[Kabanata 6]

50 11 10
                                    


[Kabanata 6]

Sa kabila ng nanginginig na mga kamay nagawa ko pa ring sunod sunod na lumagok ng tubig.

Nakita ko sa gilid ng aking mata ang naninimbang na mata ni Ellena, ngunit malaking pasasalamat ko dahil masyado pa siyang bata para maintindihan itong ina-aksyon ko.

Pinilit kong kumalma at magmukhang maayos, ngumiti pa ako para talagang magmukhang 'di apektado, lalo na para sa susunod na tanong.

"Eh pa-paano 'yan Nay? Pa-paano kung ma-mahuli si—"

"Aba! Pakialam ko sa kanya! Bahala siya sa buhay niya. Kung gusto niyang magpaka-adik, wala akong paki! Kung may masamang mangyaring man sa kanya, edi mangyari! Buhay niya 'yun, siya ang magdurusa sa impyerno, hindi tayo, hindi sino man! Matagal na tayong walang koneksyon sa kanya Nak mahigit walong taon na nga, kaya wala na dapat tayong pakialam sa kanya!

"Kaso ngayon..." Binalingan ni Nanay si Elise, kung kanina siya ay nakayakap sa dalawang tuhod, ngayon ay maayos na ang kanyang pag-upo habang nakapangalumbaba kaming pinagmamasdan. Nasisigurado ko rin na kami ay kanyang pinakikinggan.

Halatang hindi siya makapaniwala sa narinig sapagkat naka-awang ang kanyang bibig. Mamula-mula rin ang kanyang ilong at palibot ng mga mata, masyado kasi siyang maputi, tss.

Pagkatapos balingan ni Nanay si Mishella, hinarap niya ako. "Dahil wala tayong pagpipilian, heto't may ugnayan na tayo sa kanya, hindi bilang ama mo kundi dahil sa pera," pagpapatuloy ni Nanay.

Pinagmasdan ko siyang ipinagpatuloy ang pagkain, wala talaga. Wala ni bakas ng emosyon ang makikita sa mukha ni Nanay habang binabanggit ang mga salitang iyon.

Paano ni Nanay nagagawa iyon, kung siya pa nga ang pinaka-apektado dati?

Samantalang ako, parang napakaraming piraso ng puzzle na kailangan buuin, napakahirap gawin. Hindi ko pa rin kasi maorganisa ang mga gumugulo sa isipan ko.

Sa nakaraang araw galit lamang ang nangibabaw sa akin pagdating sa lalaking iyon. Pero bakit ngayon masyado akong nag-aalala? Nyemas!

"Teka—ba't mo pala natanong Nak? Nag-aalala ka? Hindi ba nung una siyang pumunta dito eh ikaw pa mismo ang nagpalayas. Anong nangyari dun Elise?"

Alam kong imposible ito, pero tila tumigil ng tatlong segundo ang pagpintig ng aking puso. Pati ang aking kamay ay nanlalamig din. Sana makatakas itong nangyayari sa'kin sa mapanuring mata ni Nanay. Nyemas!

"A-ano ka ba Nay? Ano bang kla-klaseng tanong 'yan? Syempre hindi!" Mapakla akong tumawa. "Sa mga kasalanang nagawa niya sa'tin, sa pang-iiwan niya at panloloko. Imposibleng mag-aalala ako sa kanya. Hindi nga siya nag-alala sa atin, edi hindi rin ako mag-aalala sa kanya. Ano siya sine-suwerte? Ang imposible naman ng tanong mo Nay."

Umiling-iling pa ako para magmukhang totoo, ngunit hindi ko magawang makipag-titigan kay Nanay. Sa halip, ang aking mga mata ay pinggan ang nakikita.

'Bakit Elise hindi ba totoo ang sinabi mo?'

Tila may nagbara sa ang aking lalamunan dulot mismo ng sariling tanong. Nyemas!

"Mabuti naman Nak at nasa kukote mo pa ang napagdaanan natin. Gamitin mo 'yan para mas lalo kang tumatag at 'di masaktan." Napalunok ako, patuloy pa ring kinakabahan.

Lost Acceptance [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon