RtB-Eight

471 12 1
                                        

#RtBQuit
----------

Vinz Pov.

Natahimik kaming lahat sa pagsigaw ni Olivia kay Nate. Rinig na rinig ko ang mga sagot ni Holly kanina sa tanong ni Olivia. Lumalit kasi agad ako baka kasi magkagulo pero..


"bro okay ka lang?" tanong sa akin ni Jetro at tinapik ang balikat ko.

"bro alam mo naman si Olivia diba?  May pagkaprangka yun buti na rin na nalaman mo sa mismong bibig niya" dagdag ni Ken.



Di parin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Parang mawalan ako ng hininga dahil sa sakit na naramdaman ko. Di ko maiwasang magalit sa sarili ko kung bakit sa lahat lahat si Holly pa talaga ang minahal ko sana iba nalang.

Sana iba nalang...


Tumingala ako para pigilan ang luha ko na ano mang oras lalabas na.

Ang sakit malaman ang katotohanang hindi ako minamahal ng taong minahal mo ng lubusan.

Napaupo ako sa upuan.

May umupo sa tabi ko.

"ahm.. Vinz okay ka lang ba?" tanong niya.

Tango lang ang tugon ko.

"ang landi talaga ng babaeng yan sa susunod sasampalin ko na talaga yan!" ani ng katabi ko parang si Olivia lang kung mainis.

"bro sundan lang naman si Olivia baka san na naman yun nagpupunta" sabi ni Jetro sa akin kasama naman niya si Ken.

Nakatanaw lang ako sa kanila habang paalis.


Bumaling naman ako sa katabi ko.


Ang sama ng tingin niya kay Holly ngayon parang kulang nakang katayin niya.

Natawa naman ako.

"bakit Vinz?" inosenti niyang tanong.

Ang ganda niya pala sa malapitan.

Damn Vinz!  Member ka ng Team Sawi diba!

"hayaan mo na si Holly kung saan siya masaya doon din ako Kyla"

"alam mo ganoon talaga ang buhay Vinz kung may pagmamahal may kakambal na sakit din yun.. Marahil ay nasasaktan ka ngayon pero malay mo diba? isa lang siya sa mga pagsubok sayo para matagpuan mo ang nakalaan talaga para sayo so move on Vinz di pa huli ang lahat" ani ni Kyla tapos kumindat.

Pambihira.

Kung nalalaki pa siya baka marami ng babaeng nahulog sa kanya. Matinik kasi.

May point naman siya.

Dahilan kong bakit nabuhayan ako ng loob dahil sa Advice niya kaya dapat kayanin ko. Nakaya ng ni Olivia ako pa kaya.

Tama!

I just need time to move on.

"Thank you kyla for giving me courage to believe in destiny" natawa nalang ako habang sinabi ko yun sa kanya.


"yun oh!  Dapat lang no!  May karapatan din tayong sumaya kaya dont be sad sige ka papangit ka niyan"

Kakaibang babae.

Ang lakas man trip eh.


"so inaamin mong gwapo ako?"



Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin.

Tapos sumipol.



"ay sige practice mo na kami" sabi niya.


Tapos naiwan ako doong.




Nakangiti.




Anong practice pinagsasabi niya e break ngayon eh. Sus!  Kunwari pa talaga.

Pero nabawasan din konti ang sakit dahil sa sinabi niya. Salamat sa kanya.

-----------

Lumapit ako kay Couch hindi pa kasi bumabalik sila Ken at Jetro.

Kausap ni Couch si Holly tapos si Nate naman katabi niya.

"ayusin niyo yun Holly ang ayaw ko yong nag-aaway kayo kasi Team kayo dapat okay kayo walang sama ng loob" mahinahong sabi ni Couch kay Holly.

"couch siya po yong nauna kanina" pangatwiran ni Holly.

"sino man ang nauna sa inyo magbati parin kayo dahil di magandang maidudulot yan sa laro captain kapa naman" natigalgal si Holly sa sinabi ni Couch.

"I Talk to her couch ako napong bahala kay olivia" dagdag ni Nate.

Sa tingin mo Nate kakausapin ka ni Olivia?

Good Luck nalang lalo ng Bad Mood yun ngayon baka magmukha kapang tanga sa harapan niya.

"ahm couch?" 

Nakasali na rin ako.

Pinapkita kong di ako apektado no.

Di ko nagawang tingnan silang dalawa.

"bakit Vinz?" sagot ni Couch.

"hahanapin ko sana sila Jetro uma-"



"Vinz!!"


Napalingon naman ako sa tumawag sa akin.


"ayan bumalik na siya buti nalang to the rescue si Rowan grabe bro nilibre ng sankatirbang French Fries kaya ayan good mood na ulit may pahabol pa yan lahat ng paborito niya pinabili niya kay Rowan bilib din ako ka-"

"hehe sorry couch na overwhelmed lang hehehe"

Natawa naman ako sa sinabi ni Ken.

Habang si Olivia panay kain ng french fries ngayon teka..

Namilog ang mata ko ng makita ang bitbit niya.


"the heck isang basket?"

Napamura nalang ako sa nakita ko.

Isang basket na French Fries.

Grabe! Di ako makapaniwala.

"hahaha kahit nga ako eh! Boto na talaga ako kay Rowan tol! The best talaga kulang nalang mag franchise ng MCDO at puro french fries ang ihain" usal ni Jetro habang natatawa.

"Olivia?"

Natahimik kami kasi biglang nagsalita si Couch.

Tumingin lang si Olivia na parang lumamig bigla sa Court.

"mag-usap kayo ni Holly para ayusin yong gulo niyo kanina"

Tumabi ako kay Olivia na panay subo ng French Fries.

"I don't want to"

Nalaglag panga naming lahat dahil sa sagot niya pero walang ka emoemosyon ang pagkasabi niya.

"why? Kailangan niyong ayusin kasi yan ang makakasira ng Bond Olivia diba alam mo y-"
































"I'm Quiting"

Reason To Believe (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon