THEODORE 5

1.1K 28 8
                                    

Finally, natapos ko din ang mga kailangang tapusin. I tried relaxing my head on the table for a while. Ugh, jusko. This headache.

Then, seconds after, there was a knock on my door.

GREAT. Kung kelan naman nagpapahinga na yung tao nga naman.

"Sir?"

Dinig kong boses yun ni Dennis.

What now???

"Ano?", sabi ko habang nakatungo pa rin.

But then I heard a loud banging of the door.

"Papasukin mo nga ko!"

Oh shit. It's Sabrina.

Pagkatingin ko, tama nga ko. I saw her and Paul coming in my office.

"Theo! You promised!", simula na ng pagtatalak ni Sab.

I knew this would happen. Hay nako kung alam ko lang, naglagay na lang sana ako ng DON'T DISTURB sign sa pinto ng office ko.

Hinimas ko na lang yung ulo ko. Dumagdag pa kasi sa sakit ng ulo ko tong babaeng to eh.

"Sab, I have tons of work. Ngayon na nga lang ako magpapahinga.", malumanay kong paliwanag sa kanya.

"You shouldn't have promised in the first place! Tapos ipapadala mo tong mukang adik mong kaibigan!"

Tinuro naman niya si Paul. Syempre, nagreact agad tong kaibigan ko.

"Hoy grabe ka ah! Ikaw na nga tong sinamahan, choosy ka pa!"

"Si Theo ang legal guardian ni Becca! Hindi ikaw no!", sagot naman ni Sab.

Parang puputok na naman yung mga ugat ko sa ulo. I need to stop these two.

"GUYS, please! Will you stop shouting in my office! GUSTO NIYO BANG TUMAWAG AKO NG SECURITY?!"

Natahimik naman sila saglit.

"Look, Theo. You know I'd do anything for you pare eh kaso! Kung ganto lang din naman yung magiging treatment sakin netong babaeng to, wag na lang!"

Sab looked at him with so much hate. Ugh, here it goes again.

"Hoy lalaking mukang tuko! Malinaw kase ang usapan na si Theo ang dapat na kasama ko! Hindi tuloy nag-enjoy yung bata!"

"BAKIT KAYA HINDI NAG-ENJOY YUNG BATA? It was because you were busy shopping with Theo's money tas nagpapabitbit ka pa sakin ng mga pinamili mo! Muntikan na tuloy mawala si Becca!"

MUNTIKAN NG MAWALA SI BECCA?!

"WHAT?!"

Pareho naman silang napatingin sakin.

But then, they just continued fighting.

"KASALANAN MO KASE TO! IF THEO WAS THERE, HINDI MANGYAYARI YUN!", paninigaw pa ni Sab.

Halata namang pikon na si Paul.

"FOR THE LAST TIME, SABRINA! I WAS DOING A FAVOR FOR THEO! PABOR LANG OKAY?! PABOR LANG! UGH!"

Halos maglabasan na sila ng mga mata sa inis. Seriously, my headache is about to kill me.

"ENOUGH! BOTH OF YOU! ANO BA! Nasan na nga ba si Becca?!"

"ANDUN SA LABAS KASAMA SI DENNIS!", sabay pa nilang sagot.

Natigilan naman ako. Sila pa may ganang magalit sakin?!

"Wait, did you just shout at me??"

Aba sumusobra na tong dalawang to ah. Dumiretso na nga ako sa telephone ko sa desk at nagpatawag ng security.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon