Mahigit isang taon nang walang balita kay Jeff. Kung nasaan siya ay walang nakakaalam. Kahit si Arthur na pareho nilang kinakapatid ay walang alam kung saan sumuot si Jeff. Iisa ang sagot nila. Itinago ni Marlon.
Pero ultimong si Marlon ay naglaho rin. Ang mga facebook account nila ay hindi binubuksan. It is there, pero laging di inoopen.
Nakauwi na sina Jugger. Kasama ang mga kababata sa R. Papa ay hinanap nila si Jeff, bigo silang sumuko.
Ang mga magulang ni Jeff ay sinasabi na lang na para di magantihan ng mga Aquinas. But they can't hide them too are worried much with Jeff's condition. Nakakatulog ba siya sa oras? Baka di siya makakain nang husto? And a lot of other things a parent think for their son. It is natural.
Sising-sisi si Jackie. Kung hindi niya nilayuan si Jeff ay di makakasingit si Cleo. Kasama pa nila si Jeff hanggang ngayon. Sana nagseselebra sila ngayon, tingin nito sa resulta ng board exam niya. Pumasa siya.
Naputol ang pagmumuni ni Jackie nang may pumasok na message sa cp niya. Si Izzy!
"Bes, kumusta dyan sa Miami?"
"Miami? Ano ka, di pa ako umaalis Kamo Molino, Cavite!"
"Di ka pala umalis?"
"Hoy Bruha, coach ako ng Tamaraw pep group. At tsaka hinihintay ko yung result ng board exam ko 'no?"
"Ang daya mo, di man lang nag-post na narito ka pa!"
"O tamo to magpapameme pa!"
"Oy, may balita na ba sa whereabout ni Jeff?"
"Wala pa bes."
"Ang galing niyang mag-hide ano? Without a trace!"
"Congrats to both of us. Read ko your exam result last week, isa ka nang nurse!"
"Sa yo din. Coach ka na CPA ka pa."
"Hoy magtuturo ako dito sa FEU. Kumuha ako ng added units ng education. Reviewing right now for another board exam."
"Bonding tayo."
" Got no time for such. Tumatao ako sa puwesto ng Aunty ko dito sa Southmall."
"Las Pinas iyan di ba?"
"Oo bes."
"Akong dadalaw sa iyo."
"Okey bes. Message me when ha?"
"Bes teka dumating na si Mami mula sa palengke,"
"Sige bes, Magnesia is active right now, kukumustahin ko,"
"Join you later."Nakapangalumbaba si Celia
habang pinanonood sa cell phone ang video ng ensayo ng mga juniors noong si Jeff pa ang nagtuturo sa kanila.
Napakahigpit niya. Walang puwang sa kanya ang PWEDE NA YAN! Precision siya, sabay-sabay sa pagkilos. Ang half second na huli ay kitang-kita nga naman.
Hindi naman nakakasisi ang pahirap niya sa ensayo. Sa bawat outings niya noon ay sulit talaga, laging may panalo. Sa ngayon ay hindi na nila gaanong kailangan ang pera sa panalo sa contest. Panalo na agad sila sa pinaglagyan ni Jeff sa pondo nila.
Goto, mami pares. Kada two weeks ay may five thousand pesos silang natatanggap na share sa walong outlet nila. Mas malaki iyon pag nag-operate na ang eatery nila sa loob ng mall.
Nag-angat ng ulo si Celia. Ang mga Juniors ay nagpapasimulang gumalaw lahat. Nagsasapatos na ang iba dahil mag-eensayo na sila. Darating pa naman si Jugger para iayos ang mga galawan nila.
Magla-log out na si Celia nang may pumasok na post mula kay Jeff.
Si Jeff? Bumukas ang Facebook ni Jeff!
"Oh my..." titig ni Celia sa text message. It's Jeff! She had waited this long, Niveous waited for this too, so thus her fellow dancers at SSC. Halos maputol ang paghinga ni Celia. The text message is clear, in a bold letters!
I'M BACK!
Sabog sa pag-iyak si Celia dahil sa sobrang tuwa.
Iniyakan ni Celia ang isang message sa kanya. Napapailing na lang ang mga kasama sa ensayo. Panibagong delay iyon!
Itinaas ni Celia ang cp niya
"Si Jeff... He's coming back!" sigaw nito.
Si Jeff ang nag-message sa kanya? No, silang lahat ay mayroon din!
Takbuhan ang mga ito sa mga cp nila. Tiyak na send to all iyon, ganoon mag-message si Jeff kapag tinatawag silang lahat.
Lahat sila ay may text ni Jeff.
All cried.
With tears on her face, si Teresa ay gumitna sa dance floor. In her mind is the time noong nag-cypher sila sa lugar nila. Every details of that night ay nasa utak niya, rehistrado. Kahit yung paglipat nila sa Boyaa court. How the people watched them kahit mapuyat sila. And each time na mami-miss niya si Jeff ay binabalikan niya iyon isinasayaw, dahil iyon ang huli niyang nakasama si Jeff. Then sa isang sulok ay iiyak na lang siya cursing a dead meat Cleo.
"Hit the quan..." sariling kanta ni Terera doing Jeff's version of it. Tears flowing on her face.
Tingin ang mga dancer kay Teret. Alam nilang ito ang kasama ni Coach Jeff bago ito nakulong. They envy her, pero naawa sa kanya. Siya ang hardly hit sa pagkawala nito. The girl is Jeff's alaga.
"I said get down lower hit the quan."pagsalo ni Eboy. Sumabay ito kay Teret.
Pinatugtog iyon ni Toloza sa speaker nila.
Takbuhan sa gitna ang lahat, sumabay sa pagsayaw.
Kanya- kanyang galaw, celebrating Jeff's home coming!
BINABASA MO ANG
CAN YOU DANCE WITH ME?
Random"Wala ka na bang oras para sa akin?" reklamo ni Cleo nang makita si Jeff na nagbabayad ng quota nila sa dance contest. Tingin lahat ng mga organizer sa babaeng sinita ang choreo ng Niveous. Kilala nila ito, si Cleo, dati ring dancer. "Cl...