CHAPTER 11

17 1 0
                                    

Summer vacation.
Nagplano agad si Cleo ng isang camping o swimming, kahit ano basta makasama niya si Jeff sa isang out-of-town na lakaran. Jeff declined it kasi nga ay busy siya sa mga practices ng mga skaters, meetings ng newly established na samahan ng mga choreographer ng mga dancers, ang Juniors ay gustong sumalang ng lingguhang lapag sa mga pista dahil gustong makaipon ng perang gagamitin na panggastos 'pag nagbukas na uli ng klase. Suko siya sa target ng mga ito. Kung sabagay may katwiran ang mga loko. Gusto nilang ipakita sa mga magulang nila na may pakinabang din sa pagsasayaw, di isang hilig lang.
    Nagdadabog na iniwan siya ni Cleo.
Gusto man ni Jeff na pagbigyan ito ay hindi talaga pwede dahil aagaw iyon ng oras sa schedules niya.
  Sa Fishermall, Quezon City ang labanan ng Champion Tour.
One point lang ang lamang ng Niveous sa Assassin ni Oscar kaya sila ang champion.
Kinabukasan sa Tutuban contest ay nakabawi na sina Oscar nang mas paboran sila ng mga judges.
Ang grupo naman ni Diosa ang sumungkit ng panalo sa labanan sa Balinggasa na kilala sa tawag na Thorny Roses. Si Jeff mismo ang nagpalit ng pangalan nito na dating Candy Pop. Ilang moves lang ang ipinaayos ni Jeff ay bago na agad ang galawan nila para ang g-style moves nila ay maging advance urban kahit nga mga gay silang lahat at naging isang panglaban na.
    Nagkakatuksuhan tuloy. Sabi nila ay puro member ng Choreo Association Of The Phil lang ang nanalo. E agad na bumuwelta si Monchie, choreo ng Black Hole, "Kasi naman ay mag-member na kayo. Libre doon ang paturo ng proper movement at pati na sa  orchestration ng mga janra.'
  Sumuporta si Diosa, "Niveous pa ang nagturo sa amin...heto na kami, sumasabay na sa Assassin, Black Hole, Innuendo at Niveous. The benefits can be yours too. Join the association now and have the chance to develop your dance crew."
    Hype Philippines. Twenty five na groups lang ang nakapasa sa tryout. Pumasok din ang grupo nina Bobit, Edwin at Choco na mga school choreo din. Natural bakasyon kaya libre na sumali sa street competitions ang mga school dance crews.
    Ikot ang paningin ni Jonas. Ang Detonator ay lumabas na uli, ang grupo na sumisilat sa seniors.
Sa isang sulok ay kumakanta ang mga Motley Dance Crew na naagawan ng korona ng seniors sa Supreme Battleground. At sa likuran nila ay nakatumpok ang Ever Good, Thorny Roses, NoXQZ Please, Assassin, Copa Banana  at Black Hole.
     It will be a hell of a fight!
      Ramdam ni Jonas ang higpit ng labanan.
    Dalawang grupo ang tapos sa lapag nang dumating si Jeff.
"Bayad na ang quota?" tanong na nito.
    "Oo."
    "Ilang minuto ang time limit?"
    "Six minutes."
    "Pasok ang butterfly concept?"
    "Talagang iyon." nguso nito sa mga matitinding kalaban. "Hindi biro ang laban ngayon. Kasama sa contestant ang Detonator, ang grupo ni Bobbit at ang Assassin."
  Matindi nga. Ngayon lang nila gagamitin sa contest ang sayaw na ito na dala ng seniors sa WOD.
"Dala ninyo ang light ?'
    "Oo," paniniyak ni Eboy.
    "Na-recieved ko ang rules and
Regulations...busy ka sa Baguio kaya nagpasya na ako sa ready na sayaw na pasok sa time limit,"
    "Good," anitong tumingin kay Teresa. Ito ang mata niya sa mga ginagawa ng juniors.
    Manipis na ngiti ang bitiw ni Teresa. Ang Kuya Jugger niya ang may utos na si Jeff lang ang lagi niyang pagsusumbungan ng mga mali o palpak na trabaho ng mga
Juniors ang sinusunod niya.
   Tumayo si Jeff, dinampot ang bag na dala niya. "Gagamitin na natin ang electronic arm jacket,"
   "Minus helicopter spin." ani Pliny, "oover tayo sa time limit kung kasama iyon."
    Hindi masasalang si Jeff. Sina Jonas at Pliny ang magpalitan sa gitna. Si Pliny ang tricker.
  Demonstrate uli ni Jonas sa paggamit ng electronic switches.     Nasa gitna iyon ng palad nila.
   Five seconds iyon na sindi bago kusang mao-off.
    Tapos na ang pang- anim na dance crew nang magtanong uli si Jeff, "Pang-ilan tayo?"
   "Pangkatorse," walang tingin na sagot ni Jonas, pinanonood ang sayaw ng Thorny Roses. Wow, a perfect execution.
    "Girls, do your powdering now!" utos ni Eboy, alam niyang matagal mag-ayos ang mga ito.    "Watch your time. Not more than twenty minutes, " paalaala nito.     "May instructions pa si Jeff bago ang salang."
    Just ten minutes lang ang inubos ng mga ito, sabik kasi sila na tanggapin ang mga utos ni Jeff.
   Thirteenth group ang nasa stage, kasunod sila.
   One line na pumila sa tabi ng hagdan ang Niveous. Nakayuko lahat ang mga ito sa paghihintay sa pagtatapos ng susundan nila na grupo.
  "Our fourteenth group!" tawag ng emcee "The Niveous juniors!"
    Ugong ang palakpakan.
    Gulat ang mga judges. Juniors lang ang mga ito hindi ang mga Seniors ni Jugger. Hindi si Jugger ang choreo, iba.
      "Jeff...Jeff...Jeff!" sigaw ng mga dancers, inaabangan ang pag-akyat ni Jeff sa stage.
    "Sino iyon?" tanong ng mga di nakakakilala sa kanya.
     "Star dancer ng SSC."
     "Top skater natin sa Olympic. Champion ng Skateboard dito sa Pinas."
    "Sasayaw?"
    "Sana huwag, walang tatalo sz Niveous Juniors."
     "Bakit?"
     "Gagawin niya ang bboy ng helicopter spin. Patok iyon, wala pang makagawa dito sa style niya, pang-international."
   Napuno agad ng mga manono-od ang buong venue. This s the team to beat.
Itinayo ng dalawang reserba ang light curtain. Pagpasok ng apat na boys at apat na girls ay nag-glow ang mga gadgets na suot ng mga ito. Nakaposisyon na sila nang nag-off iyon. Ten seconds mula sa unang paggalaw ay nag- pasukan  ang  iba. Sunod-sunod ang mga iyon na mayroong mga gumugulong na parang mga bola at ang iba ay lumilipad na sa pag-entra mula sa gilid ng stage.
Pigil lahat ang hininga ng mga nanonood, nag-aabang sa mga bagong moves na ipinasok ni Jeff. Precision ang style ni Jugger, si Jeff ay defined ang bawat galaw. Nagsamang istilo na agad tumatawag ng atensyon ng mga nanonood. Pagkatapos ng bboy ay naging isang bilog ang mga ito nakatayong dikit, bumuka iyon dahan- dahan at nagsindi ang mga arms gadgets nila, iyon na  ang  pagbuo  na isang paruparo.
At sa bawat kampay ng mga bagwis ay naggo-glow ang image na binuo nila. Standing ovation.
The judges marked it BOB! Best-of-best sa lahat ng mga maunang sumayaw. They don't expect na lalagpasan pa ng iba iyon.
Even other teams nodded when they heard the decision after the contest... best-of-best talaga!
Two days lang na pahinga ay ensayo na sila. Pati ang pitong reserves ay agad na isinalang na dahil mega crew ang labanan, two dozens dapat ang lowest na member, pang-twenty-five si Jeff kung sasalang ito.
Pinanonood ng ibang dancers ang pagkikinis ni Jeff sa kilos ng mga reserba.
"May usap-usapan sa mall," ani Seth, "Hatulan mga natin kung ano ang motibo nila?"
"Na ano?" patol ni Chito.
Halos ayaw iyon bigkasin ni Seth kaya lang e dapat nilang malaman dahil involve pati na ang mother team nila "Kalat na ang usapan na mahirap daw na padapain ang Juniors kaysa sa Seniors natin...na kapag ang mga ito'y nagharap ay matatalo ang seniors."
" Ow?" di naniwala si Kim. "Sa sarili kong palagay comparison."
"Ano ito, seniors versus juniors ha?" tanong ni Teret.
"Yun ang ikinakalat nila?"
"Oo, Celia," malungkot na sabi ni Seth, " Biter daw tayo ng mga seniors. Kasi isinayaw daw natin ang butterfly concept nila."
Sumingit na si Jonas. "Kay Jeff ang bboy at butterfly na ang seniors natin ang gumamit. Di pangba-bite iyon dahil para sa Niveous iyon. Ano ba'ng grupo ang nagsayaw, ha? Niveous rin di ba?' Junior nga lang."
Gigil sa inis si Chito ," Bakit ba sila nakikialam sa atin, ha?'
Nasuntok pa ni Kim ang pader na nasa tagiliran niya, " Bakit ba nila gustong pasukan ng issue tayo?"
"Para basagin ang samahan natin." ani Celia, "Di nila kaya si Jeff kaya tayo ang pinaringgan. Paninira iyan, sure ako na inggit ang puno't-dulo niyan, walang iba. Kapag nagpaapekto 'y may makakasingit ang pagdududa, iyon na ang basag, pasimula na ng away sa pagitan natin. Guys, suplahin iyan!"
Noon sumingit si Angie, "Di ako nag-isip ng negative kay Jeff simulat sapul, tiwala mga bes."
Nag-angat ng isang kamay di Jonas, "Samasama tayo. Kapag may problema na tulad nito'y open agad para di lumala!"
Patong lahat ang mga kamay.
Iniangat iyon ni Jonas.
.  "The Niveous is white- white in all, hearth, spirit and intentions!" sigaw ni Teret.
    "We are the Niveous Juniors!" sigaw ni Jonas.
    "We are! Niveous forever!"
   Jeff is smiling as he watch them

Gumagana na ang goto, mami at hamburger nila. Malakas ang benta ng dalawang puwesto nila sa Divisoria, kumikita ang mga iyon ng almost three pesos kada araw. Hindi rin pahuhuli ang benta sa Acacia ng Malabon, Pasay at Sta.Mesa na lesser ng kaunti sa net profit. One month palang na operation ay bawi na ang puhunan.
Hindi nila naging problema pa ang mga trabahador dahil ang buong Niveous ang mga tumao sa bawat puwesto. Sa buong bakasyon iyon. May mga kakilala sila na papalit kapag may pasok na sa school. Papatapos na ang May kaya naghahanda na sila sa magiging pagbabago sa mga schedules.
Tingin si Jonas sa listahan ng mga juniors, lahat halos ay mga estudyante, siya lang ang hindi. Kaya tuiuyang mababago ang trabaho ng iba: si Celia ang may hawak sa accounting, sales at ng treasury; sina Seth at Eboy sa Marketing; tulong sina Kim at Toloza sa pangangasiwa ng mga t tauhan sa bawat puwesto; siya at iba pa sa pagluluto at pagdadala sa bawat puwesto. Hindi naging
problema ang sasakyan dahil ipinagamit ni Jugger ang lumang L300 na naiwan ng kuya niyang nag-migrate sa Texas.
Nang maka-chat niya si Jugger sa messenger ay sinabi nito na siya ang dahilan kung bakit nagawa ni Jeff ang planong ito na negosyo. Ipinagtapat ni Jugger na bago pa umalis ang buong Seniors ay plinano kung paano iaayos ang pangbuhay ni Jonas Ladonza. Siya iyon, ang nag-iisa na ulilang lubos na Niveous. Si Jeff ang napagpasahan niyon. Kaya nang malaman niya iyon ay heto siya na tutok sa paghawak sa negosyo nila.
"Hanggang maging Don Jonas ka na!' tukso pa ni Deo. Tukso iyon pero napaluha siya sa concern ng mga ito sa kanya.
Buklat ni Jonas sa mga listahan nila. Bawat isa sa labing-pitong Juniors ay may nakatabing 15k na share at suweldo, dadagdag pa ang tumatakbong linggo na ito at next week bago tuluyang magbukas ang klase sa paaralan. May pang-tuition fee na sila.
Lapit si Celia "Sa last week na natin i-release ang pera natin," payo nito. " Para umabot sa twenty k, kaunti na lang ang problema na pangdagdag sa tuition fee. "
Tumango si Jonas.

-              -------0-------

Blumstyle once dreamed a business. But they are too young to such

Thank you for voting.
*****

CAN YOU DANCE WITH ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon