CHAPTER 14

5 0 0
                                    

Enrolment na naman kaya dagsa sa university belt ang mga estudyante. Sa unang araw pa lang ay umagap na si Jeff para maganda ang mga oras na makuha niyang classes schedules.
Nagpumilit sumama ni Cleo. Ayaw man ni Jeff dahil ang mga proseso sa enrolment ay tiyak na mabusisi at masyadong matagal lalo na sa isang tulad niya na sa susunod na semester ay completion na lang at OJT.
May buntot si Jeff, si Cleo,ang makulit! Iwas muna ang mga kakilala ni Jeff. Pati si Antoinette ay di muna nakipaghuntahan kahit tibo siya, baka pagselosan pa ni Cleo.
Pila sa Secretariats para sa enrolment slip. It take Jeff half an hour to get his. Punta ito sa processing table para sa mga units na kukunin niya. Sa Treasury siya agad pinapunta after na maaprobahang tama ang lahat ng mga isinumiti niyang units at time schedules. May mga dapat daw siyang bayaran bago mabigyan ng permit to enrol sa mga units na pinili niya. It's a big question. He is an scholar para singilin sa mga units, may mali. Something went wrong. Mga miscellaneous fees lang ang dapat nuyang bayaran not the tuition fees He's still a scholar, no down grades at 3, his lowest is 2.5 and still an acceptable average for an scholar like him. Upon seeing him, the head-secretary give a card on Jeff.
"Get your approval at Office of the Dean... Sport. He will explain why. Kung wala siya ay come back to me and sign your promisory. I will let you enrol and talk later sa terms of payment."
If he is not Jeff Zulueta ay di siya bibigyan ng ganitong option, bayad muna bago enrol ang iba, pwedeng consignment na babayaran kada terms.
Nasa opisina ang dean.
"You are not a scholar any more." paniniyak nito. "Inalis ka na sa listahan para ibigay sa iba iyon."
A big why exploded on Jeff.
The dean answered it. "We had decided to full you out of scholarship program and gave it to an incoming cager. You had turned professional when the Olympic Committee appointed you as a coach of our country's team. Coach Norman sensing you will lose your scholarship because of this. He immediately put you in the rooster of SSC as one of our assistant coach. You are now employed as our coach."
"And will pay my enrolment fee?"
Taas ng kilay ang dean, "Of course," ngiti na nitong humugot ng isang notary slip na may stamp ng pangalan niya, pinirmahan iyon bago iniabot kay Jeff. "Get your class cards and your bills will be deducted on your monthly allowance."
Sa allowance, not salary.
Kindat ang dean. "Para di makaltas sa biweekly mong sahod as a coach." lahad ng kamay ito, "Welcome to SSC staff Coach Jefferson Zulueta!"
Ngiti itong tinanggap ang kamay ng dean, "Thank you Sir!"

Nasa Recto na sina Jeff at Cleo para kumain sa isang fast food pero nakasimangot pa rin ang kasama niya.
"Ayos ka ba Cleo?"
"Ang tagal mong mag-enrol!"
angal nito.
. "O, di ba pinaalalahanan kita kangina?"
"Hmmm!"ungol nito sa inis. "Hindi ako sa pag-eenrol mo ako nagagalit...." irap nito bago tumingin uli kay Jeff, may apoy na ito sa mga mata niya. "Bakit kayo nag-cypher kina Jackie?" usig na nito.
Napangisi si Jeff. Sa lahat ba'ng gagawin niya ay kailangan pang ipagpaalam sa babaeng ito? Shit! "Cypher iyon ng mga dinayang mga choreo, Cleo. Walong dancer kami na nagrelease ng sama ng loob sa ginawa sa amin!"
"E bat doon pa sa tapat ng bahay nina Jackie?" dabog nitong gigil. "Pwede namang sa ibang lugar...sa tapat ng bahay ninyo!"
"Doon maluwag, di daanan ng mga sasakyan kasi dead end."
"Kamo, binabalikan mo si Jackie!" sigaw na nito.
"What?"
Ngisi nito. "Di ka makakapagtago sa akin Jeff!"
"Jackie is a friend!"
"Ahhh!" sigaw nito sa galit, duro nito si Jeff, "Di mo mabibilog ang ulo ko Jeff!"
Pinagtitinginan na sila ng mga tao. "Stop it Cleo, pinagtitinginan na tayo ng mga tao."
Wala sa bokabularyo ni Cleo ang katagang kahihiyan. Sa kinalakhan niyang lugar kapag may kahihiyan ka pa ay laalamunin kang buo ng mga kaaway mo. "Anong pakialam nila sa atin ha?" ikot itong dinuro ang mga malalapit sa kanila na mga passer by, "O, anong itinitingin ninyo, ha?"
Iwas ang mga ito. Virago ang animal na babaeng ito, wild! Ayaw pasaway sa dyowa niya.
Lalong hindi napakokontrol sa sinuman si Jeff. Ever since ay wala pang bumulyaw sa kanya na tulad ng ginagawa ni Cleo. No one! Nakikiusap, di pwersahang pag-uutos, di pwersahang do this, do that... Shit it! Hindi siya alipin! Pasimula pa lang sila ay magulo na agad. Paano kung nagsasama na silang dalawa? No! He decided not to marry this girl. Kapag nagkaroon ng malaking problema ay walang sabit sa paghihiwalay.
Mabilis na tumawid si Jeff sa Recto. Di na baleng ma-jay walking kaysa nasa tabi ng isang uncontrolable snitch na Cleo.

Five meters ang layo ng isang lalake na tumawid. Fourty kilometers per hour ang speed niya kaya di na niya pinabawasan pa ang tulin ng sasakyan dahil alam niyang di na aabutin pa ito. Shock ang driver nang biglang tawid ng isang babae. Two meters na lang ang layo nito sa harapan ng taxi. Dalawang matuling tapak sa silinyador ng brake. Kumagat naman pero sa gulat siguro ng babae ay di umatras, umabante ito pasalubong sa dala niyang taxi. Thug na lang ang narinig niyang tunog, mahina iyon pero tiyak niyang sapul ang babae, inabot pa rin ng harapan ng taxi.
Narinig ni Jeff ang paglangitngit ng mga preno. Kidlat sa bilis na napalingon ito. Si Cleo ay tumawid din! Isang dipa pa ang layo nito sa taxi, sapat iyon para sa isang accrobat dancer to elude an accident. Grab Cleo's hands, pull her away at ihagis ang katawan nila palayo sa taxi... if he can grab Cleo at precise time of collision, just a second they need. Wala siyang nahawakan, si Cleo ay umiwas, di inabot ang kamay niya. "Shit; Cleo don't do it!"
Tantiya ni Cleo ang layo ng taxi, kaya! One step forward at isang iktad pahagis na palayo para mukhang nabangga. Pero naramdaman ni Cleo na dumikit
sa tummy niya ang harapan ng taxi. No! Mali siya ng tantiya, di na magaan ang katawan niya na gaya noong ten years old pa lang siya.
Hagis si Cleo na patihaya, gaya noong ipinangba-blackmail nilang mag-ama sa mga kotseng binibiktima nilang huthutan ng pera. Ang ipinag-aalala niya ay ang kanyang puson, tinamaan ito. Nararamdaman niya ang pamamanhid at bahagyang sakit. At nakita niya ang pag-agos ng dugo na galing sa puwerto niya. For the first time ay kinapitan ng takot si Cleo. "Oh, no...no...no!" sigaw na nitong nagpasimulang mag- hysterical. Sising-sisi sa ginawa niya. Kapag nawala ang batang ito ay lalayo na sa kanya si Jeff. That is the thing she can not accept.
Baba agad ang taxi driver at tinulungan si Jeff na isakay ito sa taxi para isugod sa hospital.

-------0---------

Please don't forget to vote.

*****

CAN YOU DANCE WITH ME?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon