[Kabanata 2]

81 14 11
                                    

[Kabanata 2]

Malakas kong sinisipa ang lahat ng batong mahahagip ng mata ko. Pagkatapos ay guguluhin ang buhok at hihiyaw. Nyemas! Magkahalong pagsisisi at ginhawa ang nararamdaman ko. Pagsisisi dahil sana hindi na lang ako nagsalita, dahil wala namang kwenta kasi kahit katiting hindi siya naapektuhan. At ginhawa dahil kahit papaano nailabas ko 'yong nararamdaman ko. Pero kahit na! Nakakainis at nakakahiya talaga ako kanina!

Tantiya ko ay mag-a-alas sais na nang ako'y umalis doon. Kaya ngayon nag-aagaw na ang dilim at liwanag habang naglalakad ako pauwi. Oo mag-isa akong uuwi ng bahay, dugyot na dugyot na ako, 'yung uniform pa kasi namin ay puti, mahihirapan na naman akong labhan ito. Ang sakit na rin ng balikat ko dahil sa matagal na pananatili ng bag. At hanggang ngayon damang-dama ko pa ang pamamaga ng mata ko dahil sa kakaiyak.

Nakaka-inis! Ba't ba kasi nagpahigit ako kay Manang Marj—ay isa pa siya! Naiinis din ako sa kanya, wala siyang konsiderasyon kitang ayaw kong sumama, pipilitin niya ako.

Aba syempre may pera, hihindi pa ba siya? Malamang sa malamang masisilaw 'yun, 'yun buhay kasi rito sa probinsya kapag hindi ka magkakayod at magtatiyaga, mamamatay kang salat. Lalo na kung pinanganak ka nang mahirap.

Pero, wala e'. Naiintindihan ko si Manang Marj, mahirap din kami at nangangailangan ng pera at 'yung pag-suhol ng lalaking 'yon sa kaniya ay hindi naman 'ata masama, ang kaso—nakakainis pa rin eh! Nakasasama ng loob sa parte ko.

At ito pa, mukha akong kawawa kanina! Iyan ba 'yung tinatawag nila na bugso ng damdamin? Nyemas!

Saka naroon pa naman si Mishella, dapat 'di ako nagpakita ng kahinaan. Gagamitin niya pang pain sa akin 'yun, hindi imposible itong iniisip ko. Nagawa nga niyang manira ng pamilya kaya ang pamba-blockmail ay sisiw sa kanya.

Ngayon, mas lalo pang nadagdagan ang pagkamuhi ko sa kanya! Dahil siya na mismo ang nagbigay ng pagkakataon sa 'kin na 'wag na 'wag na siyang patawarin pa. Nyemas na buhay 'to!

Napabuntonghininga na lamang ako. At pinilig nang mahina ang aking ulo. Malas talaga ang araw na 'to ano? May mas hihigit pa ba rito? Bwiset!

Nang kaunting lakad na lamang ang kailangan kong gawin para makarating na ng bahay. Biglang lumitaw sa aking isipan ang pang-iiwan ko kay Mishella nang mag-isa, at habang umiiyak.

Bigla agad akong kinain ng konsensiya. Nyemas! Ba't ko naman mararamdaman 'to? Aba, dapat lang iyon sa kanya, magdusa siya. Walang-wala 'yan sa nangyari sa amin!

Hindi ko namalayan, nasa harap na pala ako ng aming pinto—matatawag ba itong pinto? Dahil ito ay isa lamang pinagtagpi-tagping kawayan, hindi ito komukonekta sa pintuan, kaya tuwing gabi, ididikit lang namin 'to. May kurtina naman sa loob kaya sapat na iyan.

Ligtas na kami sa ganitong paraan, dahil ni minsan hindi naman kami pinagnakawan. Syempre, wala namang nanakawin sa amin e'.

"Lintek! Elise, kanina pa kita hinahanap. 'Yung kaklase mong si Josefina kanina pa naka-uwi at ikaw ngayon lang?! Ngayon, bakit mag-isa ka lang?"

Naku, dahil sa lalim ng iniisip ko, 'di ko tuloy napansin si Nanay na nasa harap ko na pala.

Pero, teka—tinatanong niya kung bakit ako mag-isa? Namali ba ako ng narinig?

Pinagsawalang-bahala ko ang aking naisip. At nang magmamano na sana ako biglang itinabig ni Nanay ang aking mga kamay. Eh?

"Pa-pasensya Nay, saka Nay mag-isa lang naman talaga akong umuuwi rito. Nakalimutan mo na ba Nay na hindi nag-aaral si El—"

"Oo! Alam ko Elise, 'yung punto ko nasaan siya? Ba't hindi mo siya kasama?!" Nabigla ako sa pagtaas ng boses ni Nanay. Hindi ko maintindihan, wala akong may naiintindihan.

Lost Acceptance [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon