CHAPTER 22

5 1 0
                                    

May jetlag pa si Mang Nestor kaya minabuti niya sa bahay na lang muna siya manatili. Bukas na siya lalakad para dalawin ang pamilya ni Pareng Gusting.
Umuwi siya sa bansa dahil sa dami ng aasikasuhin. Kung iyong birthday lang ni Jackie ay magtatawagan na lang sila para pagbati. Sayang ang pamasahe.
Next week ang birthday niya, the following day ay pagkilala sa kanya sa pagkakapasa sa board exam ng accounting, she's now a CPA. E gagraduate din siya sa supporting degree niya na education para makapagturo ng accouting sa FEU. Tapos ay uuwi siya sa Tuguegarao para pirmahan ang mga papeles ng pagbebenta ng mga lupa nila doon. Taniman iyon na ilang hektaya na nasa loob ng isang bagong hasyenda. Fifteen million ang offer noon na tinanggihan ng kapatid niya. Now they are offering twenty-two million kaya pinauwi siya ng kuya niya para asikasuhin ang bentahan. Tapos bibilhin niya ang bahay na ito sa pinsan niya para maging kay Jackie na. Ayaw niya sa state dahil establisado na siya dito. Mabubuhay na siya sa negosyong inaasikaso niya sa Southmall at sa pagtutuo niya sa FEU.
Past eight na nang makauwi si Jackie, iniwan na sa manager niya ang pagsasara ng tindahan ng alas-nueve ng gabi.
Pagkatapos kumain ay kuwentuhan ang mag-ama habang nanonood ng isang Korean nobela nang isang flash report ang sumingit sa palabas.
Si Rebecca Baldadero iyon, ang mother ni Edwin.
"Isang welcome party po ng celebrated coach ng POC na si Jefferson Zulueta ang nilusob ng walong katao na sandatahan ng mga itak at balisong. Ang target po nila ay si Zulueta. Kung matatandaan po ninyo na may mahigit isang taon na rin buhat noong mapabalita na si Zulueta ay napagbintangan ng attemted murder sa kanyang buntis na nobyang si Cleo Aquinas."
Napaunat si Jackie, mukha ni Jeff ang naka-flash sa tv. "Jeff!"
sabog na sa pag-iyak ito.
"Si Jeff iyan!" turo ni Mang Nestor sa mukha ng inaanak.
"Naabsuwelto sa kasong kinasasangkutan si Zulueta nang makakalap ng ebidensiya ang mga imbestigador na humawak sa kaso, na hindi itinulak ni Zulueta ang nobya na gaya ng unang napaulat, inaabot niya ito para iligtas pero umiwas si Cleo at nagpahagip sa paparating na sasakyan. Ikinamatay iyon ng batang nasa sinapuunan niya. Si Cleo after three weeks ay nagpatiwakal dahil sa usig ng budhi. Ito ang hinihinalang dahilan ni Salvador Aquinas, alyas Badong, at isang labas- masok sa bilibid,dahil kilalang holdaper at snather sa kanilang lugar. Kuya ni Cleo si Badong, sa ginawa nitong paglusob sa party ni Zulueta... para iganti ang pagpapakamatay ni Cleo na isinisisi marahil ni Badong kay Zulueta. Lumaban ang mga dancers na kasama ni Zulueta na ikinasugat ng marami na kinabibilangan ni Zulueta, Ramon Toquero, isang nakilala lang sa pangalang Sammy at ang mga lumusob ng mga sanggano. Si Badong ay namatay dahil sa tama ng isang saksak sa dibdib at sa palo sa kanyang ulo ng isang matigas na bagay. Isinugod si Zulueta dito sa Chinese General Hospital at kasalukuyang nakikipaglaban sa kamatayan. Nasa operating table pa ho siya habang ibinabalita ito. Susubukan po namin na makakuha ng mga pahayag sa mga kasamahan ni Zulueta doon sa party. Stay tuned with this station for further report related with this incident. This is Rebecca Baldadero reporting live at this station..."
"Pang, si Jeff!" hagulgol na nito. "Nasa critical situation siya!"
Yakap ni Nang Nestor ang anak. "Sige magbihis ka, luluwas tayo pa-Manila."

Hagulgol si Corina nang matanggap ang tawag ni Marlon.
Kaya pala pinalitan lahat ni Marlon ang mga resume' ni Jeff ay para itago ito sa mga humahunting sa kanya.
Pinauwi nila si Jeff. Sila pa ngayon ang naging dahilan para sa kamatayan niya. "Marlon we don't know. Kung alam lang namin ay di namin siya kukumbinsihin, itatago din namin siya dito!"
Tili si Corina, sabay iyon sa iyakan ng iba pa. "No, Corina" awat ni Marlon. "Talagang babalik si Jeff. Ang POC, SSC, at ang association ng mga choreo na itinatag niya ay non-stop sa paghahanap sa kanya. Matatagpuan siya. Because he hold the key- he is the master dancer who can bring honors to our country."
Naka-flashed sa computer nila ang mga feedbacks sa nangyari kay Jeff. Marami iyon, mula sa ibat-ibang bansa at sa USA. Ang Niveous Seniors ay nagbabalita na umuwi ang marami for Jeff. Pero ang pinaka-viral ay ang kay Coach Steppe Cullen, ang head coach ng USA Skater's team na panglaban sa Olympic games. She is rushing back to Manila para asikasuhin si Jeff.
"Coach Cullen is coming back to Manila to see Jeff." ani Corina.
"Mentor siya ni Jeff." ani Marlon. "Siya ang humubog kung ano si Jeff ngayon." turo nito pati ang mga comment at wishes mula sa Japan at Russia.
International figure si Jeff!

***

Pasado alas-onse na nang marating ng mag-ama ang hospital.
Naglisaw sa paligid ang mga dancers na sumugod doon para kumustahin ang lagay ni Jeff.
Kumakaway kay Jackie ang mga dancers na kilala niya. Ang iba ay nakatayo lang na nakatanaw, ang lahat ay may lungkot sa anyo nila. Magnesia is with her group, she's crying kaya inaalo ng mga ito.
Izzy too was there. Nang matanaw siya ay sumabak ng pag-iyak. Walang hindi nasaktan sa nangyari kay Jeff. Dancers sila na magkakalaban sa mga contest
pero iisa ang nasyon nila, pagsasayaw!
Pumasok sa compound ang isang mini bus. Salubong agad ang mga security guards sa mga ito. Grupo ni Monching! Hindi mapigil ng mga bantay ang mga ito sa pagpipilit na pumasok sa loob ng hospital. Sina Jonas at Jugger ang humarang sa pinto. Without a single word na tumitig lang sa mga ito ang dalawa.
Parang ipinako sa kinatatayuan ang mga ito. One started to cry, nagsunuran na ang iba. The guards understood the situation, kasi'y madalas na magyari ito dito. Pero hanga sila sa mga ito, humarang lang ang mga iba pang leader nila ay pacify na kaagad. Sumama na ang mga ito sa mga nauna sa kanila.
Lumapit si Edwin kay Jackie. "I tried my best na habulin ang sumaksak sa kanya, di ko inabot siya!" pasimulang paghikbi nito.
Niyakap ito ni Jackie. "I understand Edwin."
"He's my friend. Hindi siya nagkait ng mga movements para sa DLSU gayung kalaban kami nila."
Titig si Izzy sa kateam mate niya. Kay Jeff pala galing ang ibang movements na isiningit ni Edwin. Kung iba si Jeff ay hindi magbibigay ito. Kalaban, bibigyan ng galaw na ipanglalaban mismo sa iyo, parang iginisa mo ang sarili sa iyong mantika. But not Jeff. Humingi ka ng tulong ay hindi ka nito pagkakaitan. This the reason why marami ang nagmamahal sa kanya.
Kinuha ni Rebecca ang anak, siya na ang aalo dito. Napatingin ito kay Jackie. "Are you Jackie?'
Tango ito.
"Jeff keep murmuring your name habang nasa operating table siya."
Nagpasimulang umiyak si Jackie. Niyakap ito ng ama.
Nalaman ng mga magulang ni Jeff ang pagdating ng mag-ama kaya lumabas ang mga ito.
Pinagkalipumpunan ito ng mga dancers.
"Tapos na ang operation ni Jeff, " ani Mang Gusting.
Itinuloy iyon ni Aling Elsie. "Inilipat na siya sa ICU pero under observation pa rin. Padadalhan na lang namin kayo ng mga balita sa kalagayan niya. Sina Jonas at Jugger ang bahala doon."
Nagpasimulang nag-uwian ang mga dancers.
"Pare sa bahay na muna kayo ni Jackie tumuloy." alok nito. "Alam kong may jet lag ka pa. Mahirap na baka bumigay ka."
"Ako muna ang titingin kay Jeff." hiling ni Jackie.
"Sasamahan ko po siya." ako ni Arthur.
Bukod kay Jeff ay pinagkakatiwalaan din nila si Arthur. Kinakapatid din ito ni Jackie.
."Tumawag kayo kapag may problema." bilin ni Mang Nestor.

-----------0----------

In a dancer's world, lahat ay nababalitaan. When something happened to a dancer or a group ay kumakalat agad iyon like a wild forest fire.

Please support me as a writer.
Kasi talagang di ko pa tiyak kung pwede ako. Marami pa ang mga kulang na dapat kong matutunan e.
*****

CAN YOU DANCE WITH ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon