Eleventh Bump: Give Up

1.9K 52 17
                                    

Finally! Nakapag-update na rin! Sorry kung ang sabaw nitong chapter na 'to. I have all the ideas pero syet lang. Hidni ko siya ma-type. Naiiyak na nga ako. Kainis. T^T

Eleventh Bump: Give up

 

            "Okay," huminga ako nang malalim, "Mind to explain this, Mom?" tanong ko kay Mommy.

            "Let's go to your room, they need to talk," aya niya sa akin.

            Iniwanan namin ang mag-ama sa baba at dumiretso sa kuwarto ko.

            "Mommy, why do you need to marry Tito if his dying naman pala?" tanong ko.

            "I love your Tito Enrico, Xel," sagot niya. "And I want to be with him in his dying days."

            Mariing napapikit ako. "Okay, Mommy. You love him, I get it. But why still go for the wedding? Iiwanan niya rin naman pala kayo. Puwede kayong mag-stay sa tabi niyang hanggang sa mamatay siya," sabi ko.

            "Xel," saway niya sa akin. "Watch your word. You will not understand how it feels. Hindi mo pa nararamdaman ang magmahal."

            "Bakit ano po ba 'yung nararamdaman niyo?" seryosong tanong ko.

            "I don't want him to die, if marrying him will allow me to pursue him more to do the surgery then I will do it. Gusto ko siyang makasama nang matagal," mahinang sagot niya.

            Huminga ako nang malalim.

            Hindi ko na alam ang iisipin. If hindi sila magpapakasal wala nang magiging complication sa amin ni Zeik. Hindi na niya kailangang lumayo. Hindi na namin kailangan kalimutan ang isa't isa. Pero, halata kay Mommy na gusto niya talagang matuloy ang kasal.

            "Mahal po ba kayo ni Tito?" tinignan niya ako ng seryoso. "Kasi kung mahal niya din naman po kayo at hindi niya po kayong basta basta ginagamit para sa huling kagustuhan niya, I will let you marry him."

            Marahang tumango lang siya.

            I will give up this feeling.

            Niyakap ako ni Mommy nang makita niyang tumutulo na ang luha ko.

            "I'm sorry, Mommy," sabi ko. "I'm sorry, I can't be that happy for you. But God knows how much I wanted your happiness."

            "Honey, I'm sorry for not telling you the situation. But I really do hope you'll understand," sabi niya at hinalikan ako sa noo. "Take a rest, kamustahin ko muna sila sa baba, hindi sila puwedeng iwanan ng sila lang."

            Tinanguan ko na lang si Mommy.

***

            "We're going to states," bungad sa akin ni Zeik nang magkasalubong kami sa kitchen. Tumango lang ako sa kanya. "He will take the surgery."

            "Okay. Good for Tito," mahinang sagot ko.

            Hindi ako makatingin sa kanya. Baka makalimutan ko na naman 'yung pinag-usapan namin ng sarili ko kagabi. Na kailangan kong kalimutan 'tong nararamdaman ko para sa ikabubuti ng lahat. Mali naman talaga ito sa simula pa lang.

            "Can we go out before we leave?" tanong niya.

            "For what?" umiling-iling ako. "Gusto mo ba talaga ang nahihirapan, Zeik? I can't go out. Mag-e-enroll ako mamaya," tinignan ko siya, "And as much as possible, gusto kitang iwasan. Gusto kitang kalimutan."

Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon