ATHENA 2

1.1K 30 10
                                    

"Yes, yes! We will be back soon. Don't worry, her schedule is all tidied up! I assure you, everything will be back to normal when we get there. No overseas work for----"

Kanina ko pa ata naririnig tong si Rachel sa telepono. Pano ba naman kasi, kahit na nasa ibang bansa na kami, habol habol pa rin ako ng trabaho kong naiwan. Minsan talaga naiisip ko, tama ba tong pinasok ko eh.

Nag-apply na muna ako ng moisturizer. Simpleng meet-up lang naman yun, hindi naman siguro kailangan ng heavy makeup.

"Athena! Athena!!!"

"Oh? Bakit? Parang ka namang hinahabol dyan!"

"Tumawag kasi yung director mo! Willing naman siyang magmake way para sa schedule mo dito sa Pilipinas. Should I extend your trip???"

Not this again.

Syempre ayoko. Pero alam kong may ibang intensyon tong si Rachel. Gusto niya kasing makita yung mga kamag-anak niya and she wants to take this opportunity. Ugh.

"Rachel....don't you think it's a bad idea na the project would be delayed because of me?"

"Kaya nga kinausap ko yung director mo! He's perfectly sure he can wait! Dali na Athena, ayaw mo bang umuwi sa pamilya mo????"

Wow. That stung me alright. Umuwi sa pamilya ko? They don't even know na nasa Pilipinas ako.

If only I could tell Rachel my situation.....kaya lang....

"Okay. Kung gusto mo talagang umuwi, I'll let you. I'll just stay here."

"TALAGA???!!!! Nako nako! Matutuwa sina mamang!!! O siya, magbihis ka na dyan at pagkatapos ko lang sila tawagan eh, aalis na tayo! OKAY?!"

Tumungo na lang ako. I finished my usual makeup at namili nga ako ng isang simpleng dress din. I took out my 5 inches heels and I knew I'm ready to go. Nang napalabas naman ako sa may living room, I saw Rachel still on the phone.

Umupo muna ako sa sofa at nakita ko nga yung envelope na kanina pa hawak-hawak ni Rachel. Hmmm...maybe this is about the endorsement na gagawin ko. Mabasa nga.

"Harrison Mall?"

Tinignan ko pa yung ibang papel. Nang pagkalipat ko dito sa parang pina-fax na document, nakita kong nakapag-usap na pala directly yung kumpanya pati si Rachel. Ohh.

Office of the Secretarial Department

Ramisses Corporation

R-Ramisses....???

Nagpatuloy pa ko ng pagbabasa. Pagkarating ko sa dulo ng papel, halos lumuwa naman yung mga mata ko.

Theodore Ramisses

Ramisses Corporation, CEO

"Athena, tara na???", biglang sabi ni Rachel.

Para naman tuloy ako nakakita ng multo. Ramisses Corporation??? Sila ang kausap namin???

"Oh? Bat parang nanigas ka naman dyan?"

Agad akong lumapit kay Rachel at kinuha ko yung dalawang braso niya. Oh shit, shit shit! This can't be!!!

"Rachel! A-anong binigay mong pangalan ko sa kanila??? Did you tell them my real name?!", nangangatog ko ng tanong.

"Ha? Edi yung kung san mas kilala ka. Kim So Yi!"

"S-s-sigurado ka?!"

"Oo naman! Aba eh teka nga, bat mo ba tinatanong yan ha???"

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon