CHAPTER 21

6 2 0
                                    

Note:
This part is dedicated to Justin Perez, a dancer, who died when attacked by fellow dancer at Navotas dance contest, 2015...
Amazing Bodai had been mauled in a contest just last year, Sept. 2017. ( unconfirmed report )
Please stop bullying dancers, they are entertainers not mobs.       
                        Stygianblack

     Sa BOYAA basketball court ginawa ang welcome party para kay Jeff. Iyon ang ibinigay na lugar ng chairman ng baranggay para sa pagbabalik ng kinikilala ngayon na opisyal ng POC, coach na siya ngayon ng mga atletang ipanglalaban sa Olympic. 
     Malaking karangalan para sa lugar na makapagbangon ng isang bata na sa hinaharap ay kilalanin at ipagyabang ng lugar nila.
        Six o'clock na nang dumating sina Jeff doon.
       Matapos ang papuri ng mga barangay officers ay sila-sila na ng mga dancers ang nagkasarilinan.
    "Show your wares to us!" hamon ni Deo sa mga juniors. "Once na nakumbinsi ninyo kami ay dadalhin namin kayo sa USA, Niveous Juniors, babawiin ninyo ang ating korona doon!"
    "Do the butterfly concept!" utos ni Jugger. "I want to see your moves!"
     Titigan ang mga Juniors. Since noong umalis si Jeff ay di na nila isinayaw iyon.
      Sinabi ni Jonas ang problema kina Jugger at Deo.
       Naalaala ni Jeff si Tintin. "Once a skater, you will never forget each movement even it takes you a ten years absence."
Inilagay ni Jeff ang isang speaker sa tabi ng mga juniors,      "Patutugtugin ko ito ng tatlong beses, halukayin ninyo sa inyong mga utak iyon, tapos isasayaw natin."
     Nagkatitigan ang mga juniors dahil di sila tiyak na maayos nila na maisasayaw iyon. Sina Eboy at Teret lang ang di kinabakasan ng kaba.
     "I'm not expecting a perpect, sa itinagal na hindi ninyo ginamit iyon ay titignan ko ang talas ng iyong memorya," ani Nieves.
   Pikit lahat ang juniors, liban kina Jonas at Teresa.
        Nakikita ni Ramon si Teret ng       isinasayaw niya iyon sa bahay nila. Kabisado ni Teret ang butterfly.
Sa pangatlong ulit ay gumagalaw na ang mga ito, handa na sa pang-apat.
    Perpect nilang naisayaw iyon, may mga luha pa sa mga mata nila nang matapos ng sayaw.
    Nag-comment si Nieves, "No Niveous dancers will forget it."
       Palakpak ang mga seniors.
"Kulang pa kayo ng apat," ani Jugger, "Call the attentions of former Niveous dancers."
Senyas ng apat na fingers si Oscar, ibibigay niya ang apat na kulang. Dati silang mga trainees ng Niveous. Kapag di nila ensayo ay isinasayaw nila ang urban at krump ng Niveous. Sandaling ensayo lang ay nakaka-adopt na sila sa mga innovated moves.
Pasado alas-otso nang halos sabay na dumating ang mga choreo nina Monching, Bobit at Edwin. Tili si Antoinette nang makita ang partner niya, tuwang- tuwa na muli ay nakabangon na ito sa kinasadlakan nitong kabiguan. Lundag itong pasalpak kay Jeff na parang dyowa na noon lang muling nagkita.
Hagalpak ang lahat sa pagtawa. Alam nila na tibo si Antoinette. Nagkita ang mag-brother!
Hatak nito sa gitna ng court si Jeff, "Let's do our practice steps!"
     Three minutes ay tumigil si Jeff, humihingal.
     Tuksuhan uli.
    Iniahin ni Jonas ang inihanda ng eatery ng Niveous.
     Kwentuhan, mga kaganapan noong wala si Jeff.
" Bakit Nevbies ang pangalan ng Eatery ninyo?" tanong ni Bobit.
"Niveous babies," sagot ni Jonas.
       "Gusto naming ibando sa lahat na may buhay sa pagsasayaw...disiplina lang ang kailangan."
   'Nagtratrabaho kami sa eatery na parang ordinaryong trabahador , sahod ng ordinaryong empleyado, pero ang naiipon ay ang share namin doon." Pagyayabang ni Celia
"Employer/emloyee ka!'
     Turo ng mga ito si Jonas.
Si Celia, puri si Jonas. "Kung nakapag-aral siya at may sapat na puhunan ay boss iyan "
     "Boss siya sa atin na kilala siya!" ani Eboy, tango pa nito kay Jonas.
     At si Teret, the youngest of the member. "Hindi makapaniwala ang parents ko... ang father ko na mas malaki pa ang naiiuwi kong pera kada buwan kaysa sa kanya. Kung may mamimintas sa mga dancer ay numero uno nilang kalaban ang pamilya ko!"
    "Natin!" diin ni Angie, ngiti nito kay Teret. "Niveouus proven it! And even posted it at my facebook para malaman ng lahat...na may buhay sa pagsasayaw. Dedikasyon, utak at pagtitiyaga ang sikreto, di hilig lang!"
   The last word of Angie, doon nata-trap ang ibang dancers kaya nabibigo.
     Taas baba si Jonas, "Masuwerte ako sa pagkakasama sa Niveous. Dito ko nabuo ang wala nang pag-asang buhay ko noon," turo nito sina Jugger, Jeff, Nieves at Deo. "Sila ang bumuo sa akin. "
    Tayuan ang iba pang Niveous Juniors bilang suporta sa mga pahayag nila.
    "Things you will never think to happen," ani Nieves na makatingin kay Jonas. nginisian ito, "Hindi ka good na choreo," taas nito ng baba niya sa pamimintas. ",You can't perk a group to do innovative moves,  but you are a great leader of dancers. Saludo ako sa iyo."
     Ngiti si Jonas na tumingin kay Jeff. Nakita nito ang husay niya sa hanap-buhay kaya niya pinasimulan ito at sa kanya ipinamahala. Bawat member ay may puwesto na ngayon na pinamahalaan, sila mismo ang tauhan doon. Iba pa ang main eatery na kung saan ay niluluto ang mga paninda nilang lahat.
      Biglang pasok ng mga kalalakihan na may mga hawak na itak at balisong.
      Tilian ang mga babae.
      Ang mga lalake ay prinotektahahan ang mga kababaihan.
       Si Jeff ang target kaya sa kanya ang lusob ng mga ito.
    Sanay sa gulo  ng Divisoriasi Jonas  kaya di ito nataranta. Kinalakihan niya iyon bago siya natagpuan nina Jugger. Hugot nito ng dos-por-dos na kahoy sa ilalim ng make-shift na lamesa, sobra iyon sa ginamit nila kanina. Salubong ito sa mga nasa unahang umaatake. Isa ang nakailag kay Jonas, diretso ito kay Jeff. Sinalubong ito ng sipa ni Ramon. Napaatras ito, nang muling bubuwelo ay nasiko ni Jugger sa batok, nabitiwan nito ang hawak na balisong at sumubsob sa lapag. Dinampot ni Oscar ang balisong, umalalay kay Jeff.
Lima ang inabutan ng palo ni Jonas kabilang si Badong, di niya napunang papatayo na ang isa at papalusob sa kanya na nakaamba ang iyak. Dimamba ito ni Jeff, at iniuntog sa bakal na fence.
  Palundag na nilusob ni Badong si Jeff. Isang unday ang ginawa na sumapul sa tagiliran ni Jeff. Uulit pa ito para matodas na ito nang salikwatin ni Oscar sa tiyan si Badong, itinulak iyon paitaas. Iniikot pa iyon at isa pang todo tulak pataas. "Ikaw ang dapat  matotodas! "
Napa-agh si Badong na di makapaniwala na nasingitan siya. Gusto niyang gantihan si Oscar pero walang lakas ang kamay niya na iangat iyon. Alam niyang napuruhan siya nito. "P---g ina mo!" at isa pang tulak ni Oscar ng balisong, bunot uli para sa isa pa.  Pero natigilan dahil bulwak na ang agos ng dugo sa sugat nito, atras si Oscar. Agad nawalan ng lakas ang mga tuhod ni Badong. Nabitawan na nito ang sandata niya at gigil na napatitig kay Oscar.
Uunday uli si Oscar nang makita si Edwin na pahataw na sa hawak niyang kahit si Edwin. Sapol sa ulo si Balong . Hatak ni Angie si Oscar para ilayo na.
    Bumali ang tuhod ni Badong luhod muna ito bago sumubsob. Pinalo ni Teret ng sandok sa mukha ang isa pang papalusob kay Jeff.
     Atras itong nakita ang pagkabiyak ng ilong niya, sumisirit mula sa sugat ang dugo. Batang babae ang may gawa noon, pinalo siya ng sandok. E ano kung bata ang pumalo sa kanya? Kailangan niyang gumanti! Si Teret ang babalingan pero di na iyon nagawa nang paluin ito ni Sammy ng bote ng soft drinks sa noo. Sabog ang bote na ikinasugat din ng kamay ni Sammy. Ikot ang paningin nitong sinapo ang mukha, puro dugo iyon. Sa kasunod na palo ay di na niya alam pa ang sumunod na pangyayari, nawalan siya ng malay.
Si Jonas iyon na hawak pa ang labi ng basag na bote ng soft drinks sa kamay niya.
Papadating na ang mga tanod ng baranggay. Ipinahulog ni Angie kay Oscar ang balisong sa kanal, kinuha kay Teret ang sandok at tiniyak na lumubog iyon sa kailaliman para walang ebidensiya.
     May mga dugo sa damit ni Oscar. "Teret, ialis mo na dito si Oscar, dali!" utos ni Sammy.
    Hatak ni Teret si Oscar, akay papalayo sa gulo. Isang pinto ang bumukas at hinatak silang papasok sa loob ng bahay, pinsang-buo iyon ni Oscar na kababata ni Teret.
      "Pasok dali!" turo ang banyo. "Linis ka ng katawan, kukuha ako ng pamalit na damit!"
     "May sugat si Jeff, "sigaw ni Antoinette. ""Help, dito!"
Kahit agos pa ang dugo sa kamay ni Sammy ay takbo ito papalapit kay Jeff. Dalo rin sina Edwin at Bobit, inakay si Jeff.
     Naibuwelta na ni Jugger ang Strada niya.
"Dito!" sigaw ni Deo kina Edwin. Bukas nito ng pinto ng sasakyan.
Sakay na pati ang iba pa na nasugatan. Nagpaiwan si Arthur para asistihan ang mga magulang ni Jeff.
     Dial agad ni Edwin ang Mama niya para sa balita.

------0------

Sa isang dance contest ay marami ang nagiging magkaibigan. Madalas pa nga na ang dating magkaaway ay nagbabati at nagiging magkasama sa isang grupo.
Pero di rin naiiwasan ang away dahil sa paistaran at sa agawan ng mga syota. One out of ten dance contest ang ratio ng mga nag-aaway.

Please don't forget to vote and share to others.

*****

CAN YOU DANCE WITH ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon