ATHENA 3

1K 24 2
                                    

The incident that happened days ago caused a delay with our project. Sa halip na kinabukasan agad yung shoot namin for the promotions, eh naka on-hold tuloy ang contract ko with them. Tinawagan kami nung secretary ng Paul Harrison na yun at sinabing tatawagan na lang daw kami if there is an update.

That aggravated my manager alright. Never pa kasi siyang nakaranas ng ganitong issue. Yung kami yung pinaghihintay. It was always the company that will sponsor me yung nanunuyo sa amin. She can't actually believe na parang baliktad na ata yung sitwasyon ngayon.

About Theodore's scene sa restaurant, syempre, binomba ako ng mga tanong ni Rachel. I never really told her anything about my past with him. It's just....ayoko ng balikan pa kung ano yung nangyari. The truth is....I'm too ashamed to confess my own selfishness. After all these years, hindi naman nabawasan ang pagkaguilty ko. I just tried too hard to move on and temporarily forget what happened.

"Hindi ako makapaniwalang hindi pa rin tayo tinatawagan ng Harrison malls na yan! Aba! Nasasayang ang oras mo dito no! Anong palagay nila sayo?! Puchu-puchung modelo lang na pwedeng paghintayin! THIS IS SO UNPROFESSIONAL!", pagrereklamo na naman ni Rachel habang nakatitig lang ako sa kanya.

Nasa bar kasi kami sa loob ng hotel. We decided to chill and clear our minds para man lang hindi na mastress tong si Rachel kaya lang, pagdating namin dito, ayun, putak pa rin ng putak.

Wala naman akong maisagot sa mga pagtatalak niya. I'm thinking to tell her everything kaya lang....

"At ikaw naman Athena. Pwede ba, jusmiyo! Kung may awa ka sa akin! Hindi mo ba talaga sasabihin sakin yung skandalong ginawa ng Mr. Ramisses na yun?! Aba eh dalawang araw mo na kong hindi iniimik ah?!"

Nakatingin lang ako kay Rachel. Wait. Nag-iisip pa talaga ko.

"Hoy! Ano ba?!", pagpipitik na nito sa noo ko.

"Aray! Tsk. Wait lang kase!"

"ANONG WAIT?! Totoo ba ha?? Ex-fiance???"

Napansin ko naman na biglang may tumugtog na band sa stage. I was about to ignore it ng bigla kong nabosesan yung kumakanta.

That voice....

Does the moonlight shine on Paris
After the sun goes down
If the London Bridge is falling
Will anybody hear a sound?

"Huy, Athena! San ka ba nakatingin, kinakausap kita ah?!", pagpapalo naman sakin ni Rachel.

Hindi ako makagalaw. Nahihirapan na rin akong huminga.

Hindi ako nagkakamali....siya nga yun. After all these years, hindi pa rin pala nagbabago ang hilig niya.

Yan din yung kantang una niyang kinanta para sakin noon (See SR Volume 1: Chapter 10)....

"Kian...."

"Ano??? Sinong Kian?!", sabat naman ni Rachel.

Hindi ko napansin na unti-unti na kong napapalapit sa stage. Para bang may humihila sakin papunta sa kanya. Isa si Kian sa mga naging kaibigan ko noon...kahit na meron kaming pangit na nakaraan, eh maayos naming natapos ang lahat ng yun.

Siguro sa pagkatulala ko, hindi ko napansin na napatingin na rin sa gawi ko si Kian.

Bigla namang nagsink-in sakin ang pangyayari. Andito si Kian...tumitingin siya ngayon sakin....

SHIT! SHIT! SHIT! DI NIYA KO PWEDENG MAKITA!!!

Agad naman akong tumalikod at lumabas ng bar. Ni hindi ko na natawag si Rachel. Ang bilis na kasi ng tibok ng puso ko. Nakita ako ni Kian! Hindi pwede. Hindi pwede to....

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon