Fourteenth Bump: Ah. Okay.

2.1K 52 17
                                    

Author's Note: I dedicate this chapter to my 400th follower! Yey! Thank you for following me! Hope you'll enjoy reading my stories. :))

Last chapter na ang susunod. O-M-G! Sana madeliver ko nang maayos ang naiisip ko. Ha-ha-ha! Ano ba sa tingin niyo sa story na ito? Okay naman ba? Kailangan ko ng honest review, do'n kasi ako magdedepend kung ipapasa ko 'to sa publisher ko o hindi. :))

Fourteenth Bump: Ah. Okay.

          “Daddy, malapit na po ako!” excited na sabi ko kay daddy sa cellphone. Sabi niya ay susunduin niya raw ako pero sobrang excited na akong makita siya kaya paglabas na paglabas ko sa school ay sumakay na kagad ako ng taxi.

            “Nandito na ako sa entrance ng subdivision,” sagot niya. “Makikita mo ako kagad, honey.”

            Excited na tumigin ako sa labas ng bintana ng taxi. After five years nakauwi na rin si Daddy galing sa trabaho niya sa ibang bansa. Parang forever ko na itong hinihintay. Napangiti ako nang makita ko na si Daddy hindi kalayuan. Binuksan ko na 'yung bintana at tinawag na kagad siya.

            “Daddy!” excited na sigaw ko. Tumingin ako kay Manong Driver. “Manong, d’yan na lang po sa gate ng subdivision,” sabi ko.

            “Sige,” sagot niya.

            Dahan dahan nang humihinto 'yung taxi. Bababa na sana ako pero bigla ulit humarurot nang andar ang taxi. Pareho kaming nagulat ni Daddy.

            “Daddy! Daddy!” sigaw ko habang tinitignan sa labas ng bintana si Daddy na hinahabol kami. “Manong, pakihinto na po!” umiiyak na sabi ko. Tinignan ako ni Manong. Sobrang nakakatakot nang tingin niya. “Daddy. Daddy.”

            Iyak ako nang iyak. Kinuha ko ulit 'yung cellphone ko at tinawagan ulit si Daddy.

            “Daddy,” tawag ko kagad sa kanya. “Daddy, natatakot na po ako.”

            “Don’t worry, ililigtas kita ok—“ Biglang hinatak ni Manong driver ang cellphone ko.

            Parang demonyong tumawa 'yung driver. “Mukhang naka-jackpot ako,” nakangising sabi niya habang tinitignan ang cellphone niya. “Hindi ka na makikita ng Daddy mo. Malayo na tayo.”

            “A-ano po ba’ng gusto niyo?” natatakot na tanong ko. Lumipat ako sa kabilang side ng upuan para malayo ako sa kanya.

            Hininto niya 'yung taxi sa isang gilid. Wala akong masyadong makitang tao sa paligid namin.

            “Maglalaro lang naman tayo,” nakangiting sabi niya. Pero 'yung ngiti niya sobrang nakakatakot. Sinubukan kong buksan 'yung pinto na sinasandalan ko. “Hindi 'yan bubukas. Ayaw mo bang makipaglaro sa akin?”

            Umiling ako nang umiling. Umiyak ako nang umiyak dahil sa sobrang takot. Gusto kong sumigaw pero alam kong walang makakarinig sa akin.

            Lumipat ang driver sa tabi ko. Hindi na siya nag abalang buksan ang pinto at bumaba. Dumaan na lang siya sa pagitan ng driver’s seat at passenger seat. Pilit na umaatras ako kahit wala na akong maatrasan. Sinisiksik ko 'yung sarili ko sa pinto na sinasandalan ko.

            “Daddy!” sigaw ko kagad nang makita ko si Daddy sa bintana. “Daddy, help me!”

            Mabilis na hinatak ako ni Manong at hinawakan ako sa leeg. Nahihirapan akong huminga dahil sa sobrang higpit nang hawak niya. Pilit ko pa ring inaaninag si Daddy hanggang nagdilim na ang paligid ko.

Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon