[Kabanata 13]

46 6 1
                                    


[Kabanata 13]


Wala sa sarili kong inusog sa hindi kalayuan ang palanggana at maliit naming upuan na gawa sa kahoy. May tatlong ginang kasi na patutungo rito sa p'westong kinaluluguran ko.  Senyales na kailangan ko munang umusog nang kaunti para magkasya at makagalaw kaming tatlo sa partikular na lugar.

Ala-siyete na ng umaga, sa halip na magpakita ang araw, makulimlim ang langit—nagbabadyang bumuhos ang ulan. Sa wakas! Kakampi ang panahon sa'kin.

Kahapon, marami mang hindi kaaya-ayang nangyari sa'kin, atleast hindi ako masyadong napagod magkapera at nakapagpahinga pa! Salamat sa tulong ni Ate Kemmy.

Iyon nga lang dahil kakambal ako ng malas at lungkot, sa pagdating ko ng bahay tumambad sa akin sina Ellena at Mishella na nagmi-miryenda, pati si Nanay! Hindi nga lang siya nakisama kina Ellena at Mishella dahil siya'y nasa kusina.

May pa gano'n-gano'n pa! Eh ilang oras na lang nun magha-hapunan na. Kainis! Hindi nga kami nagmi-miryenda noon kahit buo pa kami dahil kapos sa budget tapos... Nyemas!

Nagdulot sa akin iyon ng paninikip ng dibdib at lalong pagsama ng pakiramam. Masaya silang kumakain ng hopia na pinarisan ng juice habang ako, ni hindi man lang inaya!

Imposibleng galing kay Ellena ang perang pambili, mas lalo rin kay Nanay dahil kailanman hindi siya gagastos para lang sa miryenda. Ipangsugal pa siguro ni Nanay 'yan, paniniwalaan ko pa.

Kaya pustahan galing iyon kay Mishella! Bumibida ang gaga! Pakiramdam ko, talo ako laban sa kanya. Isang daan lang sa akin, samantalang sa kanya may big sip saka biscuit siya sa'kin sa umaga, may hopia at juice naman siyang pamiryenda. Edi siya na!

Hindi talaga ako hinahayaang sumaya.

"Dami niyan ah." Naputol ang aking pagbabalik-tanaw nang nagsalita ang isang ginang sa aking tabi. Kapansin-pansin ang kanyang buhok na binugkos gamit ang tuwalya.

"Kaya nga po," pagsang-ayon ko. Tinutukoy niya ang dami ng nilalabhan ko ngayon. Matagal na rin kasing hindi ako nakalalaba, ito tuloy at patong-patong ang lalabahin.

Tiningnan ko ulit siya. Nakuha ang aking atensyon dahil sa paraan ng kanyang paglalaba. Wala siyang ginagamit na palanggana. Sa kada labas ng tubig sa poso, sinasalo niya ito gamit ang damit. Sinasabunan niya naman ang damit—na parang hindi naman damit, mukha kasing basahan. Pagkatapos itinututok niya muli sa bunganga ng poso para banlawan.

Sigurado bang malinis ang mga iyan sa ganyang paraan? 'Di bale basahan naman eh.

"Nasaan si Nanay mo?" wika ng Ginang. Hindi ko alam ang kanyang pangalan, tanging ang mukha niya lang ang naaalala ko. Minsan ko silang nakita ni Nanay na nag-usap. Kaya panatag kong sasagutin ang tanong ng ginang. Naninigurado lang.

Karamihan dito sa Sitio Pelecencio, mapagkunwari. Nasa sa'yo na lang kung sasakyan mo ang pagpapakunwari nila o pabayaan na lang. At isa sa mga rason kung bakit sila nagpapakunwari ay dahil nais nilang makasagap ng balita, sunod niyan ay ipagkakalat. Minsan wala namang katotohanan. Ano kaya ang mapapala nila diyan?

Buong pwersa kong piniga ang damit na katatapos kong kuskusan. Iniligay ko muna sa isa pang palanggana ang natapos nang labhan bago nagsalita muli.

"Sa banwa po 'ata. Tumulong siyang magtinda kasama si Aleng Jonan."

Ang pagtango ng ginang ang nagsilbing tugon sa aking sinabi. Katahimikan ang sunod na naghari dahil wala na siyang idinugtong pa.

Lost Acceptance [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon