Fifth Bump: No

2K 65 13
                                    

Fifth Bump: No

            “Good morning, sweetheart,” bati sa akin ni Mommy pagbaba ko sa dining area. “Ano’ng nangyari sa iyo? You have panda eye, honey,” sabi niya sabay tingin nang malapitan sa mukha ko. “Hindi ka nakatulog kagabi?”

            Kinusot ko nang konti ang mga mata ko. “Hindi po, e,” sagot ko sabay palumbaba.

            Nakaka-badtrip talaga. Akala ko makikita ko na 'yung mukha niya kagabi pero hindi pa rin. Pinag-trip-an lang pala ako. Hindi naman siya tumingin nang tuluyan, bigla na lang siyang tumakbo pabalik sa kuwarto niya. Parang timang lang. Ako naman, parang gaga hindi nakatulog kakaisip kung ano talaga itsura ng kuya ko.

            “Mommy, gising na si Kuya?” mahinang tanong ko.

            “E, bakit ka nakabulong d’yan?” pabulong na balik tanong niya sa akin. Sumimangot lang ako sa kanya. “Naliligo na yata siya,” natatawang sabi niya. “Maaga siyang bumangon kanina, e. Maaga raw klase niya ngayon.”

            “Tinanggal niya na po 'yung face mask niya?” curious na tanong ko.

            “Yep, why?” balik ulit na tanong niya. Tinignan niya ako nang nakakaloko. “Bagay kayong magkapatid, maganda ka at guwapo naman si Ezeikel.”

            “Guwapo talaga siya, Mommy?” paninigurado ko. Nakangiting tumango tango siya sa akin. “Sigurado ka po? As in?”

            “Of course, I’m sure! Tanong mo pa kay Manang,” tinignan niya ako habang nakangiti, “If you’re curious why not take a peek?” suggestion niya sabay turo sa bathroom malapit sa guest room.

            “Mom!” saway ko sa kanya. Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako. “Pervert!”

            Tinawanan niya ako. “What? Curious ka, 'di ba? Nasa bathroom lang ang kuya mo, konti silip lang makikita mo na siya.”

            “Yeah, right,” walang patol na sabi ko. “Hindi po ba sila in good terms ni Tito?”

            “Mayroon lang silang issue na kailangan nilang ayusin,” tinignan niya 'yung relos niya, “Wala ka bang klase?”

            “Wala po,” tinignan ko 'yung cellphone ko, “Isay and Ecka will be here later, mga after lunch po siguro.”

            “Pupunta rin si Art, dahil may check up siya mamaya. Paalala mo na lang sa kanya, okay?” paki-usap niya. Tumango tango lang ako. “I’ll be at the garden lang, paglabas ni Ezeikel sabihin mo sabay na kayong kumain,” sumilip siya sa kabilang side ng kitchen, “Manang, paghanda mo na sila ng breakfast.”

            Pasilip silip lang ako sa bathroom habang naghahanda si Manang nang makakain namin ng kuya ko. Ang tagal niyang maligo, daig niya pa ang babae. Kanina pa ako nandito, pero hanggang ngayon hindi pa siya lumalabas. Hindi kaya bading 'yun? Kasi 'di ba sabi nila ang mga bading daw mas matagal pa talagang mag-ayos sa mga babae?

            “Ano sinisilip silip mo d’yan?”

Muntik na akong mahulog sa inuupuan ko nang marinig ko 'yung boses ni Ezeikel. Tinignan ko siya nang masama. Naka-mask na naman ang bakulaw.

“Hinihintay mo ako?” tanong niya sabay upo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

“Asa, hinihintay ko lang matapos si Manang sa paghahanda ng pagkain, 'no,” sabi ko sabay iwas nang tingin sa kanya.

Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon