#RtBPagpayag
---------Ilang araw ding lumipas matapos kong umalis sa Team. Mas mabuti na yung di ko makita si Holly kasi kapag nakikita ko siya umiinit dugo ko dahil sa ginawa niya kay Vinz.
Ito naman kasing si Vinz hinahayaan lang ang sariling masaktan.
Ngayong alam niya na ang totoo mas maganda ng madali lang siyang makapag move on. Di naman dapat habang buhay tayong masaktan may karapan din tayong maging masaya pero dapat sa susunod mag-ingat na para di na maloko pa.
"Ateng di kaba babalik sa Team? Di mo ba namimiss sila Vinz doon?" tanong ni Carla na katabi kong naupo dito sa Bleacher A ng stadium.
Sumama ako kay Carla sa practice kuno niya nakilala ko na rin yong ibang kasamahan niya at si Von? Ayun okay naman kami..friends na kami no hard feelings no baka akalain niyang ang bitter ko.
"ayaw ko ng bumalik doon kapag nandoon pa si Holly umiinit lang dugo ko at baka ma hospital pa yun ng wala sa oras ayuko!"
Narinig kong napabuntong hininga si Carla.
Wala naman siyang magagawa kung anong desisyon ko kasi kung ayaw ko, ayaw ko talaga pwera nalang kung aalis si Holly siguradong babalik talaga ako.
Siya lang ang panira ng buhay ko.
Nabalitaan ko rin tungkol sa bestfriends niya na lumipat sa ibang bansa. Kaya wala na sila dito si Holiparot nalang yung natira. Sana sumunod nalang siya para masaya na.
Akala ko ba Olivia di ka bitter eh bakit parang ang..
Hays...
Basta tungkol kay Holly! Bitter ako!
Shut up konsensya ha wag ka ng sumabat jan.
"alam mo ateng kawawa naman si Couch dun kong walang tutulong napapansin ko kay Couch na pumayat siya dahil ata stress na stress siya"
Napalingon naman ako ni Carla habang panay tingin sa Script niya for presentation.
"wag mo nga akong ekonsensya nandoon naman si Nate kayang kaya na nila yun"
Totoo naman anong silbi ni Nate at Holly.
Sa bagay puro landian lang naman silang dalawa.
Letche sarap tusukin sa mata yang si Holly at ibitay patiwarik si Nate.
Tanga tanga ang peg!
Bwisit.
"Carlo practice na tayo hello Olivia" sabi ni Derek.
"hello Derek sige na carla galingan mo ah manonood ako"
"tara babyloves doon tayo si baba ipakilala kita kay Ma'am Reina ang nag-iisang reyna dito pangalawa na ako ayukong makipagtalo sa kanya no baka dagdagan na naman parusa ko" usal ni Carla talos sumimangot.
"sige tara na derek" tumayo ako at nagsimulang maglakad ramdam kong sumunod si Derek.
"so ganon? Iiwan niyo ko? Ako na nga nag alok sayong sumama ka ateng ikaw patong may ganang mang-iwan mahilig ka talagang mang-"
"waaaaaaaaah!"
Ayun binato ko ng plastic bottle.
BINABASA MO ANG
Reason To Believe (Book 2)
Ficção Adolescente#whattobelieve Isang simpleng babae na nasaktan, ginawang tanga at Pinaasa! Olivia Hachiree Dela Fuerte ang babaeng naging bato dahil sa nakaraan. Ang babaeng hindi na naniniwala ulit sa salitang pagmamahal. Ang babaeng gustong magsaya lang kasama a...