THEODORE 1

3.4K 51 3
                                    

Umuulan.

Marahil sumasangayon ang kalangitan sa nararamdaman ko.

Parang umuulan kasi ngayon ng karayom sa loob ng puso ko. Unti-unting tinutusok, unti-unti sakin pinaparamdam yung sakit.

Sakit na ngayon ko lang naramdaman. Ni minsan kahit noong iniwan ako ng papa ko, hindi ko ito naramdaman. Masakit dati oo. Pero ngayon, parang kulang ang salitang masakit para ilarawan kung anong nararamdaman ko ngayon.

"THEODORE!!! Let's go home! PLEASE!"

Nakakailang kilometro na siguro ang tinakbo ko mula ng iniwan ko ang simbahan. Hindi makakalayo si Athena, yun ang tangi kong naiisip. Nandidito lang siya. Alam kong magpapakita siya sakin.

Basang basa na ang damit na pinaghandaan ko ng sobra sobra para sa araw na ito. Hindi ko pa nga ito napapakita kay Athena, sabi ko sa kanya, surprise ko to para sa kasal namin.

Kailangan niyang makita to. Sabi niya hindi na siya makapaghintay.

"ATHENA!!!!!!", muli ko pang sigaw.

Wala akong ibang nasa isip ngayon kung hindi ang huling mensahe niya sakin. I love you, Theodore. I have to go. Mahal ako ni Athena. Mahal ko siya. Pinangako namin sa isa't-isa na walang makapaghihiwalay sa amin. Hindi niya ko iiwan. Hindi.

"THEDORE! SNAP OUT OF IT!!!"

Isang malakas na sampal ang umabot sa muka ko. Lumakas ang pag-ulan at doon na nga tumulo ang unang patak ng luha ko simula ang nangyari.

"HINDI NA BABALIK SI ATHENA! TUMIGIL KA NA!", paninigaw pa ni Chelsea.

"No. No...M-mahal niya ko...hindi niya ko iiwan."

Gusto ko sanang sabihing sigurado ako sa sinabi ko. Pero mukang pati ang sarili ko, hindi ko na kayang kumbinsihin.

Wala akong nagawa. Hindi ko kayang hindi pigilan ang mga luha ko. Bakit ganun?

"Theodore, please. Umuwi na tayo...."

"I-I...I have to find Athena...."

Umiling-iling si Chelsea. She cried too.

But I cried more. Hindi dahil sa nakikita kong nasasaktan din siya. It was because the pain was just unbearable for the both of us that we had to cry. Hindi kami umiiyak, but of course, this was an exception.

Chelsea hugged me on the streets. Then there were we....shadowing our tears with the drops of rain.

"Chelsea....bakit? Bakit ako iniwan ni Athena?"

------------------

Exactly 7 years later.

Umuulan.

Marahil sumasangayon ang kalangitan sa nararamdaman ko.

Madilim, malamig pero walang umuulang kirot sa puso ko. Wala pa rin talagang nakakatalo sa naramdaman ko noon.

Naistorbo ang pag-iisip ko ng lumapit sakin yung assistant ko.

"Sir Theodore, handa na po yung kotse."

Tinignan ko muli ang puntod ni lolo.Tinatabunan na kasi ito ng lupa matapos ang ginawang proseso ng pagbaba ng ataol niya. Siguro kung nakita niya yung dami ng taong pumunta kanina, matatawa din yun. Alam niya namang mas madami siyang business partners kesa sa mga sarili niyang kamag-anak.

Lalo pang lumakas yung ulan. Para bang pilit na dinadala ako sa nakaraan ko.

Kung andito siya siguro ngayon, baka sinermonan na niya ko. Gaya ng dati niyang sinasabi, "Look forward Theodore. And never look back. That's how I dealt with your grandmother and your father."

Tama si lolo. Tama siya.

"Dennis."

Agad namang lumapit muli yung assistant ko.

"YES, SIR?"

"Tawagan mo si mama at si Chelsea. Sabihin mo hindi ko na sila mahahatid sa airport. I still have a meeting with Mr. Harrison."

"Ok po sir!"

Pupunta na sana ako sa kotse ng tumigil ako. Lalabas na ko ng tent, malakas pa din ang ulan.

Why does it have to rain now?!

"Dennis! Hindi mo ba ko papayungan?!"

"Ay! Opo! Opo! Eto na po!"

Tsk. Stupid rains.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon