CHAPTER 12

9 1 0
                                    

Supreme Battle Ground.
It is one of a biggest events which everyone is waiting for. For Jeff, it is one of the event na gusto niya na masalihan. It turned big for him kasi'y di siya dancer na sasali, isa na siyang choreo.
Lulutang tiyak sa contest na ito ang mga batikang grupo na sa mga ganitong labanan lumalapag na tulad ng Crazy Steps at Weep Not. Mga grupo na palaging kalaban ng mga Niveous seniors noon. Nasa state na ang seniors kaya ang mga naiwan dito ang nag-aagawan para sa labanan sa Malaysia at Australia. And this contest is a liue, isa sa pases para makuha ang right papuntang Malaysia. Pero hindi niya target ang Malaysia dahil nga sa mga commitment sa POC. Tapat sa schedule ang laban ng mga skaters niya sa Nagoya,Japan at ang dance contest sa Malaysia sa first week of October. Ang Worid Supreme Battle Ground ay last week ng October kaya iyon ang pili niya dahil sembreak, enrol-ment season kaya pwede silang pumunta doon in a week long contest. Ipagpapaalam na lang sa paaralan ang mga high school na mga dancers.
   Lumapit si Cleo kay Jeff, "Di ka na ba talagang magkakaroon ng oras para sa akin?" sita na nito sa boyfriend, "buong bakasyon kang nag-ubos ng oras sa mga dancer mo." walang ilag kung marinig siya ng ibang tao, anong pakialam niya? "Every weekend ay may lapag kayo, Monday ay nagpapahinga ka sandali tapos takbo sa Rustan," senyas nito sa araw na naroon si Jeff." Two days iyon, tapos two days uli sa Niveous...Shit! Lapag uli kayo ng Sabado... magdamag iyon kaya kinabukasan ay tulog kayo halos maghapon!"
Ngiti lang si Jeff,"Kabisado mo ang sched ko ha?"
   Dabog si Cleo " Ni di mo ako matawagan man lang. Kapag ako naman ang tumawag laging out- of- reach! Pesteng cp mo, laging naka- off, itapon mo na lang!"
   Para di istorbo sa tulad mong makulit! "Not realy Cleo," alo na lang nito para lumamig ang ulo nito. Di niya kailangang uminit ang ulo ngayon dahil lapag ng grupo, dapat pokus siya. "It just happenned na naghahabol kami para makapasok sa WSB. We needed each contest para kami ang representative doon. "
"F... it!" mura ni Cleo.
Naglalakad si Jeff palapit sa mga dancer, kung may hiya si Cleo ay titigil ito sa kakadada.
Kaso'y wala noon si Cleo. Sunod ito na dumadaldal pa rin.
Baling na medyo galit na si Jeff, turo nito ang mga dancer na nakikinig na sa kanila. "Look at them Cleo,..mga kabataan na may pangarap na maabot itong posisyon ko ngayon. I'm giving them a chance!"
" Dati rin akong dancer Jeff, baka makakalimutan mo. Five long years na wala akong napala sa kakakembot sa letseng stage na iyan!' turo nito sa stage. "Mas mabuti pa siguro na sa club ako sumayaw, baka madatong na ako ngayon!"
"Pangit ang pasimula mo'y pangit din ang intensyon mo sa pagsasayaw." Parungit na ni Jeff
   Ayaw sumuko ni Cleo. " Ang sarili mo ang intindihin mo, Jeff! Look at you now, haggard na ang itsura mo. Di na ikaw yung dati na maaliwalas ang mukha dahil nababantayan mo ang pigura mo pero ngayon, ayan labas na ang mga bigote mo'y di mo man lang maisipan na mag-ahit."
"Cleo...Cleo...I'm in a contest right now, please spare me naman!" Pasimulang pamulahan ng mukha si Jeff sa hiya sa mga tao.
Lapit ang isang emcee, "Zulueta, iwas gulo ha? Baka ma-disqualify kayo." paalaala nito.
Tango si Jeff.
Paawat si Cleo? Not her kind! Kapag argabyado siya ay di siya matatahimik."Di makakabuhay ng pamilya sa pagsasayaw!"
Tumalim ang titig ni Jeff kay Cleo. Hindi pa siya nakatanggap ng ganitong sermon kahit sa mga magulang niya, tapos itong syota lang niya ay kung anu-anong parungit ang isinisita sa kanya? "Negative thinking creates negative notion , negative notion creates negative concept, negative concept creates negative future...kapag sira na ang pangarap mo'y mabuti pang magpatiwakal ka na lang dahil wala ka nang silbi!"duro nito sa mukha si Cleo, "If you can not dance with me, get out of my hair baby!" gigil nitong angat ang isang sulok ng bibig niya, senyas nito ng dalawang daliri niya, "You and Niveous?" Itinutok nito ang hintuturo sa pagitan ng mga mata ni Cleo, mahinang umiling ito na ang daliri ay pinalitan, hinlalaki na ito na itinaob pababa. "You can't cast a single score."
Ipagpapalit talaga ni Jeff ang lahat dahil sa sayaw, yung dati niyang syota ay kumalas buhat noong maging busy siya, siya man ay hindi pangingimian nito na itapon. "Jeff... kasi buntis ako," paghihina ng boses nito.
Titig nito sa mga mata ni Cleo, hindi ito nagsisinungaling. For the first time ay nakaringgan din niya ito ng totoo. Buntis ito. At ito ay isang untimely, di tama sa panahon.
" Cleo please leave me now," pakiusap na nito. " Two days from now I will talk to you to settle this thing."
Hindi na nakasagot si Cleo nang lumapit si Monchie, "Jeff, ipinatatawag ang lahat ng mga choreo." anitong di hinintay ang sagot ni Jeff, agad na tumalikod para pumunta na sa organizer, " Sumunod ka na sa akin."
Iniwanan na lang nj Jeff ng sulyap si Cleo bago sumunod kay Monchie. Baka sumunod ito at doon pa manggulo.
Pagliko sa isang hallway na di tanaw ni Cleo ay pinigil si Jeff, "Inilayo lang kita kay Cleo."
Walang emergency call, gawa lang ni Malidyo na nainis din kay Cleo. "Thanks Monchie."
" Hay naku, makulit talaga si Cleo." buga nito sa alam niyang pangit na ugali nito, "Kaya ayaw nang tanggapin iyan ng mga choreo e, gumugulo ang isang grupo kapag nandoon siya ."
Sandamukal na ang mga bad attitudes ni Cleo ang idinaldal sa kanya. Hindi na tsismis iyon, kasi ay halos pareho ang kwento nila. And now he wanted get out of their relation...but she just said she's pregnant. If it's true? Sana hindi! "Monchie, ikaw ang humawak sa association ng mga choreo. Mas may pinag-aralan kaysa kay Jonas...and can decide fast for a problem."
Titig ito kay Jeff. Talagang tinototoo nito ang pangako niya na siya ang isa sa leader ng mga nagkakaisang choreo.
" Pasimula na kami sa rigid tranings, kasi ay sa October na ang Asian Games. I will be too busy attending seminars and meetings prior with the game. Plus pa ang tutok na ensayo."
Kaya pala!
Patong ng kamay sa balikat ni Jeff ang isang kamay ni Monchie, "Salamat sa pagtitiwala mo."

***

Nagtago si Jackie sa isang display gondola na di malayo sa pinuwestuhan ng mga grupong kasali sa contest. Dito sa lugar na napwestuhan nlya ay tanaw niya si Jeff.
Kausap ni Jeff si Cleo, ang isa sa syota niya na taga- Tangos, Malabon. Sa tingin niya'y nagtatalo ang mga ito. Singhal si Jeff na muestra pa ang mga kamay, si Cleo ay panay ang dabog.
Sabi ni Thasia, yung kadikit niyang pep cheer leader nina Jeff ay pinatulan rin ni Jeff ang mga flirtings ni Remy and dumped her after one week. She's a great disturb, not a drop. Kapag nakitang may pawis si Jeff sa mukha ay pahid agad ito ng panyo kahit kausap si Coach Norman.
Si Antoinette ang sumungkit kay Remy. Nalaman niya ang reason nito- para di na istorbo kay Jeff.
Si Cleo ang parang buntot na laging nakatabi kay Jeff mula noong ma-fubu sya.
Walang makasaway kay Cleo liban kay Jonas na sinasabayan ang ugali nitong iskwater. Di sya uubra kay Jonas na inubos ang kabataan niya sa palibot na area ng Divisoria. Survivor series ang laban doon, patapangan, ang duwag ay yumuko kung ayaw umalis. Tablahan silang dalawa, palakasan ng boses. Di umuubra si Cleo sa asaran kaya iniiwan sila agad.
Heto uli siya, walang dala.
Pero nasa malayo sina Jonas at Monchie, may pinag-uusapan. Si Jeff ang UMass I mask sa mga dancer nila dahil busy si Jonas sa pag-asikaso sa mga gamit ng Niveous.
Manonood siya ng mga sayaw ng mga street dancers. Kailangan na lagi siyang up-dated sa mga bagong trend ng mga galawan dahil tinanggap niya ang offer ng FEU. She will be a coach. Jeff mastered in this kind of dancing. He applied it sa mga kilos ng mga alaga niya sa school, she too must. Kung hindi sa presisyon ng galaw ng UE noon ay matatalo ba nila ang grupo ni Jeff? Laglag sila Lisa ng mga mata ni Jackie ang mga tao sa loob ng mall. Di siya dapat makita ng kilala siya dahil baka sabihin kay Jeff. Sa escalator ito sumilip paibaba, ayun! Si Caloy ang papanik na akbay ang bago niyang syota.
Okay lang sa kanya, di siya galit. Mabuti nga na siya na ang kusang bumitaw kaysa sa kanya pa manggaling ang break- up. E di libre na uli siya. Loveless siya ngayon, totally free!
E bakit siya narito ngayon sa mall?
E di para silipin ang one and only love niya- si Jeff!
Loveless daw?
Heto siyang nagpunta pa sa mall para silipin ang love niya, panoorin ang laban ng dance group niya.
Sinungaling ka Jackie!
Natatawa si Jackie sa tukso ng innerself niya.
Nasa second floor na sina Caloy kaya tago uli si Jackie.
Eksaktong pagtungtong ng mga ito sa third floor ay may nakasalubong na kakilala si Caloy , "Hi, Sam!" bati nito, "May dc ba dito ngayon?!"
Di muna iyon sinagot, turo ang kasama nitong babae. " Sino siya?"
"Si Eva, syota ko!" ngiti nito. "Weeksary namin ngayon kaya niyaya kong mamasyal kami."
E si Jackie?"
Titig si Eva sa mukha ng bf niya, abang sa isasagot nito.
"Bitaw ako.".
Sinong may problema sa inyong dalawa?" ngiti pang tanong ni Sam
"Siya!"
"Ayaw pang. ..?"
Tingin si Eva kay Caloy
" Fubu?"
Sumimangot na si Eva
Tango si Sam.
" No not that," iling pa nito "I respected her because she' s good and clean...I never took any kind on her, " turo nito si Jeff nang matanaw ito. " She"s still can' t move on with the lost of Jeff... he is still on her system. Nakakaawa siya... I wanted to help her forget him but she's the one who don't want to help herself." tingin ito sa reaksyon ni Eva sa isinagot niya. Nakangiti ito, tanggap!
Nilingon din ni Sam si Jeff, "Ayun o, binubuliglig ng syotang si Cleo!"
" Poor Jackie, lutang!" anito nagpaalam, "Sige Sam, nood na kami ng dc."
Para idisplay ang bagong syota niya ,may magkweto kay Jackie na may iba na siya. Na siya ang umayaw, di inayawan.
Putrid na campus trend na iyan!
Hinintay muna ni Sam na makalayo ang magsyota bago nagsalita, " Malayo na sila "
Lumitaw sa display si Jackie "Thank you Samantha," anito sa kasamang atleta ng UE. "Good luck nga pala sa laro n'yo bukas sa volleyball. I'll fetch my other squad with me to cheer you."
Pep group ang tukoy nito, kasi ang dance crew ang sasayaw sa break nila. Kahit dancer si Jackie ay na kay Bobit ang timon ng grupo.
Taas baba ito kay Jackie," Kaya mo iyan!"
Ngiti si Jackie, "Thanks sister!"

--------0--------

1. Hindi maitatanggi na marami sa mga kababaihang street dancers ang napapasuot sa maagang sexual relation.
2. There are some groups of dancers which are member of a family- a group of dancers which conducts a year free teaching seminars to new dancers.

--> Help me please, I just wanted to be recognize as writer.
*****

CAN YOU DANCE WITH ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon