Seventh Bump: You’re the one.
Napatitig kaming lahat kay Zeik pag-uwi niya.
Naka-headband ang mahaba niyang buhok na ngayon ay blonde na ang kulay. Nakasuot ang sangkaterba niyang hikaw. May makapal na eyeliner sa kanyang mga mata. Naka all black siya ng t-shirt na fitted sa medyo, ahem, may maipagmamayabang nakatawan niya. Suot niya rin ang mga leather bracelets niya na may mga spikes at may ilang singsing sa daliri niya. Naiinggit ako sa kulay itim na skinny jeans na suot niya na may mangilan ngilan na tastas sa bandang hita. At in fairness din bagay ang suot niyang converse na sapatos.
“I’m home,” malamig na sabi niya sabay baba sa gitarang nasa likuran niya.
“Y-you look different, hijo,” nauutal na sabi ni Mommy.
“We need to talk,” seryosong sabi ni Tito Enrico.
“I don’t have anything to say,” sagot naman ni Zeik na hindi man lang tinignan si Tito.
Nakaramdam na kaagad ako ng tensyon sa pagitan nila. “Kuya!” singit ko. “Ang astig ng porma mo, a!” puna ko at saka umakbay ako sa kanya. Kinailangan ko pang tumingkayad para maabot siya.
“Kuya? Tss,” bulong niya sa akin. Inalis niya 'yung pagkakaakbay ko. “I’m tired, magpapahinga na ako,” paalam niya.
Didiretso na sana siya nang pigilan siya ni Tito at biglang sinampal. Ngumisi si Zeik at tinignan nang masama ang daddy niya.
“Showing your true color now, Rico?” may halong pangungutyang sabi niya. “You never changed,” may halong galit na sabi niya at tuluyan na kaming iniwanan.
Lumapit si Mommy kay Tito at kinakalma ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Pupuntahan ko ba si Zeik at pagsasabihan o sasamahan ko sila Mommy dito.
“Hindi natin dapat minamadali si Ezeikel,” sabi ni Mommy. “Hayaan natin siyang kusang matanggap ang lahat.”
“He’s old enough to accept things, Liza. Hindi puwedeng habang buhay siyang gan’yan,” sagot naman ni Tito. “Hindi ako habang buhay na nandito.”
Tinignan ako ni Mommy. “Puntahan mo muna si Kuya mo, tanungin mo kung ayos lang ba siya,” utos niya.
“O-okay,” sagot ko.
Dapat pala lumapit na lang din ako kay Tito at c-in-onsole siya. Ngayon kailangan ko pang puntahan si Zeik. Baka galit pa nga sa akin ang isang 'yun. Hindi pa naman kami nagkaroon ng closure sa usapan namin kanina.
Kumatok ako nang mahina sa pintuan ni Zeik. “Kuya,” mahinang tawag ko sa kanya.
“Kung wala kang magandang sasabihin, 'wag ka nang mag-aksaya pa ng oras,” narinig kong sagot niya.
“Sabi ni Mommy tanungin daw kita kung okay ka lang daw ba,” sumandal ako sa pinto, “Are you alright?” tanong ko.
Naramdaman ko ang pagbukas nang pinto. Huli na nang maiayos ko ang pagkakatayo ko. Napapikit ako at hinintay ang pagbagsak ko pero hindi ito nangyari. Naramdaman ko ang kamay sa magkabilang braso ko. Tumingin ako kay Zeik.
“Are you alright?” tanong niya.
Umayos ako nang tayo at inayos ang sarili ko. “O-oo, okay lang ako,” sagot ko. Tumingin ako sa kanya. “Ayos ka lang ba? Bakit ka kasi umuwi nang nakagan’yan?” asar na tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)
Подростковая литератураSabi nila ang pag-ibig bigla na lang dumadating. Dumadating ng wala man lang pasabi. Hindi natin na mamalayan nand'yan na pala. Hindi mo na malayan napaalpas mo na pala. Paano nga ba malalaman kung dumating na nga siya? Makakasalubong mo at sasabih...