ATHENA 7

330 12 0
                                    

ATHENA 7

“AND CUT! IT’S A WRAP”

I gave my respects to everyone in the studio. Everybody did a great job and thanks to them, the shoot finished smoothly.

Babalik na sana ako sa dressing room when my partner, Minhyuk, called me.

“Noona! What time are you going to the party???”, tanong niya.
“Uhmm, right after we packed up here I guess. Waeyo?”
“Nothing! Okay, I’ll see you there!”

Same agency kami ni Minhyuk. He was also my partner in my latest movie. Buti na lang, the movie was successful! Magkakaroon nga kami ng dinner mamaya kasama lahat ng staff.

Magkasunod lang ang sasakyan namin ni Minhyuk na lumabas ng studio. Siguro mga 8pm na din kami nakarating sa dinner party. Everyone was already waiting.
Nauna na pumasok si Minhyuk pati ang manager niya. Saka kami sumunod ni Rachel pati na din ang stylist ko na Korean. Hindi kasi maganda na nagsasama kami sabi ng management. Magkakaroon lang ng issue at dating scandals, which is something we don’t want to happen.
Pagkarating namin, nagumpisa na ang speeched ng CEOs at producers.

Nagpasalamat din naman kaming dalawa ni Minhyuk to everyone who made this movie possible.

“CHEERS!!!”

Habang nagsasaya at kumakain ang lahat, bigla namang tumabi sakin si Rachel.

“Guess what anong nakuha ko from the producers???”, excited nyang pagtatanong sakin.
“Ano?”
“Tadaaa!!!”

Pinakita niya sakin ang dalawang papel na may naglalaman na details ng flight to Jeju Island.

Muntik na tuloy ako mabulunan.

“Jeju???”
“Yes! Yes! YEES!!! Alam mo naman si Mr. Park diba may hotel yan sa jeju? Nilibre nya ang buong cast ng stay dun!!!”
“Talaga???”

Sakto, dumating din si Minhyuk sa table namin.

“Noona! Are you coming???”, sabik din nitong tanong sakin.
“Uhh, yes I guess so? Right, Rachel?”

Umoo naman si Rachel dito kay Minyuk.

“Great! Maybe we can go together?? When is your flight???”, tanong ulit niya.
“Together?? No, no Minho. That’s not allowed, remember??”, sabi naman ni Rachel.

Ahh oo nga pala bawal kami magsamang dalawa.

“Don’t you think those rules are too much? Aren’t we allowed to be friends???”, kunyaring pagtatampo nito.

Since mas bata tong si Minhyuk ng 3 years sakin, mas bagay sa kanya ang nagpapacute kesa sakin. Pero since mukha din naman daw akong bata pa, kaya siguro kami yung pinagtambal sa movie.

“We are already friends Minhyuk. Besides, they’re probably right. Paparazzis are everywhere, I don’t want to have a dating scandal right now.”, pageexplain ko dito.

“Eooo?? You don’t like to have a dating scandal with me? Am I not handsome???”

Hay nako kulit talaga neto eh!

“Aniyo! It’s just better that way! Ya, don’t misunderstand!”, pagpapalo ko dito.
“Arasseo!! Arasseo! So when is your flight again??”

Tinignan ko naman yung papel na may flight details namin.

“Last week of…June!”, pagsasagot ko naman.
“Eh??? Ours is on week before that!!!”

Napatingin naman ako kay Rachel.

“Yes Minhyuk. Your agency’s orders.”, sabi naman ni Rachel
“Aisshh. I never get to hang out with you anymore! I like it better when we were still trainees.”, pagrereklamo nito.
“Minhyuk, you see each other almost everyday! Now, go! Eat at your table!”, pabirong paninita ni Rachel.
“You’re always sungit!”, ani naman ni Minhyuk.

Natawa naman ako dito kay Minhyuk. Haha kahit kelan talaga ang bilis matuto ng lalaking to. Tinuturuan ko kasi dati sya ng mga tagalog words at biruin mong naalala pa niya yung iba?

“Hoy, yang Minhyuk na yan ah di ko alam kung talagang napakalikot o---”

Pasubo na sana ako ng pagkain ko korean bbq ko nang natigilan tong si Rachel.

“Ano??”
“Hala! Baka may gusto sayo yun ah???”

Naubo naman ako sa sinabi nitong si Rachel. Baliw talaga.

“Hoy pwede ba tumahimik ka dyan kung gusto mong tumagal pa ko dito sa Korea!”

Umiling iling naman si Rachel at napatingin tuloy ako kay Minhyuk. Nagkataon napatingin din sya sakin. Kinindatan naman niya ako at ngumiti lang ako dito.
Imposible sinasabi nitong si Rachel. Saka isa pa, sigurado akong di ako tipo nito. Sadyang masayahin at palakaibigan lang tong si Minhyuk. Lalo pa kaya kung malaman pa niya kung anong nagawa ko 7 years ago.

------

“Hi Soyi!!!! It’s really beautiful here!!! Look!!”

Nakavideo call kasi si Minhyuk sakin. Habang nasa dressing room ako, naghahanda para sa isang guesting sa variety show, tumawag siya sakin.
Pinaikot nga niya ang phone niya at pinakita ang view nila ngayon habang nasa sasakyan sila.

Naghi din ang manager ni Minhyuk sakin.

“Woooow it really is! I’m so jealous now!!”
“You should come over now!!”
“I can’t. I have my schedule today!”

Nakakainggit talaga! Ang ganda nung lugar na puro dagat at malawak na mga daan na walang sasakyan! Hayyy parang probinsya lang!

Habang nakavideo call kami ay may dumating naman na notification sa akin sa email. Nagpaalam muna ako kila Minhyuk at binuksan ko kung ano yun.

Kim Limuel
St. Dominique files

Napabuntong hininga naman ako ng nakita ko ang email ng stepdad ko. Nakaschedule akong umuwi ng Pilipinas after lahat ng schedule ko sa Korea. After ng bakasyon namin sa Jeju, dadaan lang ako sa Seoul para makipagusap sa agency ko tapos lilipad na ko pabalik ng Pinas.

Nang binuksan ko yung file, sandamakmak na pages ang bumulaga sa akin. Mula sa dating management ng school hanggang sa revisions na gusto mangyari ni Mr. Kim.

“Soyi! 10 mins!”, pagtatawag ni Rachel.

Hay mamaya mo na isipin to Soyi. May shooting ka pa.

Natapos ang shooting namin that day ng mga maghahapon na. Medyo napagod lang ako ng kaunti kasi ang lilikot ng hosts at madaming mga adlibs na nadagdag. Nag-alala naman si Rachel sa mga sorpresang wala naman sa script pero buti na lang nalutasan ko ang lahat.

Nagpaderetso naman ako kay Rachel sa apartment ko at di na ko sumama pa sa agency. Sabi ko kasi kailangan ko na simulang pag-aralan ang files na binigay ni Mr. Kim.

Nagbihis lang muna ako ng casual clothes ko at pumunta sa café sa baba ng building namin. Dun ko na lang naisipang basahin yung mga dokumento, wala din naman kasing masyadong tao doon.

Nag-order muna ako ng americano at saka umupo sa isang tabi.

“Hmm, tignan nga natin to”, pagbubulong ko sa sarili ko.
Nang inopen ko yung file, agad kong sinimulan ang pagbabasa.

…..
………
………….
……………..

“Hay grabe!!!”

Napatingin naman yung mga barista. Ay napalakas ata ang sabi ko. Jusko kahiya ka Soyi.

Pano ba naman kasi! Mas gusto ko pang nagbabasa ng script eh!!! Huhu ang boring naman nito.

Sumipsip muna ako sa kape ko saka ko sinubukan ulit magbasa. Wooo, kaya mo yan. Sayo nakasalalay ang pangalan ni Mr. Kim!!!

Sinilip ko naman ang dulo ng page. Teka, ano tong nakapulang font?

P.S: Athena, thank you for doing this. It means so much to me and to your mom.

Nakonsensya naman ako bigla. Di lang sa dahil nakakabore ang pagbabasa nito, pero dahil sa dami ng taong di ako nagparamdam sa kanila. Ni hindi ko nga alam na meron palang sakit si Mr. Kim.

Napakamakasarili ko.

Ilang beses ko ding sinubukang magparamdam, o kaya bumalik. Pero di ko magawa sa huli. Hiyang hiya ako sa nagawa ko at sa palagay ko, walang idudulot na maganda ang pagbalik ko.

**** FLASHBACKS****

“Flight 132, last call for boarding.”

Wala ng atrasan. Heto na talaga yun.

Kinuha ko na yung maleta kong dala. Pinagpapawisan na ko ng malamig na pawis. Eto ba yung feeling ng mga kriminal? Na parang may tatakasan sila na di nila magandang ginawa.

Ready na kong pumasok sa loob. May narinig akong mga yabag na nagmamadali at narinig ko ding tinawag nya aang pangalan ko.

“Athena! Sandali!”

Nang napatingin ako sa likod ko, nabigla akong nakita ko si Tito Greg doon.

“Tito Greg???”
“Pinabibigay ni Sir. Kakailanganin mo daw yan.”, hingal nitong sabi.

Gusto kong itapon ang binibigay niya sakin. Tinitigan ko lang yun at mariin kong sinabi,

“Di ko po kailangan nyan. Wala akong tatanggapin pang mula sa kanya.”
“Athena, wag ka ng magmatigas pa. Hayaan mo ng---”

Malaking sama ng loob  na naman ang naramdaman ko.

“Tito Greg, hindi po ba sapat na ayaw niyang matuloy ang kasal namin?? Sinunod ko ang gusto niya. Hindi ko na kailangan pa ng ano mang suhol mula sa kanya.”

"Athena, he just wants what's best for you and Theodore. Besides....he gave you a choice. Tanggapin mo na to."

Tumalikod na ako agad kay tito Greg at di ko nga napigilan na  lumuha. Sinubukan kong tapangan ang sarili ko sa oras na yon. Masyado ng natatapakan ang pagkatao ko. Hindi na ko palulubog pa.

*****end of flashbacks****

*Author's note: It has been a long time!!! But yes, I'm trying to finish this. Haha. Comments are greatly appreciated!!! 😊💖

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon