RtB-Forty Four

320 8 0
                                    

#RtBconfession
--------

Di ako makaimik dahil sumabay si Rowan sa amin. Pinayagan naman siya ni Carla alam kong ayaw ni Carla na magduda si Rowan na baka akalain niyang hindi siya kaibigan ni Carla. Panay iwas ang tingin ko sa kanya habang si Holly tahimik lang habang hawak hawak ang phone niya.

"Angel of Mine may boyfriend kana ba? Hindi ka kasi sumagot kanina"

Halos maluwa ko ang cookies na order ni Carla kanina. Napatingin ako kay Adriane na nakangiti lang sa akin. Inosenting bata.

"wala akong boyfriend" halos pabulong kong tugon.

"Pwedi ba akong manligaw?"

Halos maibuga ko ang cookies sa mukha ni Carla habang si Carla napaubo. Bwisit?!  Akala ko ba ate ang turing niya sa akin.

"Kid hindi siya pweding ligawan" matigas na tugon ni Rowan sa kanya.

Ha?.bakit naman hindi?! May Lalaine naman siya bakit hindi pwedi! Sino ba naman siya para diktahan ang ibang tao.

"Bakit naman? Wala naman siyang boyfriend papasa naman ata ako sa taste niya" seryosong sabi ni Adriane kay Rowan. Panay sulyap sa akin si Adriane na parang may gustong iparating.

"hindi nga pwedi" tumaas ang tono ng boses ni Rowan tapos ang sama ng tingin niya kay Adriane.

"Excuse me Rowan? Sino ka naman para hindi siya payagan? May Lalaine kana diba? Bakit nandito ka pala dapat sumama kana doon sa girlfriend mo!" singhal ko sa kanya.

Wala akong pakialam kung pagtitinginan kami ngayon dito. Gusto kong sabihin sa kanya ang totoo lahat lahat! Putek! Nasasaktan na ako!

"She's not my girlfriend" bulong niya.

Kumunot naman noo ko sa sinabi niya.

"Sino siya sa buhay mo?"

Hindi siya sumagot.

"See? Stop denying Rowan!" natawa ako ng pagak.

"Ahm guys.. Nasa restaurant tayo please lower your voice naman nakakahiya" bulong ni Holly habang busy kakatipa sa phone niya.

"Angel of Mine you're not happy" ani ni Adriane.

Ngumiti ako kay Adriane. "Sa tingin ko dapat kanang umuwi Adriane gumagabi na baka nag-alala na parents mo"

"Okay Ate Angel of Mine! Sana maging okay kana at sa inyo salamat sa oras mauna na ako Ate" nilakasan niya ang huling salita.

Umalis na si Adriane. Hindi ko man lang siya nabigyan ng phone number para naman maimbitihan ko siya sa birthday ko next two weeks na yun.

"I think we need to go Holly"

Kumunot naman ang noo kay Carla. Anong gusto niya ewan ako dito kasama si Rowan?.

"Mauna na kami Olivia kailangan niyong mag-usap" ani ni Holly.

Huminga ako ng malalim at seryosong tumingin kay Rowan na seryoso din sa akin.

"Now tell me"

Hindi siya sumagot.

"Ok may sasabihin ako sayo." bahagya akong himinto sa pagsasalita at I cleared my throat.

"Pinapayagan na kitang manligaw." nakita ko kung paano nagbago ang mukha niya na parang nabuhayan ng loob.

"I think I was wrong Rowan I was about to tell you then I saw you with Lalaine.. I made up my mind to let go"

"Olivia.." bulong niya.

"Yeah I fell inlove with you Rowan sorry kung natagalan. Sorry if I keep ignoring your message I'm with nate at that time Rowan he's sick. Humingi ng pabor si Holly sa akin para bantayan si Nate then I did. Sorry for making you wait. Pero I was too late.." tumulo ang luha ko at pinunasan ko agad ito.

"salamat Rowan sa lahat ng effort mo"

Tahimik lang siya. Tumayo ako at ngumiti sa kanya.

Tuluyan na akong umalis. Hindi ko alam kung saan ako papunta. Gabi na hinayaan ko lang ang mga paa kong maglakad sa dilim.

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Ang layo pala ng narating ko. Nandito ako sa park? May iba pang batang naglalaro dito. Maliwanag ang mga ilaw. Umupo ako malapit sa isang malaking kahoy.

Hindi man lang siya nagpaliwanag o nagsalita man lang. Napailing nalang ako at humagulhol ng iyak.

Sapat na ata ang lahat na yun. Sapat na ang ginawa ko sa kanya. Hinyaan ko siyang pumasok sa buhay ko at pinasaya niya ako kahit sa kunting panahon. Masaya naman ako na nanjan siya pero mas masakit pala ang makita mo siyang masaya sa iba.

Ang malas malas ko naman sa pag-ibig. Puro nalang sakit ang nararamdaman ko. Hindi ba pweding masaya nalang lahat? Yung walang sakit na nararamdaman?. Pero ganito talaga ang buhay.

Kung nagmamahal ka, masasaktan ka..

Love truly exist at wala tayong magagawa.

Kahit umiwas ka man? Hindi mo alam kung kailan mo mararamdaman ang pagmamahal. Kusang darating yun na hindi mo namamalayan.















I'll let him go.
---------------------

Agad ka ng susuko? Ewan kkoooo! Ay galit ka Author?!  Hahaha joke lang..

Reason To Believe (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon