THEODORE 13

348 13 1
                                    

“Sab, please pick up Becca now. May kailangan kasi akong puntahan.”

I know it was late notice pero kasi I really have to visit someone. Becca was with me (again) for a few days. Sabi kasi ni Sab, nirerenovate daw yung salon kaya amoy pintura.

“Oo na malapit na ko. Bakit ka ba biglang nagmamadali kasi??”
“Talk to you later, nagddrive ka.”

Binaba ko na nga yung phone at inayos ko na yung bag ni Becca. She’s watching the tv kaya behave siya ngayon.

While I was putting all her bottles, bigla syang nagsalita.

“Daddy, sasama ka po samin ni Mommy?”, tanong nito.
“Uhh, no baby. I have to go somewhere.”
“Where??”
“I have to visit someone.”
“Who???”

Sinara ko na nga yung bag niya at nilapitan ko siya. Hay kahit kelan talaga matanong tong bata to eh.

“Someone who I haven’t visited for a long time now.”, malungkot kong sabi dito.
“Can I come?”
“You have to go with mommy, remember??”

She pouted as if nagtatampo siya. Haha she’s really cute when she does that. Kuhang kuha niya ang itsura ng mommy niya, mas cute nga lang yung kanya.

Nagring naman yung phone ko at alam kong si Sabrina na yon.

“Yep, we’ll go down now.”

Bumaba na nga kami ni Becca at hinatid ko sila ni Sab sa labas ng condo. I immediately went to the parking lot at nagdrive na nga ko papunta sa hospital. Di na ko nagpadrive kay Dennis because this is something personal. Mamaya isumbong pa niya ko kay Mama.

Nakonsensya naman ako na recently ko lang din nalaman. Mama actually told me that he was hospitalized due to a chronic disease. I never heard from them since years back pero, I got guilty that I didn’t know sooner. They were once family, after all.

Dumaan muna ako sa grocery to buy fruits at agad agad akong nagdrive na ulit papuntang ospital. Pagdating  ko dun, I asked in the nurses station kung anong room ni Mr. Limuel Kim.
When I knocked, pinagbuksan agad ako ni tita Alicia.

“T-theo?”, gulat nitong pagbati sakin.
“Hi tita, kamusta na po?”

Pinapasok naman niya ako agad at nakita kong tulog nga si Mr. Kim. Binaba ko muna yung mga prutas na dala ko at saka ko siya tinignan ulit. Nangayayat siya at kitang kita mo na parang matagal na siyang naghihirap sa sakit nya.

My heart hurt so bad. I didn’t know anything.

“Pasensya ka na ha. Hindi na namin sinabi sayo.”, sabi naman ni tita Alicia.
“Tita, ako po dapat ang humingi ng pasensya. Matagal ko na po kayong hindi nadalaw ulit”, nahihiya ko namang sagot sa kanya.
“Hindi…hindi yun. Nagkita na ba kayo ni Athena?”

Nagulat naman ako sa tanong niya. Hindi ba niya alam na nagkatrabaho kami?

“Y-yes tita. I worked with her…”
“Ang totoo nyan, simula nung di ka na dumalaw…nagkaroon na kami ng balita kay Athena…”

They…did? How...?

I tried to keep my composure. Dapat wala na kong pakialam. I tried acting like one.

“Tita, that was years ago. Siguro ayaw lang ni Athena talaga na malaman ko.”, bitter kong sabi dito.

Narinig ko namang humihibik na siya. May nasabi ba kong di maganda???

“Siguro nga karma to eh. Dapat pinaalam ko na sayo noon. Alam ko ang paghihirap mo pero mas pinili kong….”

Di niya natapos. But I knew she was wrong. It’s not her fault.

Si Athena ang may kasalanan ng lahat.

“Tita. You did nothing wrong. Wag nyo pong sisihin ang sarili nyo sa kasalanan ng iba.”

Parang mas nalungkot naman ang mukha niya. I can’t help it. She’s taking all the blame at yun ang anak niya sa ibang bansa, nagpapakasarap.

“Pasensya ka na, natatakot lang talaga ko.”, sabi ni tita habang naluluha pa siya.

Mas naiinis tuloy ako. She just reminds me of Athena the most. Ang dami nilang similarities. Kaya after ng mawala si Athena noon, lagi akong nagpupunta sa kanila. Nasanay na kong dumalaw siguro twice-thrice a week. Hindi lang dahil umaasa akong baka bumalik doon si Athena, kung hindi din dahil sila na lang ang natitira kong alaala ni Athena. And of course, habang nagtagal, napalapit din ako sa kanila. Napakabubuti kasi nilang mga tao.

I stopped visiting when I got busy at work. Nalaman din kasi ni lolo na dumadalaw nga ako at hindi siya sang-ayon doon.

“Don’t be, tita. Everything will be okay.”, pagsusubok kong pagcomfort dito.

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon