jeff Zulueta. Nagkakagulo na po sa tuwa ang mga suporters niya na narito sa UN Ave. Babalik po ako mamaya para ipanuod sa inyo ang mga clippings na pinagbatayan sa pasya ng mga pulis. Ito po si Rebecca Baldadero reporting live!"

"Ate si Jeff, may balita uli sa kanya!"
Punta sa harap ng tv ang lahat.
Si Rebecca Baldadero ang anchor, mother ni Edwin.
"Napatunayan ng mga pulis na si Jeff Zulueta ay inosente sa bintang sa kanya na attempted murder sa pregnant na nobyang si Cleo Aquinas..."
Ngiti si Jackie na kasabay ang pagluha. "Thanks God!"
Hagod ni Mang Nestor ang likod ng anak. "Gusto mo bang pumunta sa presinto?"
Iling si Jackie na tumingin sa ama, umiling.
Kahit kahapon na dalawin nila ni Pareng Gusting si Jeff ay hindi sumama sa loob si Jackie, si Arthur ang kausap nito kahapon sa labas ng presinto. Nagkasya ito na tanawin si Jackie for the last time. Siya ay makukulong, si Jackie ay aalis papuntang state.
"Hindi ko na ho sila aabutan doon."
Aabutan niya. Magtaxi ito at sa Kawit ang way para sa Cavitex dumaan, straigth sa Cultural Center patawid sa Roxas ay malapit na siya sa UN. Ayaw lang talaga ni Jackie. Pag napadikit kasi ito kay Jeff ay bibigay na, baka mangyari ang iniiwasan niya na sexual contact nilang dalawa. Papaalis pa naman sila next week. Jackie prepared na h'wag nang magbaon ng alaala ni Jeff.

------0-------

Vote please.
*****

CAN YOU DANCE WITH ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon