RtB-Forty Nine

393 11 0
                                    

#RtBPresence
---------

Maraming dumating na kamag-anak namin sa bahay. Sabi ko simpleng salo-salo lang pero para atang hindi simple to parang nagpaparty si Mama ngayon. Nandito sila Vinz kasama si Kyla, si Carla at Mom niya hindi daw makakapunta si Tito ngayon dahil nasa Canada pa daw busy sa business. Nandito rin si Holly, sina Jetro at Ken pati yung kambal.

Nasa iisang mesa silang lahat except Carla and Tita Eli. Panay kain lang yung kambal doon at parang pinapagalitan ni Holly yung dalawa.

Sa kabilang mesa din nandoon sila Selena kasama ang pinsan kong si Cy. Ewan ko lang talaga kung paano sila magkasundo ng oras na malaman ni Selena ang totoo. Hayss. Sila na bahala doon.

Panay ngiti at pasalamat naman ako sa mga bumati sa akin lalo na sa mga bisita ni Dad at ni Mom. Nandito rin sila Tita Marga na pinsan ni dad kasama ang cute niyang anak ma si Chloe.

Masaya naman ang salo-salo kaso iisa lang naman ang hinihintay ko sa gabing ito. Hindi pa lasi siya dumarating,  kanina ko pa siya inaabangan dito malapit sa pinto wala parin siya.

"Hoi!" halos napatalon ako sa gulat.

"Ano?!" inis kong tugon.

"Darating yun baka na traffic lang" bulong ni Carla. Napabuntong hininga ako at nagtungo sa bakanteng upuan malapit sa pintuan. Sumunod naman si Carla.

"te te te Oli te te!" may humila sa damit ko. Napangiti nalang ako kung sino yun.

"Baby Chloe bakit nagustuhan mo ba ang choco cake?" tanong ko ang dungis niyang tingnan. May cake pa sa bibig niya.

"Te Te Te Oli mama towd me na biwthdey mo! Pi biwthday" bati niya kahit na bulol pa siya magsalita.

"hahaha thank you baby" kinurot ko pisngi niya at hinalikan sa cheeks.

"Te Te Te Oli Love bwoo" niyakap niya ako.

Ngumiti ako " I love you to baby girl"

"I love you so much My Queen"

Natigilan ako at dahan-dahang inangat ang tingin ko.

It's Rowan!

Nagulat lang ako ng may dala siyang Human Size teady bear at kulay Green ito. Hindi ko mapigipang di mapayakap sa kanya.

"Akala ko di kana dadating" bulong ko.

"Sorry I'm bit late my queen may inisikaso lang" bulong niya.

Humiwalay ako sa pagkakayakap.

"Here's my Gift Tita Mikaela told me that you like this one. Kaya ako natagalan kasi wala masyadong kulay Green at flowers for you" inabot niya sa akin ang bulaklak.

Napayakap din ako sa Human size teady bear. Ang saya-saya ko ngayong araw! Akala ko talaga di siya dadating eh. Nagiging emosyonal tuloy ako. Kakahiya.

"aking reyna wag ka ng umiyak nandito na ang iyong hari" he chuckled.

"Baliw!" pinunasan ko ang aking luha. Tears of joy po ito!

"Iho nandito kana pala kanina kapa namin hinihintay" masiglang sabi ni mama.

Eh.. Nakakahiya naman. Nasa aamin pala ang atensyon nilang lahat.

"Sorry Tita may inisikaso lang" humalik siya sa cheeks ni mama bilang pagbati at nakipagkamay kay dad.

"Ayan anak wag ka ng mag madre nandito na pala knight and shinning armor mo!" ani ni papa at natatawa pa.

"Pa naman nakakahiya kay Rowan!" bulong ko sa kanya.

"Iho halika dito tayo umupo salamat sa pagpunta ha kanina pa nakaabang ang anak namin sayo di pa nga yan kumakain!" ani ni mama sabay tawa.

Reason To Believe (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon