#RtBNag-iba
----------Nagtataka ako kung bakit mugto ang mata ng pinsan ko. Tinanong ko siya pero ang sabi niya nanood daw siya ng movie kagabi sa phone niya at hindi niya kinaya ang pinanood niya kay ayun daw si siya makamove on puro iyak daw ginawa niya.
Ewan ko ba baka nababaliw na ata siya. Ngayon naman katabi ko siya kanina pa ako dada ng dada hindi naman siya nakikinig, nakatungaga lang. Problema ng isang to.
"Hoy! Kanina kapa lutang!" sinundot ko siya sa tagiliran.
"Hays..akala ko masaya na pero masakit pa pala" sagot niya.
Anong pinagsasabi niya? Akala ko naka move on na siya kay Vinz. Ang bruha parang baliw nakatanga dito katabi ko.
"Hoy! Move on move on pag may time ewan ko sayo ateng! Akala ko na wala kanang feelings k-"
"wala naman talaga"
Bastos ng bruha hindi ako pinatapos. Eh di siya na ang naka move on.
"anong sinasabi mong masaya na sana kaso masakit pa pala ha!" tinaasan ko siya ng kilay kahit hindi naman talaga ako marunong kung paano.
"ha sinabi ko ba yun?"
Napasapo ako sa aking noo at napailing. Ewan ko lang ha kung sinapian na naman ng masaman espirito itong pinsan ko kasi mukhang nag ka amnesia ang gaga.
"Ay oo nga pala kumusta kayo ni Papa Rowan? Getting to know each other na or kayo na? Oyyyyy!" tumawa ako at panay sundot sa tagiliran niya.
Pero nagulat akong wala siyang reaksyon sa sinabi ko tapos biglang sumeryoso ang mukha. Hindi niya ba gusto si Papa Rowan? Bagay pa naman silang dalawa.
"Ok lang kami friends" sagot niya na walang ka emo-emosyon ang mukha.
"Ayaw mo ba sa kanya babyloves? Kasi kung ako nasa lugar mo baka na inlove na ako" kinilig pa ako ng sinabi ko sa kanya yun.
Pero wala parin siyang reaksyon nakatitig lang siya sa desk niya. Ano bang problema ng isang to akala ko okay na siya, na okay nang may makapasok sa puso niya pero bakit ganito na naman siya.
Nabuntong hininga siya at tiningnan niya ako.
"tara sa cafeteria gutom na ako" tumayo agad siya at iniwan ako doon.
Kumunot ang noo ko habang tinatanaw siyang palabas sa room. Anong nangyayari? Parang kahapon lang ok siya bakit parang ngayon nag-iba na. Parang wala siya sa mood makipag-usap.
Nag order kaming dalawa na walang imikan. Ang tahimik niya ngayong araw parang may iniisip siya o problema. Bakit hindi man niya sinabi sa akin kung meron man. Pero ano naman yun? Okay naman sila Tita Eli wala naman siyang problema sa pamilya niya. Ang weird niya ngayon.
Sumunod lang ako sa kanya kung saan siya uupo. Umupo ako sa tapat niya habang seryosong nakatingin sa kanya. Sinulyapan niya lang ako at nagsimulang kumain.
"Babyloves may problema kaba pwedi mo namang sabihin sa akin"
Umiling lang siya.
Napabuga ako ng hangin at piniling manahimik nalang. Tahimik kaming kumakain sa cafeteria. Panay sulyap at buntong hininga lang ang nagawa ko.
Pagkatapos naming kumain tahimik lang din siyang tumayo at tiningnan ako. Sumunod naman ako sa kanya habang nakatingin sa likod niya. Ayukong makitang ganito ang pinsan ko. Ang lungkot-lungkot ng mga mata niya kanina. Alam kong may problema siya pero hindi ko naman alam yun. Gusto ko sanang pilitan siya pero baka magalit lang siya sa akin.
Bigla siyang huminto kaya napahinto din ako. Nakatingin siya sa harapan at nagulat nalang ako nandoon si Rowan nakangiti sa amin.
Agad na lumapit sa amin si Rowan.
"Hi Carla" bati niya sa akin.
"Oy papa rowan saan ang punta niyo?"
Bumaling na tingin si Rowan sa pinsan ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong ang lamig ng pakikitungo ni Olivia sa akin.
"Hello Aking Reyna ako maghahatid sayo mamayang uwian ah" usal ni Rowan habang nakangiti.
Hindi umimik si Olivia bigla siyang naglakad bigla. Nagulat nalang ako at napatingin kay Rowan na parang di makagalaw sa kinatatayuan niya.
"Papa Rowan pasensyahan mo na ang pinsan ko baka bad mood lang yun" tinapik ko ang balikat ni Rowan.
Nilingon niya si Olivia na papalayo sa gawi namin at ngumiti sa akin.
"Ok lang Carla, I'll buy cookies and cream and French Fries later para bumalik ulit siya sa dati"
Napangiti ako dahil sa sinabi ni Rowan. Halos alam na niya ang mga gusto ng pinsan ko pero si Olivia alam niya na kaya kung ano rin ang mga gusto ni Rowan. Ang swerte ng pinsan kong si Rowan ang magiging boyfriend niya. Aaminin ko..
He's perfect for Olivia.
BINABASA MO ANG
Reason To Believe (Book 2)
Teen Fiction#whattobelieve Isang simpleng babae na nasaktan, ginawang tanga at Pinaasa! Olivia Hachiree Dela Fuerte ang babaeng naging bato dahil sa nakaraan. Ang babaeng hindi na naniniwala ulit sa salitang pagmamahal. Ang babaeng gustong magsaya lang kasama a...