Tenth Bump: He's dying.

2K 52 10
                                    

Tenth Bump: He’s dying.

 

          Semestral break. Nakakabagot. Wala akong makasama. Tamang tambay lang ako rito sa bahay. Si Isay, may Art. Si Ecka, may Emman. Ako? Na in love nga, sa taong iniwanan pa ako. Mahal niya nga ako, pero ano? Gano’n na lang? Hindi ko alam kung ang tanga ko ba o ano. Alam ko naman kasing magiging kapatid ko 'yun, na in love pa rin ako. Dapat pinigilan ko, e. Dapat c-in-ontrol ko 'yung nararamdaman ko.

            “Bakit hindi ka lumalabas? Wala ba kayong gala ngayong semestral break nila Isay?” tanong ni Mommy.

            Nag-inat ako at bumaling sa kabilang side ng sofang hinihigaan ko. Sa totoo lang nag tatamap ako kay Mommy. Alam ko namang hindi ko dapat 'to nararamdaman. Hind naman niya kasalanan na nain love ako sa anak ng mapapangasawa niya.

            “Tinatamad po ako,” mahinang sagot ko. “Pati busy si Isay kay Art, si Ecka naman may Emman na rin. Sayang po ang ganda ko kung magiging chaperone lang nila ako tuwing lalabas sila,” dagdag ko pa.

            “Honey, puwede ka rin na naman mag boyfriend, hindi kita pagbabawalan. Nasa tamang edad ka na naman, e. Ang gusto ko lang ay makikilala ko ang magiging boyfriend mo at hindi 'yung kung sino-sino lang d’yan,” sagot ni Mommy.

            “Ang problema, hindi po kami puwedeng maging kami ng taong gusto ko,” halos bulong nang sagot ko.

            “Bakit naman hindi na puwede? May asawa na ba?” curious na tanong ni Mommy.

            “Sana nga Mommy may asawa na lang siya para madali kong matanggap kaya lang hindi po, e,” sagot ko at umupo. “I don’t want to talk about it na po.”

            Tumabi sa akin si Mommy. “Sweetie, are you alright? Dalawang linggo ka nang gan’yan, may pinagdadaanan ka ba?” tanong niya.

            “Wala po ito, Mommy. Normal po ito sa mga teenager ngayon na na-i-in love,” sumandal ako, “Kailan po ang kasal niyo?” pag-iiba ko sa usapan.

            “Once nakabalik na si Enrico galing Singapore, aayusin na naman ang mga final details ng kasal. Siguro in a week or two. Simpleng kasal lang naman at hindi na namin balak magkaroon pa ng church wedding dahil hindi rin naman makukompleto ang entourage,” paliwanag niya. Tumango tango lang ako. “May balita ka ba sa kuya mo?” biglang tanong niya.

            “Kung kayo nga Mommy, wala. Ako pa po kaya?” medyo walang ganang sagot ko.

            “Mas close kasi kayong dalawa, kaya naisip ko na baka nagkakausap kayong dalawa,” tinitigan niya ako, “Too bad hindi ko na siya puwedeng i-adopt dahil nasa legal age na siya.”

            Napatingin ako kay Mommy. “Huh? Ibig sabihin mommy, hindi kami magiging legally brother and sister?” tanong ko.

            “Well, technically hindi. Why?” nagtatakang tanong niya.

            “Wala lang,” mahinang sagot ko.

            Kahit hindi kami legally magiging magkapatid ang sagwa pa ring tignan kung magiging kami tapos 'yung mga magulang namin kasal.

            Tinitigan ko si Mommy.

            Mommy, puwede huwag na po kayong magpakasal? Puwede po bang kami na lang ni Zeik? Mahal din naman po namin ang isa’t isa.

Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon