#RtBAno?
--------Nag-unat ako.
Ilang araw na kaming magkasama ni Vinz pati sila Ken at Jetro kasama ang pinsan kong lokaret.
Ang sakit ng likod ah! Dahil ata sa practice kahapon.
Buti nalang pinalitan na ako ni Couch Daniel. Malaki na rin ang pinagbago ng team namin kaso nga lang ang mas worst dun! Si Holly ang tigas ng ulo lage nalang kaming nagbabangayan. Tapos nanjan agad ang knight and shinning armor niya saving his damsel in distress pssh
Si Nate sino paba!
"hoi!"
Halos napatalon ako sa gulat.
Naputol ang imahinasyon ko dahil sa kanya. Panira ng moment eh! Kay holly na part na sana kaso umambyernang bakla.
"ano ba carla bakit kaba nangugulat baka matigok ako nito ng maaga e!" reklamo ko.
"halerrr! Ang O.A mo ah! Nahawa kana ata kay Ken eh! Choos mo ateng! Kanina kapa kasi tulaley jan eh!" sagot niya.
Pweding may iniisip lang ako!
"umalis ka na nga maliligo pa ako...masyado kang excited eh oh! Ayos na ayos kana almost 6am pa my god!"
Pambihirang bakla talaga to! Ang aga niya 8 pa class namin.
"ayaw kong ma late! Wag mo kong ipahiya sa mga boylets ko no! Charr!" nabading na talaga ang gaga.
Hayss..
Nag-aala mariposa ang gaga kapag nandito sa condo. Minsan kinukutusan ko kasi ang ingay ingay.. Minsan kumakanta halos mabasag eardrum ko sa ganda ng boses niya. Haha joke lang oo maganda talaga boses niya kung hindi lang siya bakla baka pinagkakaguluhan na siya ng mga babae.
Ilang beses ko na pala iyong nasabi?
"oh ano! Tapos kana sa ritual mo jan! Titigan mo lang yong pinto ng CR ano? Baka gapangin mo yon-"
"Ano ako baliw! Sino namang gagapangin ko jan Multo?!"
Bigla naman siyang humalakhak.
Baliw talaga.
"malay mo si Von Chavez! Nyay! Nako ateng ang gwapo niya ang sarap niyang halikan pababa ng pababa parang spaghetti mahaba!"
Napasapo ako sa sentido.
"Manyakis ka! Tigil tigilan mo yan baka pinagpapantasyahan mo yon.. Kawawa ang kaluluwa niya ni rape ng bakla" pang-asar ko sa kanya habang natatawa.
"magtigil ka ha hindi ako ra-"
"whatever! Rapist!" sigaw ko at pumasok na Cr.
Humagalpak ako ng tawa kasi kung makasigaw siya parang may kaaway eh. Sarap niyang asarin araw-araw.
Napabuntong hininga ako.
Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko.
"haysss..bakit kaya ganoon nararamdaman ko tuwing nakikita ko silang dalawang magkasama" bulong ko.
Lage nalang silang magkasama tapos ang saya pa nila. Pilit ko namang binalewala ang lahat pero may part parin na nakaramdam ako ng kirot.
Dahil ata nasanay ako ang unang pinapansin ni Calvin dati?
Pero ngayon..
Hindi na katulad ng dati..
Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit dito. At lumabas ng banyo.

BINABASA MO ANG
Reason To Believe (Book 2)
Teen Fiction#whattobelieve Isang simpleng babae na nasaktan, ginawang tanga at Pinaasa! Olivia Hachiree Dela Fuerte ang babaeng naging bato dahil sa nakaraan. Ang babaeng hindi na naniniwala ulit sa salitang pagmamahal. Ang babaeng gustong magsaya lang kasama a...