#RtbSaya
--------Nagdadahilan ako lage kay Carla na may pupuntahan dahil may inutos si Mom sa akin pero ang totoo wala talaga. Hindi ko pa din nasasabi sa kanyang bati na kami no Holly. Whole day ko ngayong mababantayan si Nate dahil weekend.
Hindi ako nagdala ng sasakyan, pinili kong magtaxi. Agad kong pumara ng taxi at agarang pumasok sa loob. Sinabi ko kay Kuya driver kung saan.
Nakarating ako sa tapad ng silid niya at agad na pumasok sa loon. Nagulat nalang ako dahil suka siya ng suka.
"Ikaw pala Olivia ikaw muna dito tatawagin ko muna ang doctor" parang wala akong narinig sa sinabi ni Holly na nagmamadaling lumabas sa silid.
Nanginginig ang mga kamay ko habang palapit sa kanya. Inalalayan ko siya na parang wala sa sarili. Kinakabahan ako sa lagay ni Nate.
"Ayuko na pagod na pagod na ako" bulong niya.
Kinuha ko ang towel na nasa side table niya at pinunasan ang bibig niya. Putlang putla na siya. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil ako hindi ko rin alam ang gagawin.
"Hindi pa huli mag papa opera kapa calvin please" bulong ko.
"Takot ako baka hindi na ako magising" hindi siya gumagalaw habang niyayakap ko siya.
Narinig ko ang paghikbi niya.
Humiwalay ako ng biglang pumasok ang doctor niya. Lumayo ako konti sa kanya habang siya nakatulala lang. Pinunasan niya ang mga luhang bumabaybay sa mukha niya.
"Sino sa inyo ang relative ni Mr. Russell?" tanong ng Doctor.
"Ako po bakit po doc?" sagot ni Holly sinulyapan ko si Holly na parang kinakabahan.
"Miss tatapatin na kita He needs to undergo an operation in U. S as soon as possible. His Polyps is growing nakakailang treatment na kami sa kanya pero wala pa rin I'll wait for your decision I've already told his mom last night"
Halos tumigil ang mundo ko sa aking narinig. Tumingin ako kay Nate na nakatulala na nakatingin kay Doc.
Lumapit ang doctor sa kanya at may itunurok sa kanang braso niya.
"Doc kung magpapa opera ako sa tingin niyo po magiging successful po yun?"
Napatingin kami ni Holly sa kanya. So papayag siyang magpapa opera? Parang nabuhayan ako ng loob dahil sa tanong niya.
"Yes I believe Mr. Russell na kakayanin mo ang operasyon let go of your fear Mr. Russell this is the only way to cure your illness" nakangiting tugon ng doctor.
"talaga doc? May tyansa pa akong mabuhay?" tugon ni nate.
Nagkatinginan kami ni Holly.
Nasiyahan ako na makita siyang nabubuhayan ng loob ngayon.
Nagpaalam ang doctor pero isinama niya si Holly sa labas ng Silid. May pag-uusapan ta silang dalawa.
"Oh diba sayo ko sayo eh magtiwala ka lang!" pabiro kong sabi kay Nate.
"Ang saya ko princess akala ko mamatay na ako nito pero naniniwala ako na malalampasan ko to" masaya niyang tugon.
Nangangayayat na si Nate. Hindi na katulad dati na malusog ang katawan niya. Pero ngayon malaki ata ang ibinababa ng timbang niya.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi ng kama niya. Humega naman siya at tumingin sa akin.
"Salamat Princess dahil nandito ka sa tabi ko.. Pangakong kakayanin ko ang operasyon dahil alam kong naniniwala kayo sa akin" he said with his soft voice.
Ginulo ko ang kanyang buhok at tumawa.
"Emote ka masyado eh! Tingnan mo oh nangangayayat kana hindi kana gwapo niyan!"
"Gwapo parin ako no! Kunwari kapang hindi patay na patay ka nga sa akin!"
"Hoy! Ang kapal ng apog mong sabihin niyan sa akin ka nga patay na patay eh sus aminin!" sinundot ko ang tagiliran niya.
Hinuli niya ang kamay ko.
Napatitig ako sa kanya.
"Princess bakit ba ang ganda mo yan tuloy nahulog ako!" bigla siyang humagalpak ng tawa.
Bwisit!
Binawi ko ang kamay na hawak niya at tumayo sa harapan niya na nakapamaywang.
"Hoy mister para sabihin ko sayo na matagal na akong maganda at salamat ha hindi ka sinungaling" sinapuk ko siya sa braso pero mahina lang.
"yan ang nagustuhan ko sayo eh yung totoong tawa mo!" naghalf smile siya at nag pogi points.
Bumalik ako sa upuan at napailing.
"Baliw ka! Hindi ka gwapo wag kang assuming" nakasimangot akong nakatingin sa kanya.
Kinurot niya ang aking pisngi at ngumiti.
"Salamat pinatawa mo ko princess"
"sus emote ulit eh hindi bagay wala yun no! Maliit na bagay" tugon ko.
"Kumusta naman kayo ni Rowan?"
Natigilan ako sa tanong niya. Anong kami ni Rowan. Kumusta nga ba kami? Hindi na kami masyadong nag-uusap ng matagal. Kahit sa txt nga hindi ko siya magawang replayan, minsan nagsisinungaling ako sa kanya na busy ako pero hindi naman.
Guilty na guilty na ako.
Ngumiti naman si Nate sa akin na ikinagulo ng isipan ko.
Biglang nagbukas ang pinto kaya napatingin agad ako.
Nagkatinginan kami ni Holly saglit na animo'y may kahulugan ang mga tingin niya.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo dito ah!" ani ni Holly.
"wag kang panira pinsan moment namin to ni Princess!" paarteng sagot ni Nate at kumindat pa sa akin.
Napasapo ako sa aking noo.
"Ang sama mo calvin baka gusto ni Holly na lambingin mo siya" natatawa kong tugon.
Humagalpak naman ng tawa si Nate habang ang hintuturo nakaturo kay Holly na ngayon ay nakasimangot.
"Kulang yan ng pagmamahal, at dahil pinsan ko siya.. Mahal ko siya kaya ngiti na jan pinsan"
Napailing nalang ako dahil sa kakulitan ni Nate. Nagbalik na ulit ang dating Nate na nakilala ko dati. Nag-uumapaw ang saya sa puso ko habang nakikita ko siyang masaya.
and about Rowan?
I realized something about it.
---------
Don't Forget to Vote!Guys sorry for some grammatical error and misspelled words.one chapter is missing..don't worry E update ko ulit lahat ito agad. PASENSYA NA.
BINABASA MO ANG
Reason To Believe (Book 2)
Novela Juvenil#whattobelieve Isang simpleng babae na nasaktan, ginawang tanga at Pinaasa! Olivia Hachiree Dela Fuerte ang babaeng naging bato dahil sa nakaraan. Ang babaeng hindi na naniniwala ulit sa salitang pagmamahal. Ang babaeng gustong magsaya lang kasama a...