[Kabanata 17]

17 1 1
                                    

[Kabanata 17]


"Sir good afternoon, excuse me."

Tango ang iginawad ni Sir Amardo bago tuluyang pumasok ang babae. Base sa suot nitong uniform, isa siyang GAS student. Binigay niya ang hawak na papel kay Sir.

"Class listen, this is an announcement." Biglang umalisto ang diwa ng katabi kong tutulog-tulog kanina.

"In connection with the Senior Prom 2017 to be held on September 7, 2017, the undersigned would like to ask permission that the participants of the said event be allowed to have practice this 3:00 on the afternoon. Withal, it is requested that they be allowed to make up for exams, activities, or assignments that they might miss. Your favorable response will be highly appreciated."

Nagsi-yes at palakpakan ang karamihan. Natutuwa 'pagkat ligtas sa nakakaantok na klase. Ang katulad ko namang tahimik ay patagong naiinggit.

"Anyway ilan ba kayong sumali?" ani ni Sir habang pumipirma sa papel. Pagkatapos ay isinauli sa babae na nagpasalamat at nagpaalam muna, saka lumabas na ng classroom.

Mayorya sa section namin ay nagtaas ng kamay.

"So ilan ang natira? Sige na nga, hindi na 'ko magdi-discuss. Basta kayong apat dito lang kayo sa loob, maglinis kayo rito. Wala munang aalis sa inyo 'pag hindi pa dismissal."

Hati ang pakiramdam na masaya at dismayado. Minsan na nga lang akong pumasok, sumakto pa kung kailan may practice, sa huli ay 'di rin naman magtuturo. Tiyak sa susunod naming subject ay ganito rin ang aming sitwasyon. Bale wala na namang silbi ang pagpasok ko ngayon. Mabuti sana kung tulad ng dati ay gano'n lang kadali mag-escape, kaso hindi na eh!

Malas na naman...

"Sayang talaga Dzai! Kompleto sana tayo kung nandiyan ka. Ang bongga pa naman ng program, may disco sa huli! Yeah, party party ganern!" Binalingan ko si Mirna na hyper na ngayon. Kanina lang nagrereklamo pa kung gaano siya ka-boring sa lesson ni Sir.

"'Yaan na, isang araw lang naman 'yan."

"'Yun nga Beh, isang araw sa isang taon lang mangyayari ang prom. Sayang talaga kung palalampasin. Sige na kasi, pahabol na please."

Umiling ako sa tinuran ni Jamie. Unti-unti na namang namumuo ang kalungkutan. Ang dali-dali na niyang gisingin.

"Ikaw ba Mirna, sino partner mo?" pag-iiba ko ng usapan. Sana mabaling din ang nagpaparamdam.

"As if may choice ako 'di ba? Charot lang." Sinundan niya iyon ng halakhak. "Uy Jamie baka isumbong mo 'ko ha! De seryoso... Si Ronald, siya 'yong partner ko."

Irap ang naging sukli ko, ismid naman kay Jamie.

Choice

Wala ako niyan.

Ginusto ko man o hindi, kabilang ako sa sirang pamilyang 'to. Tanggihan ko man o tanggapin, mayroon akong kapatid sa labas. Ayos lang sa akin o labag man sa kalooban ko, pipila ang pasanin at problema. Gustong-gusto ko mang sumali, walang magagawa dahil hindi kaya.

Pasalamat si Mirna, partner lang ang wala siyang pagpipilian.

Kasi ako...halos lahat.

Gayunpaman, kung kinokonsidera ang walang pagpipilian bilang pagpipilian. Hindi rin naman mababago ang katotohanang wala akong magagawa dahil wala akong pagpipilian.

"Eh ikaw Jamie? May gown na ba kayo? Ano oras nga—"

"Ay shit! Speaking of partner!" si Mirna.

"Dzai sa tagal mong absent marami kang na-miss na written works pero ang pinakatindi ay si Emerson! Shemay, dalawang ulit siyang pumunta dito para sa'yo! Narinig mo 'ko?! Para sa'yo!" Inis kong hinawi ang nakaduro niyang hintuturo. Napaka-OA talaga.

Lost Acceptance [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon