[Kabanata 1]

173 17 23
                                    

[Kabanata 1]


"Hayop ka Noel! Napakawalang hiya mo! Punyeta kang gago ka! Anong pumasok sa kukote mo't pumarito ka sa pamamahay ko!?" umalingawngaw ang boses ni Nanay sa maliit at halos patumba na naming barongbarong.

Dali-dali akong tumayo at tumungo sa labas ng bahay, sabay punas ng harap at likod na parte ng aking kamay. Sino na naman ba ang kaaway mo Nay? Hindi ko tuloy matapos-tapos 'tong paghuhugas ko ng pinggan, dahil maya't-maya utos nang utos, at ngayon naman...

Napabuntonghininga na lamang ako, normal na para sa akin ang araw-araw na mayroong kagalit si Nanay. Kaso hindi ko pa rin maiwasang mangamba dahil baka dumating sa punto na magkakasakitan na. Lalo na't madaling mapikon si Nanay. 'Yan nga ang isa sa mga rason kung bakit marami na siyang may nakagirian

"Ang boses mo Emelda, hinaan mo! Hindi mo ba nakikita na nagdadala ka ng iskandalo!? Palibhasa wala ka kasing hiya kaya ka ganyan! Makapunyeta ka sa akin 'kala mo kung sino kang malinis!"

Pati mga kapit-bahay namin naki-usyoso na rin, napakalakas kasi ng boses kung kaya't nagnanakaw ng atensyon.

Ngunit ikinabigla ko ang aking nakita. Lalaki ang kasigawan ni Nanay. Ngayon lang nangyari ito. At parang pamilyar ang kan'yang mukha, ewan pakiramdam ko kilala ko siya.

At—hala! Mas lalo akong nagulat nang sampalin ni Nanay 'yung lalaki, literal na lumaki ang aking mga mata!

"Nay!"

Nabaling ang atensyon ni Nanay sa akin, mabilis akong lumapit sa p'westo niya.

"Nay, pag-usapan niyo nang mabuti 'to Nay, 'wag kayong magsigawan. Nakakahiya po oh," mahinahon pero mariin kong saad.

"Nakakahiya?! Mas nakakahiya Elise iyang tatay mong gago! Sa loob ng walong taong wala siya! Ang lakas ng loob bumalik sa pamamahay natin! Pota! 'Yan 'yung nakakahiya!"

Tatay

Tatay

Tatay

Umulit-ulit sa aking isipan na tila sirang plaka ang sinabi ni Nanay. Hindi ako makapaniwala! Ama ko ang kausap ni Nanay? Nyemas!

Nagdadalawang-isip kong binalingan ang kaharap ni Nanay. Oo nga't hindi maipagkakaila ang kaparehong hugis ng aming mata, taas ng ilong at korte ng mukha. Kaya pala nakaramdam ako kanina na pamilyar siya sa'kin.

Ngunit imbis na bumalot sa akin ang pananabik na makita siyang muli, galit at sakit ang nangibabaw sa'kin ngayon!

Galit sapagkat nabuhay kami ng walong taong wala siya, nabuhay kami ng walong taong wala akong matawag na ama! Nabuhay kami ng walong taong, walang haligi ng tahanan ang aming pamilya, at nabuhay kami ng walong taong hindi kompleto bilang pamilya!

At sakit dahil sa paghihirap na dinaranas namin habang wala siya, sakit na makita ang aking ina na nahihirapang magtrabaho para sa amin ni Ellena dahil wala siya. Sakit, dahil nakikita ko sa mata ng tatay ko na parang wala lang ang lahat sa kanya!

Nyemas, ayos lang ang araw ko kanina ah, hindi naman ako sobrang sumaya.Tapos ngayon bigla na lang magbabago dahil sa lalaking 'to?!

"Elise...anak, ikaw na ba 'yan? Dalaga ka na ah. Dati lang eh naglalaro ka pa sa mga regalong ibinibigay ko sayo," nagagalak na sabi niya, taliwas sa naging ekpekto sa akin.

Anak?! Kailan mo'ko naging anak? Parang paghaboy lang nga ng upos ng sigarilyo mo ang pang-iiwan sa amin? May gana ka pang ibalik sa akin ang karanasan ko nung bata ako?! Eh walang-wala 'yan sa paghihirap namin noong wala ka!

Lost Acceptance [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon