Ninth Bump: Then don’t let go
Isang linggo na yatang wala rito si Zeik. Tuwing magkikita kami sa school parang normal lang. Kinakausap niya minsan sila Ecka at Isay pero ako halatang as much as possible iiwasan niya akong kausapin. Hindi na lang ako kumikibo. Hindi rin naman nakakahalata sila Ecka. Ayaw ko namang magkuwento sa kanila kung ano’ng mayroon sa amin ni Zeik.
Mahirap mang tanggapin, pero tingin ko na-mi-miss ko siya. Nakikita ko siya pero kasi hindi niya ako kinakausap. Hindi ko alam. Parang hinahanap siya ng sistema ko. Tuwing kasama ko naman si Kuya Kel ang naaalala ko si Zeik. He reminds me of Zeik. Nakakainis na nga kung minsan, dahil tuwing magkikita kami sa park ni Kuya Kel si Zeik na ang naaalala ko.
Madalas lagi na lang si Zeik ang laman ng utak ko. Lagi kong naalala kung paano kami nagkakilala. No’ng malaman kong siya si Ezeikel, 'yung gabing niyakap niya ako at 'yung gabing hinalikan niya ako.
Minsan na trip-an kong i-search sa internet kung ano 'tong nararamdaman ko. Nasa unang stage na raw ako ng love. In denial stage. Alam ko na naman daw ang nararamdaman ko pero tinatanggi ko pa rin. Ano ba’ng alam ko sa love? Wala pa akong naging boyfriend at hindi ko pa nararanasang ang ganitong pakiramdam. Paano ko aaminin sa sarili kong in love na ako?
Napaayos ako nang higa sa sofa nang makita kong papasok si Mommy at Tito Enrico. Kapwa sila nagmamadali. Babatiin ko sana sila kaya lang parang hindi nila ako nakita. Nagdirediretso lang sila sa study room.
Tumayo ako at sumunod sa kanila. Pagdating ko sa pinto bubuksan ko sana kaya lang narinig ko ang pag-lock ng pinto. Idinikit ko na lang ang tenga ko.
“Bakit mo pinagayang umalis si Ezeikel, Liz?” narinig kong tanong ni Tito Enrico.
“Siya ang nagdisisyon no’n, Enrico. Kusa siyang umalis, pinigilan ko pero ayaw niya na talaga. Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya? Nahihirapan ang mga bata, Enrico,” sagot naman ni Mommy.
Ano kaya ang pinag-uusapan nila?
“I can’t. Not now, Liz. Marami akong kasalanan sa kanya, gusto kong bago man lang ako mawala ay maganda akong nagawa sa kanya,” umubo si Tito, “Sooner or later, maiintindihan niya rin ako kung bakit ko 'to ginagawa. Sooner kayo na lang ni Xel ang mapupuntahan niya.”
“Bakit ka nakikinig d’yan?” Napahawak ako sa dibdib ko nang tignan ko si Zeik. “Masama ang nakikinig sa usapan ng matatanda,” sabi niya.
“A-ano’ng ginagawa mo dito? Umalis alis ka tapos babalik ka?” mahinang tanong ko. Baka marinig kasi ako sa loob.
“Pinapunta nila ako dito,” walang ganang sabi niya. “Nakita ko nga pala si Isay kanina, bakit kumukuha na siya ng exam? One week pa bago ang finals, ah?” pag-iiba niya ng topic.
“Kagagaling niya lang sa ospital nag-te-take na siya nang-exam?” napatitig ako sa kanya. “Anyway, mamaya ka na pumasok.”
“Bakit? Ano ba’ng narinig mo sa loob?” tanong niya. Marahang umiling na lang ako. Ayaw kong makisawsaw sa issues nila. Hinatak niya ako papunta sa guest room. Sa kuwarto niya dati. Nagulat ako nang bigla na lang niya akong niyakap. “I missed you,” bulong niya sa akin.
Hindi ako nakagsalita. Mali, gusto kong magsalita pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Aaminin ko rin bang na-miss ko siya?
BINABASA MO ANG
Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)
Teen FictionSabi nila ang pag-ibig bigla na lang dumadating. Dumadating ng wala man lang pasabi. Hindi natin na mamalayan nand'yan na pala. Hindi mo na malayan napaalpas mo na pala. Paano nga ba malalaman kung dumating na nga siya? Makakasalubong mo at sasabih...