SHUREIJOON: ALAM MO NA! HAHAHA <3 <3
I Confess (Tagalog Adaptation) by Bearwithmeplease full lyrics at the end. Media section 'yung pinaka tune ng kanta. :))
Fifteenth Bump: Final Bump
“We’re not siblings,” mabilis na sagot ko. “I’m sorry, Ryan.” Parang hindi na siya nagulat sa sinabi ko. Napakuyom na lang ang mga kamay niya at tinitigan lang ako. “I should have said it.”
“Hindi ka dapat nagso-sorry,” yumuko siya, “I should have known. The way he looks at you, iba, e. Nagpunta lang naman ako dito para siguraduhin. Now, I’m sure about it. Hindi ko alam kung ano ang kuwento niyo kung bakit from magkapatid to lovers. Hindi ko na itatanong. I’m curious everything about you, pero now I have a hint kung bakit hindi mo kinukuwento kung bakit ka malungkot,” sabi niya.
“It’s really complicated,” sagot ko. “I hope we can still be friends…?”
“Kailangan ko muna sigurong mag move-on bago tayo maging friends ulit,” pilit na ngumiti siya, “Sana maging maayos na kayong dalawa.”
“Ryan, I’m really sorry,” malungkot na sabi ko.
I can see pain in his eyes.
“Stop saying sorry. Kung iniisip mong pinaasa mo ako, hindi. Una sa lahat, hindi mo nga yata alam na nanliligaw ako despite na sinabi ko na siya sa iyo. Pangalawa, kagustuhan kong ligawan ka na hindi tinatanong kung may laman na ang puso mo. 'Di ba sabi ko nga papatunayan ko sa iyo 'yung nararamdaman ko at susuko lang ako kapag alam kong kailangan ko nang sumuko,” tinitigan niya ako, “Maikli, pero masaya ako sa panahong magkasama tayo. I hope maulit ulit siya pero sa ibang circumtances na. 'Yung lalabas tayo na wala akong nararamdaman sa iyo kundi ang pagmamahal ko bilang kaibigan na lang.”
“I’m hoping for that,” pilit na ngumiti ako sa kanya. Hindi ko magawang ngumiti nang ngiti talaga dahil masakit din sa akin ang nakikita ko sa kanya. “Ryan, thank you,” nagtatakang tinignan niya ako, “Thank you dahil naiintindihan mo ako kahit hindi mo alam kung ano ang sitwasyon namin. Thank you din dahil sa mga panahon na magkasama tayo, maniwala ka man o hindi, sobrang nag-enjoy talaga ako. You helped me forget my problems during that time. Kung wala ka siguro baka na-depress na ako no’ng mga panahon na 'yun.”
“Masaya ako dahil kahit papaano napasaya kita,” sagot niya.
Tinitigan ko ang mukha niya. “Ryan, si Zeik ba ang gumawa niyan sa iyo?” mahinang tanong ko.
Napahawak siya sa sugat niya sa labi. “Hindi pa ba obvious ang sagot d’yan?” natatawang sagot niya. “Grabe pala 'yun. Akala ko kakainin niya ako nang buhay no’ng pinuntahan niya ako,” napaisip siya, “It’s partly my fault. Kung hindi ko siguro siya ininis pa at nakinig na lang ako sa kanya baka hindi nagkaganito ang mukha ko. Pero ayos lang, mabilis naman na gagaling 'to.”
“I’m really sorry for what he did. Hindi ko naman kasi alam na sasaktan ka niya,” nahihiyang sabi ko. “Igaganti kita pagbalik niya.”
“Nah. Nakaganti rin naman ako sa kanya,” ngumisi siya, “Hindi naman ako papayag na ako lang ang magkakaganito ang mukha,” nginitian niya ako, “Sabihin mo sa 'kin kapag sinaktan ka niya, huh? Igaganti kita bilang kaibigan. Masyado kang mabait para saktan, Xel.”
“I’ll keep that in my mind,” nakangiting sagot ko sa kanya.
***
Malungkot na umuwi si Mommy ilang araw pagkatapos mamatay ni Tito Enrico. Hindi na kinaya ng katawan ni Tito ang ginawang operasyon kaya bumigay ito habang isinasagawa. Si Mommy lang ang umuwi. Wala akong nakitang Zeik.
BINABASA MO ANG
Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)
Teen FictionSabi nila ang pag-ibig bigla na lang dumadating. Dumadating ng wala man lang pasabi. Hindi natin na mamalayan nand'yan na pala. Hindi mo na malayan napaalpas mo na pala. Paano nga ba malalaman kung dumating na nga siya? Makakasalubong mo at sasabih...