Eighth Bump: Moving Out.
Pagbaba ko sa dining area nakita kong sinesermonan ni Mommy si Zeik. Kinabahan ako. Hindi kaya sinabi niya 'yung nangyari kagabi? Mabagal akong naglakad papalapit sa kanila. Wala nang nagsasalita pero kita para rin sa mukha ni Mommy ang galit.
“Mommy, ano po’ng nangyari dito?” tanong ko.
Tumingin siya sa akin nang masama. “Sit down,” utos niya.
Lalo akong kinabahan. Umupo ako sa tabi ni Zeik. Tinignan ko siya. Seryoso lang ang mukha niya. Ano ba 'to? Hindi naman siguro siya hibang para sabihin 'yung nangyari kagabi, 'di ba?
“Tita, it’s my fault. Wala pong kasalanan si Xel,” sabi ni Zeik.
“Mommy, ano po ba 'yung nangyari?” nagtatakang tanong ko at the same time kinakabahan.
“May nakakita sa inyo kagabi na nag-uusap sa bar sa garden kagabi,” seryosong tinignan niya kami pareho. Napalunok ako ng ilang sunod. May nakakita sa amin? Kaya ba nagagalit si Mommy kasi may nagsumbong? “Then, paggising ko kaninang umaga para tulungang mag linis si Manang lahat ng beverage do’n ay basag. Nag-away ba kayong dalawa?”
Bigla akong nakahinga nang maluwag. Whew. Buti na lang wala naman pa lang nakakita sa amin.
“Hindi nga po, Tita. Lasing lang po ako kagabi pagdating ko, medyo badtrip pa po ako dahil sa gig namin. Hindi po kami nag-away ni Xel. Nag-usap lang po talaga kami. No’ng iniwanan niya ako tinuloy ko po ang pag-inom, then I started to break all the glasses that I saw,” yumuko siya, “I’m really sorry po.”
Tinignan ako ni Mommy. “W-wala po akong ginawa,” nauutal kong sagot. “Nag-usap lang po talaga kami kagabi,” medyo defensive na pagkakasagot ko.
Huminga nang malalim si Mommy. “Alright,” tumingin siya kay Zeik, “You help them sa paglilinis since, ikaw naman ang may kasalanan,” utos niya rito.
“I’ll help you,” sabi ko sa kanya.
“No, I can handle it,” sagot niya sa akin.
Naramdaman kong nakatingin sa amin si Mommy kaya tumingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya. Alanganing ngumiti ako sa kanya.
“I’m glad you two are getting along,” sabi niya.
“Mabait naman po pala kasi si Kuya, e. Nakakatuwa po siyang kausap,” sagot ko at saka alanganing ngumiti.
P-in-at ni Zeik 'yung ulo ko. “Oo nga, Tita. Nakakatuwa ring kausap 'tong baby sis ko,” sabi ni Zeik at nakangiting tumingin sa akin. Pilit na nginitian ko na lang din siya.
***
Nakaupo lang ako sa isang bench sa garden habang pinapanood maglinis si Zeik ng mga basak na boteng kinalat niya kagabi.
“Gan’yan ka ba tumulong?” kunot noong tanong niya sa akin.
“Bakit mo ba kasi pinagbabasag 'yan kagabi?” kunot noong tanong ko rin sa kanya.
“Galit kasi ako sa mundo, puwede na bang rason 'yun?” inis na sagot niya.
Umirap ako sa kanya at inayos ang upo ko. “Ang dami mo kasing issues sa buhay, bakit hindi mo na lang ayusin kaysa magbasag ka, 'di ba?” suggestion ko sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/15183368-288-k177966.jpg)
BINABASA MO ANG
Bumping Hearts (Published by LIB/Pastrybug)
Ficção AdolescenteSabi nila ang pag-ibig bigla na lang dumadating. Dumadating ng wala man lang pasabi. Hindi natin na mamalayan nand'yan na pala. Hindi mo na malayan napaalpas mo na pala. Paano nga ba malalaman kung dumating na nga siya? Makakasalubong mo at sasabih...