Nandito kame ngayon ni Mika sa kwarto ko at sobrang nagsisisi na ako at pumayag pa ako na mag sleep over toh dito. >< Puro Sermon lang inaaabot ko eeh. Kainis.
"Kelan ka ba kase uuwi ng Japan? Umuwi ka na nga!" Sabi ko sa kanya at nagtalukbong na ng kumot.
"Aiiishh. Uuwi din ako! Kapag hindi na yung baklang yun ang mahal mo!" Sabi niya sakin at agad naman akong napabangon dun.
"Halaa. Edi hindi ka na uuwe?" Gulat kong tanong at binato naman niya ako ng unan
"Bwiset! Haynakoo, Jung Hera. Ilang taon na yang One Sided love na yan ah. Di ka pa ba hahanap ng iba? Yung mamahalin ka din bilang babae."
Napaisip naman ako sa sinabe niyang yun.
"Tinry ko na. Pero wala padin." sabi ko.
"Eh, kasi palagi mo siyang kasama." sabi niya sa akin
"Eh anong gusto mong gawin ko? Iwan siya? Ganun?"
"Hindi naman. pero I mean, Wag siya yung lagi mong kasama. Makipag kaibigan ka naman sa iba." Sabi niya sakin
"Tsk. Bahala na. Kung di talaga kame ang para sa isa't isa, kusang mawawala 'tong feelings ko para sa kanya." Sabi ko kay Mika
"Ayy, shunga. EH, ilang taon na yang feelings na yan di padin mawala wala?" Sabi niya sakin at napatingin ako sa kanya tas binigyan ng isang ngiti.
"Edi ibig sabihin meant to be kame! Woohoo!" Excited kong sabi pero nakapoker face lang siya sakin.
"Hindi. Tanga ka lang talaga." Sabi niya at nahiga na sa kama ko.
"Ouch. Sama naman neto. Ang Hirap kayang mag move on! Isipin mo yun, hindi naging kayo pero kelangan mo mag move on." Sabi ko
"Madali lang kung gugustuhin mo talaga~" Sabi niya sakin
"Eh, Basta! Ako na bahala dun noh. Tsaka malay mo, may pag asa pang maging lalaki ulit si Luhan"
"Nako, Hera. Ako na nagsasabi sayo. Wala nang pag asa maging lalaki yun! Iiyak ka lang! Nasa pangalan na niya nga eh. LUHA! LUHA lang ang ibibigay niya sayo at hindi LOVE!" Sabi niya sakin at nagpout lang ako sa kanya
"Tsk. Ewan nga. Matutulog na nga ako. Maaga pa pasok ko bukas. " Sabi ko.
"Sige. Goodnight, Hera!"
"Hmm. Goodnight din" Sabi ko at natulog na kame.
Kinabukasan...
Nagising ako sa ingay ng alarm ko. Tinignan ko yung oras. Maaga pa naman pero bumangon nadin ako at nag shower.
Paglabas ko, wala na si Mika sa kama ko. Baka bumaba na yun at naghanap ng pagkain. Inayos ko na yung gamit ko para sa klase ngayong araw tsaka syempre yung sarili ko. Pagtapos ko umayos ay bumaba nadin ako.
Pag dating ko sa kusina, automatic akong napanganga sa nakita ko.
"Oh, Gooodmorning!" Sabi sakin ni Mika. "Wag ka ngumanga. Baka pumasok yung langaw" Sabi niya sakin.
Pancakes. Bacon. Hotdogs. Ham. Bread at syempre, Spaghetti. Yan ang nakahain sa mesa ngayon. Hindi lang yan. Marami pang iba. pero di ko na ma-enumerate sa sobrang dami.
"San galing 'tong mga toh?" Tanong ko sa kanya.
"Pinadala ko sa mga maid namin. Chef namin ang nagluto niyan. Kaya masarap yan." Sabi niya sakin
"Halaa. Mauubos ba natin toh?" Tanong ko.
"Ewan. Pero kumain ka na jan bago ka pumasok. Ako na bahala kapag may natira." Sabi niya sakin at nagpatuloy nalang siya sa pagbabasa ng dyaryo.
BINABASA MO ANG
Loving a Gay Named LuHan
FanfictionHaving a Gay Bestfriend isn't always easy. Lalo na kung hindi lang pang Bestfriend ang nararamdaman mo sa kanya.