Fourth Bump: Bintana

2.1K 62 10
                                    

Fourth Bump: Bintana

            “So, how’s your day?” tanong sa akin ni Tito Enrico pag-uwi ko.

            Wait, bakit nandito ulit si Tito? Kailangan gabi-gabi nandito?

            “Xel, tinatanong ka ni Tito Enrico mo,” tawag sa akin ni Mommy.

            Inabot ko sa katulong namin             'yung mga pinamili ko bago ko hinarap sila Mommy. “Ayos lang naman po,” umupo ako sa tabi ni Mommy, “Ano po mayroon ngayon?” tanong ko.

            “We’re planning the wedding,” hinawakan ni Mommy 'yung kamay ni Tito, “We want to do it asap, we’re not getting any younger na naman, e.”

            Sasabihin ko ba sa kanila 'yung sinabi ni Ezeikel tungkol kay Tito? Looking at them tingin ko naman in love talaga sila sa isa’t isa at gusto na talaga ang makasal.

            “Ano tingin mo sa magiging kuya mo?” tanong ni Mommy while looking sa wedding magazines.

            Lumipat ako sa isang sofa at niyakap 'yung isang throw pillow. “Ayos lang po, hindi naman po kami nakapag-usap kagabi dahil tinulugan niya na ako,” napaisip ako saglit, “Medyo mukha siyang suplado,” dagdag ko pa.

            “Pagpasensyahan mo na 'yung anak ko, hindi din kasi siya lumaki kasama ko. He loves to be independent kaya no’ng namatay 'yung mommy niya, he decided to go to states,” huminga siya nang malalim, “I hope na magkasundo tayong lahat, tutal magiging isang pamilya na rin naman tayo.”

            “There will be no problem with me naman, Tito. Just don’t hurt my mom,” ngumiti ako sa kanya, “We’re good.”

            “I won’t I promise,” nakangiting tumingin siya kay Mommy at saka pinisil ang kamay nito, “I hope your mom will do the same.”

            Pakiramdam ko kinikilabutan ako. Para silang mga teenager na bagong magkasintahan. Oo, kinikilig ako sa kanila at masaya ako para sa kanila. Pero, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit feeling ko ang tanda na nila para sa mga gan’yang asta?

            Mom, I know sometimes you can read my mind. But I hope not this time. Hihihi

            “By the way, we decided na dito muna patirahin si Ezeikel para makakilala niya kayo,” tumango tango pa si Tito, “I think it’s for the better, are you okay we it, hija?”

            'Di ba sabi niya ‘we decided’ past tense, ibig sabihin nakapag-decide na sila ni Mommy, may magagawa pa ba ako kung tatanggi ako?

            “Pumayag naman po ba si,” I cleared my throat, “Kuya?”

            “I agreed with it, ayaw mo ba? Okay lang sa akin.” Napatingin ako sa nagsalita.

            “Hi, kuya,” bati ko sa kanya. Pilit na ngumiti ako sa kanya. Napansin ko rin na may dala na siyang ilang bag, “Welcome home.”

            “Masama pa rin ang pakiramdam mo?” nag-aalalang tanong ni Mommy kay Kuya.

            “Medyo po, inuubo na rin po kasi ako,” inayos niya 'yung face mask niya, “Okay lang po ba na pumunta na ako sa kuwarto ko?”

            “Sige, magpahinga ka na,” tinignan ako ni Mommy, “Xel tulungan mo si kuya mo,” utos sa akin ni Mommy.

            Napangiwi ako ng konti. Oo gusto kong magkakuya, pero ito ba ang kapalit no’n? Ako ba talaga ang dapat utusan? May katulong naman kami. Why?

Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon