RtB-Thirty

397 11 4
                                    

#RtBPagpatawad
--------

Ilang araw na ding lumipas matapos umamin sa akin si Rowan. Ang sarap sa pakiramdam na may taong kayang pagtiisan ang ugali ko, sino bang lalaking matatagalan ang katarayan ko tapos lage ko nalang siyang binalewala pero nanjan parin siya sa tabi.






Di ko mapagilang di mapangiti habang iniisip ang mga panahong inaasar niya ako at kinukulit. Believe din ako sa lalaking yun eh hindi talaga alam kung ano ang salitang pagsuko.







Palagi niya akong hinahatid-sundo sa condo, may oras na inaasar kami ni Carla na dahilan kung bakit muntik ko na siyang suntukin dahil sa inis ko. Ang Rowan naman gustong-gusto..sila lang naman yung magkakontsaba sa lahat ng bagay. Laging nalilibre ang bruha di dinapuan ng hiya ang bakla.







Ang speaking of Carla, inutusan niya akong kunin ang libro niya about Orchestra na nasa locker niya. Bwisit nagsisi tuloy ako kung bakit nagpunta pa ako sa music room.



Pagkadating ko sa locker room hinanap ko agad ang locker number niya. Sa dinami-dami ba namang locker dito malulula ang mata ko sa kakahanap. Dahil mabait ang gumawa sa locker na nandito madali lang itong hanapin dahil one-thousands ang numbering.




Paikot-ikot ako sa locker room, kaunti lang ang nandito dahil uwian na. Kulang nalang kumanta ako ng ikot-ikot by Sarah G. Buseettt! Saan naba yun?!  Letche ang layo pala ng locker niya mas malapit pa yung akin tss.





Binuksan ko ang locker niya at nakita ko ang mga librong nandito. Kinuha ko yung libron sinasabi niya medyo malaki pala yun. Malay ko din ah kasi libro niya to akala ko nga parang ordinaryong libro lang ang laki pero parang pang Greek Mythology ang laki at kakapal. Letche!




Sabi nga expect the unexpected.. Like Rowan bigla bigla nalang siyang dumating sa buhay ko na hindi ko namamalayan.



Bakit nasali si Rowan sa usapan eh libro ang pinunta mo dito. Hanggang dito ba naman Olivia,  Rowan ng Rowan ang utak mo! Oyyyyyy! Inlove kana no?





Tang-iney -___-! Ang lakas din ng trip mo brain ha! Nasa vocabulary mo na pala ang salitang yan?!  Wow! Ako inlove? Hoy! HINDI!





Letche! Hindi nga ba? Ayss!  EWAN!




Sinarado ko ang locker ni Carla. May nagbukas sa katabing locker nabigla ako dahil si...






"Hello Olivia" bati ni Holly.




Tinaasan ko siya ng kilay at tinalikuran siya. Wala akong oras makipag-usap sa isang makapal ang mukha at manloloko.




"wait Olivia please talk to me?"


May kapangyarihan ba ang babaeng to! Parang isang iglap lang nasa harapan ko na siya. At ano daw?  'PLEASE'? Huminto ako sa paglalakad.


"what?!"



Napabuntong hininga siya, ramdam kong may kakaiba sa kanya na hindi ko mawari kung ano iyon.




"I just want to say sorry about Vinz.. alam kong galit ka sa akin, Oo aaminin ko na sinaktan ko siya dahil sa mga pinagagawa ko.. Totoong hindi ko siya gusto noong una lang ata" she pause.




Halos bumaon ang kuko ko sa aking palad. Galit ako sa kanya dahil minahal ko si Vinz noon kaso mahal siya ni Vinz pero anong ginawa niya? Sinaktan lang din naman niya. Sabi ni Vinz na baka karma niya si Holly pero para sa akin hindi naman tamang ganito kahit nasaktan ako noon may pakialam din ako sa nararamdman ng iba.



"Hindi ko alam kung bakit biglang nawala yun Olivia hindi ko alam" malungkot ang mga mata niya, ramdam ko rin na parang nagsisi siya.




"nakausap ko na siya at tanggap niya daw, patawad Olivia gusto ko talagang kausapin ka dahil ayukong habang buhay dadalhin ang guilt na nararamdaman ko, tinamaan ako sa mga sinabi mo..kung sa paningin mo nagloko ako ang totoo yun din ang nakikita ko dahil kasalanan kong bakit pinatagal ko pa naghahanap lang sana ako ng tyempo, pero simula ng lumabas yung picture na may kahalikang iba si Vinz doon ko na napagdesisyunan na ewan ko siya dahil hindi ko rin kayang tumagal pa lalo"




Parang nagpapasalamat siya sa nagkalat ng picture dahil yun ang tamang oras na hindi na niya babalikan si Vinz? So ganon natulungan ko siya pero nasaktan ko Vinz. Tang-inang buhay to unfair naman masyado.



"Olivia sorry din sa mga nagawa ko sayo alam kong nasaktan ka...sana mapatawad mo ko pleaseeee" pagmamakaawa niya,  puno ng sincerity ang boses niya.



Ano pa nga bang magagawa ko?  Tao lang din ako nagkakamali bakit hindi ko pa siyang patawarin. Kung ako ang nasa sitwasyon niya mukhang mahihirapan din ako.





"Please" sambit niya habang nakayuko.



Nagulat nalang ako ng humarap siya sa akon bigla at umiiyak. Nanginginig ang mga labi niya tapos panay punas sa mga luhang umaagos sa mukha niya.




Nakaramdam ako ng awa sa kanya, sinubukan niya naman ata pero sadyang madali lang siyang sumuko. Duwag siya dahil hindi niya naamin agad ang totoo kay Vinz pero dahil ata sa takot din siyang masakit, pero too late nasaktan niya na si Vinz.


Niyakap ko siya bigla nalang siyang humagulhol ng iyak.




"it's okay holly wag ka ng umiyak dahil naiinis ako sa mga babaeng umiiyak" hinagod-hagod ko ang likod niya.



"Thank you Olivia, hindi ko makakalimutan ang araw nato" bulong niya na may kasamang hikbi. Niyakap niya ako ng mahigpit..may gumuhit sa aking labi..Ngiti.



Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ang mga luha niya. Bakit ang lungkot ng mga mata niya.



"Holly okay na wag ka na ngang umiyak jan sasapakin kita di ka mahina para umiyak! Fix yourself bes ang panget mo na" naghalf smile ako.



Tumawa naman siya at inayos ang sarili.



"Salamat talaga Olivia sa lahat-lahat ngayon napanatag na ang loob ko konti"


Kumunot ang noo ko anong konti? Bakit may iba pa ba siyang problema?


"May gusto akong sabihin sayo Olivia importante sa sasakyan tayo mag-usap wag dito" ani ni Holly na seryosong-seryoso.




"Ok ihatid ko muna itong libro ni Carla mauna kana doon sa parking lot, susunod ako"



Nagpaalam siya sa akin. Pero palaisipan pa rin sa akin kung ano ang sasabihin niya.




























Kinakabahan ako.
-------
Don't Forget to Vote!

Love lots Readers d=(´▽`)=b

Reason To Believe (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon