"Hey, gals. Missed me?" Sabi niya at binigyan kayo ng kakaibang ngiti.
Naningkit naman ang mga mata niyo ni Luhan nung makita niyo siya.
"Ugh. Sino po sila?" Tanong ni Luhan at napasimangot naman sa kanya yung misteryosong tao na yun. Nakatayo siya sa may bumper nung dala niyang magarang kotse. Naka hat siya tapos nakadress din at fashion boots. Para siyang model.
"Leche ka talagang bakla ka! Nawala lang ako ng ilang taon nalimutan niyo na ako? At Ikaw Hera? tutunganga ka nalang jan? Di niyo ba ako namiss? Grabe! Nalimutan niyo na agad ako!" Sabi niya at tila malapit ng umiyak.
Nagkatinginan kayo ni Luhan ng ilang segundo at sabay na nanlaki ang mata niyo dahil mukhang pareho kayo ng naisip.
"Mikako Ishida?!" Sabay kayong napasigaw ni Luhan at napalapit sa kanya
"The One and Only!" Sabi niya tas biglang ngumiti tas bigla ding nawala yung ngiti niya at tinignan kayong dalawa ni Luhan ng masama. "Kaasar kayong dalawa! Nawala lang ako ng ilang taon tas kinalimutan niyo na ako? Anong klaseng kaibigan kayo?" Sabi niya tas binigyan kayo ni Luhan ng tig isang hampas sa braso.
"Eh. Sorry naman. Di ka namin nakilala eh. Ang ganda mo kasi ngayon. Ang laki ng pinagbago mo ah!" Sabi mo sa kanya tas niyakap mo siya ng mahigpit. "Aww. Mika. Namiss kitaa~"
"Aiii~ Namiss din kita" sabi niya sayo tas niyakap ka din ng mahigpit
"Omg! Mika~ Ikaw na ba talaga yan?" tanong ni Luhan at halatang di makapaniwala
"Bakit? Sino pa ba sa tingin mo?" mataray na tanong sa kanya ni Mikako
"Eh. Wala lang. Ang chaka mo kasi dati tas ngayon nakakaloka. Gandang di mo inakala ang peg sis~! Omg!" sabi ni Luhan sa kanya at napatawa ka naman dito. "Araay naman." Sabi ni Luhan tas hinimas ung ulo niya. Binatukan kasi siya ni Mikako
"Leche. Atleast ako, gumanda. Eh ikaw. Chaka ka padin!" sabi ni Mikako sa kanya tas lumapit sayo
"Hera. may gagawin ka ba ngayon? Tara gala tayo. Libre ko!" Pag Aaya sayo ni MIkako
"Ugh. Wala naman. sige" Pag payag mo
"Ay. Ano toh? Iwanan? Di ako iimbitahin? Ganun?" Sabi ni Luhan tas napairap naman si Mikako sa kanya
"Well may choice pa ba ako? Sakay na kase! dame pang arte eh!" Sabi sa kanya ni Mikako
Si Mikako Ishida ang isa niyo pang Childhood friend ni Luhan. Mas una mo siyang naging bestfriend. Kasi since baby palang kayo magkaibigan na kayo. More like Sisters. Only girl si Mikako sa apat na magkakapatid tsaka siya yung Bunso. Kaya naman medyo lalaki siya kumilos kahit na Prinsesa ang turing sa kanya sa kanila. Magkaklase kayo ni Mikako since Preschool hanggang middle school kung saan nakilala niyo si Luhan noon. Lumipat lang siya sa Japan nung maghahigschool na kayo kasi yun ang kasunduan nila ng Daddy niya. bakit mataray siya kay Luhan? Simula kasi nung naging magkaibigan kayo ni Luhan nung middle school feeling niya inagaw ka ni Luhan sa kanya. Pero di siya galit kay Luhan. Nasanay lang talaga siya na laging tinatarayan si Luhan ever since. Si Mikako lang din ang nakakaalam kung ano ang tunay mong feelings kay Luhan at dahil dun, lagi ka niyang sinesermonan.
Dumating kayo nila Mikako sa isang first class Mall.
"San niyo gusto pumunta?" Tanong niya sanyo
"Ikaw bahala. Ikaw manlilibre eh." Sabi mo
"Okay!" masigla niyang sabi at nauna na maglakad sanyo ni Luhan. Sabay nalang kayong sumunod ni Luhan sa kanya kasabay niyo din yung mga bodyguards ni Mikako. Isang Government Official kasi ang daddy niya sa Japan kaya bantay sarado talaga siya.
BINABASA MO ANG
Loving a Gay Named LuHan
FanfictionHaving a Gay Bestfriend isn't always easy. Lalo na kung hindi lang pang Bestfriend ang nararamdaman mo sa kanya.