RtB-Forty One

289 9 0
                                    

#RtBencounter
----------

Nakakailang buntong hininga ako kanina pa. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko ngayon lalo na ako nalang mag-isa dito sa ground. Yung ibang studyante, abala sa kani-kanilang mga gawain tapos ang iba umuwi na.

Sumalampak ako sa mesa at napabuntong hininga.

Ang totoo hindi ko alam kung saan sisimulan. Di ko rin alam kung paano komprontahin si Rowan tungkol sa nararamdaman ko sa kanya.

Nakita ko sa di kalayuan ang babaeng kasama ni Rowan nung isang araw. May kasama siyang dalawang babae na parang close friends niya o baka bestfriends? I don't know. I don't care anyways.

Dumaan sila sa mismong harapan ko. Hindi ko pinansin basta ibinalig ko sa ibang nandito ang paningin ko.

"Ahm excuse me miss?"

Tiningnan ko ang babaeng nagsalita.

"huh?" tipid kong sagot.

"You are Olivia right?" tanong ng babae sa akin.

Tumango lang ako bilang tugon.

"I'm Lalaine Lopez" pakilala niya. Inabot niya ang kanang kamay niya sa akin.

Kinamayan ko siya. Naguguluhan parin ako kung bakit alam niya ang pangalan ko at bakit siya nagpapakilala sa akin? Di niya ba naitanong na hindi ako interesado sa kanya!?

"By the way Olivia I gotta go! Its nice to meet you" ani ni Lalaine. Nahuli ko siyang ngumiti na parang may binabalak pero binalewala ko lang yun.

Pupuntahan ko nalang si Carla doon sa stadium I'm sure mag eenjoy ako doon. Oo tama tama doon ako pupunta.


Sana makita ko sa Rowan ngayon para naman mabawasan na yung bigat sa dibdib ko. Ayuko ng ganito,  yung tipong itatago mo lang?  tapos patuloy kang nasasaktan? Mas mabuti na yung ilabas yung nararamdaman mo diba?. Hays. Ewan ko sana makita ko na siya.

Dumaan muna ako sa sa CR saglit para tingnan ang sarili ko. Pagpasok ko wala namang nandoon. Okay parin naman ang mukha ko di halatang umiyak ako. Hays. Nababaliw na talaga ako. Iniyakan ko si Rowan dahil nakita ko siyang may kasamang iba? Bakit hindi ko kaya siya tanungin? Hanggang ngayon wala parin akong txt na natatanggap.

Lumabas ako at nagpatuloy pero nakakailang hakbang palang ako nakita ko si Rowan nakasandal sa pader at ang kanang kamay nasa bulsa. Ang gwapo niya talaga kahit naka varsity jersey siya. Hindi parin nagbabago ang kisig ng katawan niya pero parang meron siyang hinihintay nakatalikod kasi siya. Alam ko na agad na siya kasi may Henderson sa likod niya tapos pati tindig niya alam ko.


Kung lalampasan ko nalang kaya siya? Hays. Hindi ko alam ngayon. Para akong kinakabahan na natatae na ewan! Argh! Kailangan ko ng sabihin sa kanya para matapos na. Nakakapagod na kayang dalhin ang sakit dahil sa mga negative thoughts ko.



Napahinto ako ng makita ko si Rowan na..



"Rowan sorry kung natagalan ako may pinapagawa pa kasi si Prof sa amin" ani ni Lalaine.


Yeah! It's Lalaine again. Tsk!


"Ok lang" sagot ni Rowan.


Ang lapit ko na sana sa kanya pero..



Ang sakit lang! Ano ang gagawin ko ngayon? Iiyak dito sa harapan niya? No!  No Olivia!  Hindi kapa umiyak sa harapan ng isang lalaki!. Lakasan mo loob mo Olivia. Lampasan mo lang sila sige go!



Tama tama!



Chin up and walk straight that's it. Hopefully, di nila ako mapapansin.

Halos mawalan ako ng hininga ng malagpasan ko silang dalawa. Pero pahina ng pahina ang paglalakad ko. Kahit na masakit man pero kailangan. Bakit di ko ba magawang kausapin si Rowan? Bakit!



"Olivia!"

Napahinto ako ng marinig ang boses. Hindi ko iyon pinansin, napagpatuloy ako sa paglalakad.


"Olivia wait" biglang may pumigil sa braso ko.

Napabuntong hininga ako at hinarap siya.


"What lalaine?"


"Lala tara na" napabaling ako kay Rowan pero nag iwas siya ng tingin sa akin.


Ha! Ganon lang pala ha! Di ko maiwasang di magalit sa reaksyon niya. Akala ko ba handa siyang maghintay pero ano tong ginagawa niya? I felt betrayed! Tang-ina!.



"kung wala kang sasabihin matino just get your filthy hands on me" tinaasan ko siya ng kilay. Sorry but I'm very disappointed to him right now.



"Oh? Madumi ba ang kamay ko? Sa tingin ko hindi naman you're rude Olivia I just want to tell you that Rowan is Mine" ngumiti siya sa akin.


Rowan is yours?

Well! Both you get lost! Fuck you bitch!


"Ha? Bakit mo naman sinasabi yan sa akin" ngumiti rin ako sa kanya at tinaasan ang kilay.


Seriously? Binigyan mo talaga ako ng rason para bumalik sa dating ako. Ok na sana lahat eh pero itong kutong nasa harapan ko? Sige gusto mo pala ng away di ko talaga uurungan ang isang to nakakabwisit!



"I just want to remind you Olivia don't you try to steal him from me" seryoso niyang tugon.


Hindi ko maintindihan kong bakit ganito siya at bakit niya sinasabi niya sa akin to? Problema ng isang to?


"You feel threaten?" tinaasan ko siya ng kilay kulang nalang umabot sa langit yung kilay ko.



Tapos na ako kay Holly tapos ito na namang isang kutong lupang ito na naman? Gusto niya atang gumapang pabalik sa kanila.


"Nope cause you don't deserve him!"

Oh-tagus sa buto yung sinabi niya ha. Sige lang Olivia pakatatag ka di pweding umiyak ka dito sa harapan niya. Kutong lupa lang yang kaharap mo.

"I want to tell you something Lalaine Lopez, If Rowan loves you, you don't need to tell me a nonsense words and hell I care Lalaine kung sayo siya! Yes you're right I don't deserve him kasi hanggang salita lang din naman siya wala siyang paninindigan. Rowan is yours! at wag mo na akong sasabihan ulit ng ganyan kasi wala akong pakialam!" nilakasan ko talaga ang pagkasabi ko ng malaman niya.




Tumingin ako kay Rowan na nakatitig din pala sa akin. Habang si Lalaine di makaimik sa sinabi ko. Sinimulan mo Rowan tatapusin ko.



"Wala ka nabang sasabihin aalis na ako" tumalikod na agad ako at biglang kumuwala na ang mga luhang kanina ko pa pinigilan.



Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero..too late na.. Hindi na pwedi. Hindi na.. Binigyan nga ako ng dahilan para tanggapin siya at mahalin pero..



Wala parin..



Sakit lang din pala ang mararamdaman ko.


Hindi man niya ako nilapitan at tanungin. Nandoon lang siya nakikinig. Natawa ako habang iniisip yun. Ang dali niya palang sumuko. Buong akala ko iba siya, pare-pareho lang pala silang lahat.

































Give me one reason to move on and I'll let him go.
-----------
Don't Forget to Vote!

Thanchoo! hihihi thank you readers. Salamat talaga at binigyan niyo ng oras para basahin ang story ko. Beginner palang ako pero I'll try my best naman.

Super thank you readers.

Reason To Believe (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon