RtB-Thirty Eight

286 9 1
                                        

#RtBTruth
---------

Matapos ang pag-alis ni Nate kagabi, napagdedisyunan kong kakausapin ko na si Carla tungkol kay Nate. Ilang araw na ding hindi masyadong umiimik sa akin ang pinsan ko. Kahit na napapansin ko yun,  binalewala ko lang dahil ang iniisip ko lang baka wala siya sa mood. Oo nga baka wala lang siya sa mood makipag-usap sa akin.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga kamay. Nilagyan ko ng konting lipstick ang aking labi. Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa salamin.

Saan ako magsisimulang magpaliwanag?. Alam ko namang maraming tanong si Carla dahil ilang beses akong wala kapag nag-aaya siya kasama sila Vinz. Hindi ko na rin masyadong nakakausap sila Vinz. Nagkikita nga kami pero hindi naman ganoon katagal.

Hays...

Chin up Olivia! Kayang-kaya mo yan!


Naalala mo ba ang huling hiling ni Nate?


"Princess be happy yan lang ang huling hiling ko".

Huminga ako ng malalim at ngumiti sa harapan ng salamin. Tama! maging masaya ako. Wala naman din akong problema para malungkot at sumimangot.


Lumabas ako sa kwarto at bumungad sa akin si Carla na kumakain ng agahan sa malaking mesa. Sinulyapan niya ako at ngumiti.

Pasimple akong umupo sa harapan niya.

Nakatitig lang siya sa akin na parang may gustong itanong pero agad naman itong umiwas ng tingin at bumaling sa kinakain niya.

"Ahm..carla" halos pabulong kong sabi.

"bakit?" tingnan mo. Diba, parang dati lang ang daldal ngayon nag-iba na. Alam ko naman ako ang dahilan eh.

"Gusto ko sanang sabihin sayo ang totoo sana pakinggan mo"

Kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasabi mo jan ateng?"0

"alam ko namang marami kang tanong diba? Ahm.. Saan ba ako magsisimula.. Ano bato" sumimangot ako.

"ewan ko sayo ateng hinayaan naman kita kung saan ka man nagsosoot! Hinayaan kita pero tungkol kay Rowan ka-"


"Bakit anong nangyari kay Rowan?" napatayo ako ng wala sa oras at seryosong nakatingin kay Carla.


Napabuntong hininga si Carla at yumuko.


Kinakabahan ako. Ano bang nangyari kay Rowan? Ok naman siya noong huling pagkikita namin. Pero napapansin ko ring wala na rin akong txt na natatanggap sa kanya pati tawag wala. Kahit ngayong araw wala akong natatangap.

"Babyloves kasi si Rowan ma-"


"Dretsuhin mo nga ako Carla" halos tumaas ang boses ko. Tang-iney naman kasi kinakabahan ako dahil sa pa thrill na yan.



"Ano kaba ateng! Si Rowan naman kasi ang naging MVP sa laro nila tapos wala ka don! Alam mo ba ang lungkot ng mukha niya, tanong siya ng tanong sa akin! Di ko alam kong anong isasagot ko. Alam mo nahihiya na ako sa kanya sa totoo lang!" halos pasigaw na sagot ni Carla.




Ako naman., halos di ako makagalaw sa sinabi niya. Bwisit! Bakit ba kasi ang lungkot ng mukha ni Carla kanina. Akala ko pa naman may sakit na rin si Rowan. No.. No.. No.. Wala yun.



"Oh ano na? Di ka makapagsalita? Ikaw na magpaliwanag sa kanya Ateng! Teka ano ulit yung sasabihin mo?" tanong ni Carla.



Umupo ako. "Ako na ang kakausap kay Rowan at tungkol kay Holly? Kaibigan ko na siya humingi siya ng tawad" paliwanag ko.



"Ha? Kaibigan mo na ang higad na yun?" tanong ni Carla na natatawa pa.




"Hindi siya higad carla hindi naman niya talaga boyfriend si Nate eh! Pinsan niya si Nate! Kaya siya lumipat sa Lhumiree dahil kay Nate hindi dahil sa ex boyfriend niyang si Vinz"



"What??! Teka! Hindi ko maintindihan? Bakit naman nakabuntot siya kay Nate?" pagatatakang tanong ni Carla



"ahmm.. Kasi.." huminto muna ako saglit si Carla naman nakataas ang mga kilay.


"kasi si Nate.."


"Takte dretsuhin mo ko! Kainis ka naman ateng anong si Nate ano?" atat niyang tanong.




"May sakit si Nate kaya lage niya itong sinundan hanggang dito sa Lhumiree siya lang naman kasi ang pinsan niya dito"




Nanlaki ang mata ni Carla.



"Bakit di mo sinabi sa akin?" seryoso niyang tanong.



"Pasensya na pinsan ah kasi sabi ni nate di ko daw sasabihin sa iba sorry" yumuko ako. Hindi ako ang tipong sisirain lang ang pangako. Promise is Promise yan kasi ang rule ko.




"how's Nate? Kaya pala nawala na siya sa team dahil sa sakit niya? Ok lang ba siya Pinsan? Sana okay lang siya...unfair naman bakit ikaw lang nakakaalam" malungkot na usal ni Carla.


"He's in U. S with Tita Sam for operation"


"I hope it will be successful para naman pagbalik niya party-party tayo!" ani ni Carla na nakangiti. Halata namang hindi siya masaya. Kaibigan niya kasi si Nate bago ako lumipat sa Alumiere.



"Hindi ko naman magawang magtampo sayo pinsan kasi mahal kita at alam ko namang tumutupad ka sa usapan kagaya ng wag sabihin sa iba ang tungkol kay Nate. Di ka naman gagawa ng bagay na walang dahilan" dagdag niya.



Nagalak ako sa sinabi ni Carla. Tumayo ako at niyakap siya sa likuran. Inaamoy ko pa ang mabangong buhok niya.




"Thank you Carla the best pinsan ka talaga super thank you!" niyakap ko siya ng mahigpit.



"Ah-ateng gusto mo ba akong patayin? Nasasak-kal ako" ani niya.


Natawa naman ako at humiwalay sa kanya. Bumalik ako sa upuan at todo ngiti ako sa harapan niya.


"Paano si Rowan?" biglang tanong ni Carla.





































I'll tell him my answer.
---------
Don't Forget to Vote!

Ano naman kaya ang isasagot ni Olivia kay Rowan?. Hindi ko alam! Abangan nalang kaya natin. Choos mo Author!. Ang tagal mong nag update! (¬_¬) hahaha. Lol

Reason To Believe (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon