Sixth Bump: Kuya Kel

2K 61 27
                                    

Sixth Bump: Kuya Kel

            Tahimik lang akong kumakain kaharap si Mommy at ang hindi kapanipaniwalang kuya ko. I still can’t believe na kuya ko si Zeik. Si Zeik na papatay sa akin dahil kabubungo niya sa akin. Wait— bungo? Bumped? Ano nga 'yung sinabi niya kagabi?

            “I’m in love with you since the day I bumped you.”

            Ibig sabihin sinasadya niya 'yung mga panahong binubungo niya ako? Ano 'yun nagpapapansin siya?

            Tinitigan ko si Zeik. Hindi na siya naka-face mask. Mas guwapo siya kapag gan’yang mukha siyang malinis. I hate to admit it, pero hindi kapanipaniwalang guwapo nga siya kapag wala 'yung mask niya. Napaka-redundant ko na. Oo na, guwapo na siya despite sa mahaba niyang buhok.

            Xel, mali 'yang iniisip mo, e. Soon to be brother mo 'yan, 'wag mong sabihing—

            “No,” saway ko sa sarili ko. Napansin kong napatingin sila sa akin.

            “Okay ka lang, honey?” nag-aalalang tanong ni Mommy. Alanganing ngumiti ako at saka tumango.

            Tinignan ko nang masama si Zeik nang makita ko siyang ngumisi.

            “Nga pala, narinig niyo pa 'yung ingay kagabi? Parang may sumisigaw sa labas natin, natakot nga ako kaya hindi ko nilabas,” kuwento ni Mommy.

            “Narinig niyo din po, Tita?” parang gulat na tanong ni Zeik. “Ang lakas lakas nga po, parang banda do’n sa labas po ng kuwarto ko. No’ng tinignan ko naman po wala namang tao sa labas.”

            Sinipa niya ako sa ilalim ng lamesa. Inirapan ko lang siya at hindi nagsalita. Bahala siya d’yan. Wala akong naaalala sa nangyari kagabi. Nakakainis.

            “Really? Baka sa kabilang bahay siguro,” sabi ni Mommy sabay inom sa coffee niya. “By the way, hindi ka na nakasuot ng mask, you feel better na?”

            “Yes, Tita. Nakuha naman siya sa water therapy,” sagot niya.

            Napairap na naman ako. Duh. Wala naman talaga siyang sakit. Sinungaling. Psh.

            “Mommy, una na ako. May dadaanan pa akong photoshoot bago pumasok, e,” paalam ko.

            “Tapos ka na bang kumain?” tanong niya. Ngumiti ako at tumango. “Oh, sige.” Lumapit ako sa kanya at nag-kiss na sa cheeks niya. “Ingat ka, okay?” Tumango tango lang ako.

            Kinuha ko na 'yung bag ko sa sala at tinawag na 'yung driver namin. Marunong akong mag-drive pero pagganitong may photoshoot ako mas prefer ko na may driver dahil nakakapagod din naman ang kakangiti sa camera at nakakapagod din ang mag drive.

            Pasakay na ako sa kotse nang biglang may nauna sa akin.

            “Sabay na ako,” nakangiting sabi ni Zeik.

            “'Wag kang makangiti-ngiti sa akin. Hindi tayo close,” mataray na sabi ko. Hinawi ko siya at saka ako pumasok sa kotse. Napasimangot ako nang makita ko siyang sumasakay sa tabi ng driver. “Ano ba?!” inis na tanong ko.

            “Sasabay lang ako, bakit ba ang init ng ulo mo?” nakangiting tanong niya. Tinignan niya si Manong Alex. “Ah kuya, okay lang ba kung ako na lang ang mag-drive dito sa kapatid ko? Gusto ko kasing mag-bonding kaming dalawa, e.”

Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon