THEODORE 4

1.2K 33 4
                                    

Matapos ang meeting namin with the board members, I was finally relieved when I got back to the office. Mabuti na lang at naayos pa namin yung report ng accounting department. I knew I shouldn't barge in with their business but they're still under my supervision. Ngayon pang kakaupo ko lang sa pwesto ni lolo, masyado akong nao-OC.

"Pare, chillax ka lang kase. Wala namang kakalaban sayo na. Sus.", pagsasabi nitong si Paul pagkapasok niya ng office ko.

"Anong wala? Eh parang hinihintay nila kong lahat magkamali. SIgurado ako, isang mali ko lang, lagot na."

"Sus. Ikaw si Theodore Ramisses. Pangalan mo pa lang, matatakot na mga yun. Kapangalan mo ba naman lolo mo eh.", pagtatawa naman niya.

Binato ko nga siya ng rolyo ng tissue sa table ko. Puro talaga kalokohan tong si Paul eh.

Nagscan na lang ako ng documents na nakatambak sa harap ko. Hay. All these paperworks, and it's just Monday.

"Ay pare, maiba tayo. Balita ko, nag-away na naman kayo ni Sabrina ah."

Napatingin naman ako kay Paul. Kahit kelan talaga, chismoso din to ano. Palibhasa kasi, walang ibang alam kung hindi pestehin ang buhay ko.

"At kanino mo naman nalaman yan? Kay Dennis???"

"Sus, ako pa ba paglilihiman mo?!"

Lumapit naman siya sa table ko at binalak pang maupo doon. Bastos na to, tinulak ko nga.

"DON'T YOU EVER SIT ON THIS TABLE! ANTIQUE TO ANO KA BA, KAY LOLO PA TO EH!"

"Oh shit. Nako, Tito Theodore, SORRY PO. WAG NIYO PO AKO DALAWIN PLEASE.", pagtitingin naman niya sa taas.

"Sira ulo.", pag-iirap ko na lang dito.

"Pero seriously, bro. Wala ka bang balak ampunin si Becca? I mean, Sabrina can't obviously take care of her."

Tinignan ko lang siya with my poker face. Seryoso ba tong si Paul??

"Gusto mo bang mamatay ang nanay ko ng maaga?!"

"No I mean, di mo naman siya anak ah? But since you've been attached with the kid, sigurado naman akong pumasok na sa isip mong ampunin na lang yung bata."

Tama naman si Paul.

You see, Sabrina had Becca seven years ago. It was when I was about to marry....her. Syempre, Sabrina still likes me back then. She said she can't get over me. So one night, sa di kilala niyang lalaki, a miracle happened. At yun na nga, nabuntis si Sabrina.

Sab's mom can't accept what happened. So pinalayas siya habang pinagbubuntis niya si Becca. Ako naman, as someone who's pretty much concerned about her kahit na we had misunderstandings before, minabuti kong tulungan siya. Naawa din naman kasi ako noon, talagang wala siyang malapitan.

After those 9 months na pagbubuntis, pinakiusapan ako ni Sabrina na tumayong legal guardian ni Becca. She told me she wasn't qualified para buhayin yung bata so I had no choice. Syempre, napalapit na sakin yung bata. Kaya nga daddy ang tawag niya sa akin.

"I can't Paul. Di ko kayang dalhin si Becca sa magulong buhay ng mga Ramisses. It's too much for her."

"Hmm...sabagay. Pero kawawa din kasi yung bata. Sigurado ako pre, Sabrina will lose her mind anytime. Who knows what she can do with the kid?!"

Babatukan ko na sana ulit tong si Paul eh. Pag ito talaga nagdilang anghel, ibubuko ko lahat ng mga kalokohan niya sa tatay niya eh.

"Wala ka na talagang magandang sinabi ano?! I can't let that happen. I'm still her legal guardian. If I need to take that into court, edi gagawin ko."

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon